Friday , December 5 2025

Isang opisyal ng MIAA cannot be reached kapag weekends!?

USAP-USAPAN sa MIAA ang isang opisyal na cannot be reached & cannot be located kapag weekends kahit daw may emergency situation sa airport. Inilaan daw kasi no’ng opisyal ang weekends sa kanyang paboritong hobby (bisyo) – ang paglalaro ng MAHJONG at TONG-ITS. Sa katunayan daw, may isang adjoining room daw sa isang exclusive club house ang opisyal na ginagawang gambling …

Read More »

Congratulations CAMANAVA Press Corps and Immigration Press Corps

BINABATI natin ang bagong mandato na nakamit ng ating mga katoto sa CAMANAVA Press Corps at Immigration Press Corps na kamakailan lang ay nanumpa sa kanilang tungkulin. Ang CAMANAVA na pinangungunahan ni National Press Club (NPC) Director Arlie Callalo at ang Immigration Press Corps na pinamumunuan naman ni Rey Salao. Hangad natin ang tagumpay ng dalawang press corps at nawa’y …

Read More »

Barangay hall bodega ng paputok ng barangay official sa Ongpin St. (Attention: BFP OIC C/Supt Carlito Romero)

NINERBIYOS na naman pala ang mga residente sa isang barangay d’yan sa Sta. Cruz, Maynila sa Fernandez St.,kanto  Ongpin St. Doon po ‘yan sa lugar na nasunog ang isang bahay at ikinamatay ng apat katao. Ang rason daw ng sunog ay dahil sa napabayaang CHARGER ng cellphone. At dahil luma na raw ‘yung bahay kaya mabilis na nilamon ng apoy. …

Read More »

Bureau of Customs inumpisahan na ni PNoy

HAYAN NA, ipinadama na ni PNoy ang kanyang galit sa Bureau of Customs BOC). Matapos ipabuwag kay Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga walang kuwentang task force na nagagamit lang sa pangongotong, isinunod ni PNoy ang ‘pagsibak’ sa lahat ng deputy commissioner ng bureau, maliban kay Danny Lim na nagbitiw sa posisyon ilang araw makalipas nang banatan sa SONA ni …

Read More »

Porma o reporma sa BOC

  HINDI lang pala si Customs Commissioner Ruffy Biazon ang “THE ONE WHO CALLS THE SHOTS” diyan sa Aduana. Balita natin ay maasim pa rin ang dalawang ex-Customs chiefs pagdating sa puwestohan ng mga opisyal sa bureau. Kamakailan kasi ‘e inianunsiyo ng ahensiya ang pagpasok ng mga bagong pangalan na hahalili sa mga tinamaan ng halibas ni PNoy noong kanyang …

Read More »

GMA, Napoles, 20 pa sa Malampaya Plunder

KINASUHAN ng plunder o pandarambong ng  National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes sina dating Pres. Gloria Arroyo, “pork scam queen” Janet Napoles, at 20 iba pa kaugnay ng maling paggamit umano ng P900 milyon mula sa Malampaya gas fund. Kabilang sa mga kinasuhan sina dating Exec. Sec. Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman at kanyang Undersecretary Rafael …

Read More »

Chinese Abacus

ANO ang Chinese abacus at paano ginagamit ang abacus sa Feng Shui? Ang abacus ay lumang calculator na ginamit ng maraming kultura sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa nakaraang mga siglo. Bagama’t ito ay simple sa paningin, ang abacus ay nagagamit sa ilang mathematical calculations. Ang Chinese abacus, tinagurian din bilang suanpan o counting tray, ay ginamit simula noong …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Higit mo pang isusubsob ang sarili sa iyong trabaho ngayon. Taurus  (May 13-June 21) Isang kaibigan o grupo ang magpapabago hindi lamang ng iyong personalidad kundi pati ng iyong buhay. Gemini  (June 21-July 20) Maaaring kailangang ayusin ang ilang bahagi ng inyong bahay. Tumawag na agad ng repair man. Cancer  (July 20-Aug. 10) Maaaring maubos ang …

Read More »

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 29)

KAUSAP SI MARIO NI MAJOR DELGADO NA ‘DI MABALASIK ANG ANYO Napukaw ang daloy ng gunita ni Mario nang lapitan siya sa selda ng isang unipormadong pulis, si Major Delgado. Hindi kukulangin sa apatnapu’t lima ang edad nito.Maayos at malinis ang kasuotan.Plantsado ang maigsing buhok. At kahit seryoso ang bukas ng mukha, hindi mabalasik ang anyo ni Major Delgado. Ngunit …

Read More »

Tiu tikom ang bibig sa kanyang kasal

AYAW munang magsalita  ng guwardiya ng Rain or Shine na si Chris Tiu tungkol sa mga balitang nagpakasal daw siya sa Canada. Noong Martes ay ibinalita ng isang tabloid (hindi ang HATAW) tungkol sa kasal ni Tiu sa kanyang kasintahan na nakilala niya noong nasa high school pa siya. Naunang sinabi ng kampo ng Elasto Painters na nasa Canada si …

Read More »

Stern bibisita sa Pinas

KINOMPIRMA ni NBA Commissioner David Stern na darating siya sa Pilipinas upang obserbahan ang NBA Global Game ng Houston Rockets at Indiana Pacers sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Ang larong iyon ay bahagi ng maraming mga pre-season na laro ng NBA sa iba’t ibang mga bansa bago ang pagbubukas ng bagong season sa Nobyembre. Kasama …

Read More »

Marbury tumulong sa PBA

NAGBIGAY ng tulong ang dating NBA All-Star na si Stephon Marbury sa outreach program ng PBA. Noong isang gabi ay bumisita si Marbury sa Cuneta Astrodome upang panoorin ang laro ng semis sa Governors Cup ng Petron Blaze at Rain or Shine at sa halftime ay nagbigay siya ng 300 na pares ng kanyang Starbury na sapatos para sa mga …

Read More »

Cotto nais ng rematch kay Mayweather

TARGET ni Miguel Cotto na magkaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather na tumalo sa kanya noong May 5 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Ang misyon na iyon ni Cotto ay ipinarating ni Freddie Roach sa media.  Pero bago ang nasabing rematch ay dapat lang na talunin ni Cotto si Delvin Rodriguez ng Dominican Republic sa Linggo …

Read More »

Chicano, mangrobang nag-uwi ng ginto

NAKASUNGKIT ng gold medals nina John Chicano at Marion Kim Mangrobang sa 2013 Cold Storage Singapore Triathlon-ITU Asian Cup Elite Under-23 divisions noong Linggo sa East Coast Park, Singapore. Lumanding sa overall 13th place sa 42 male competitors si Chicano habang niyapos ni Mangrobang ang pang-10 puwesto sa 17-player female division, sapat upang mag-uwi ng karangalan sa bansa. Malaki ang …

Read More »

Frayna nasikwat ang unahang puwesto (2013 Battle of the GM)

NAKOPO ni Janelle Mae Frayna ang unahang puwesto matapos mapuwersa ng tabla si  Jean Karen Enriquez sa 79 moves ng  English Opening sa fifth round ng 2013 Battle of the Grandmaster Chess Championships Miyerkoles ng gabi sa Philippine Sports Commission Conference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila. Nabigo naman ang kanyang overnight co-leader Woman International Master Beverly Mendoza na makadikit …

Read More »