Wednesday , February 21 2024
Jane de Leon Janella Salvador

Jane at Janella  aprub sa lesbian movie/ girl’s love series

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang panayam kay Jane de Leon, inamin niya na nasa dating stage siya ngayon. At non-showbiz ang lalaking nakaka-date niya.

As of now, happy naman ako. I am actually dating someone. Non-showbiz guy and let’s just leave it at that to protect his privacy.

“Basta my heart is happy. Nasa dating stage ako ngayon at hindi ko naman idini-deny ‘yun. And I think I want to keep it private lang so, bahala na sila kung sino siya (idine-date). Ha-hahaha!” natatawang sabi ni Jane.

Si Janella Salvador ang itinuturing ngayon ni Jane na best friend. Nagsimula silang maging malapit nang magkasama sila sa dating serye ng ABS-CBN na Darna.

Okey lang kay Jane na gumawa sila ng best friend niyang si Janella ng isang lesbian movie o Girl’s Love series in the future kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pero ano ang masasabi ni Jane na may mga taong nagbibigay ng malisya sa friendship nila ni Janella at sinasabing baka raw may secret relationship na sila nito.

Kami naman ni Janella, pareho kaming natutuwa sa suportang ibinibigay ng mga tao sa friendship namin. We don’t mind kung sinasabing bagay kaming love team.

“We interact with the fans na natutuwa sa amin, kaya siguro minahal din nila ang friendship namin. Siguro, sa mga LGBT, they fantasize us and it’s okay lang. If maibibigay ba namin ang kaligayahan nila, why not?” aniya pa.

Kung may mag-offer nga sa kanila ni Janella ng isang lesbian-themed project, okey lang ba sa kanya o sa kanila ni Janella?

 Sagot ni Jane, “We’ve talked about and we’re open about the idea.

“Basta maganda ang story at maayos ang pagkakasulat ng script, sige, go. Trabaho pa rin naman ‘yun and people now are so open-minded about these things.”

About Rommel Placente

Check Also

Gabby Concepcion TVJ

Popularidad ni Gabby nasagasaan ng TVJ; Afternoon programming ng GMA humina

HATAWANni Ed de Leon HINDI ba ninyo napansin mukhang hindi masyadong umingay ang huling serye …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Mayor ng Baliwag umalma sa serye ni Jillian, GMA Execs humingi ng paumanhin  

NAG-COURTESY visit sina GMA Assistant Vice President for Drama Ali Nokom Dedicatoria at Abot Kamay Na Pangarap Executive Producer Joy …

Darlene Vibares YGIG You Go I Go

Darlene ng dating Y.G.I.G. umalagwa, nagbabalik sa kanyang Daydream

HARD TALKni Pilar Mateo KASABAY niya sina Darren Espanto, JK Labajo, Lyca Gairanod. Tumapak naman siya sa …

Kiko Ipapo Beauty Gonzales

Kiko Ipapo hindi issue kung matanda o bata ang magiging GF 

MATABILni John Fontanilla HINDI issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may …

Teejay Marquez Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Teejay Marquez nakipagsabayan kay Beauty

MATABILni John Fontanilla SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ni Teejay Marquez sa kanyang management dahi sa malaking opportunity na …