Friday , December 5 2025

NDRRMC ihiwalay sa DND—Grace Poe (Para sa epektibong relief ops)

IPINANUKALA ng baguhang senador na ihiwalay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa Department of National Defense (DND) para sa higit na epektbong relief efforts sa mga kalamidad at emergency. Inihain ni Senadora Grace Poe ang Senate Resolution 362, naglalayong i-review ang kapasidad ng pamahalaan sa pagtugon sa mga kalamidad kasunod ng mga kritisismo kaugnay sa …

Read More »

Ex-mayor patay misis, apo sugatan sa ambush

ZAMBOANGA CITY – Patay ang dating municipal mayor ng bayan ng Tungawan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay na si Arsenio Climaco matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa highway ng Brgy. Guiwan sa Zamboanga City. Ayon kay C/Insp. Elmer Acuna, hepe ng Tetuan police station 5, nangyari ang pamamaril bago magtanghali kahapon habang minamaneho ng dating alkalde ang kanilang …

Read More »

Hacker ng gov’t sites nadakma sa Butuan

BUTUAN CITY – Matagumpay na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation Central Office at Caraga Region kahapon ng madaling araw ang isa sa pinakaaktibong miyembro ng hacking collective group na Anonymous Philippines, sa search operation sa mismong pinagtatrabahuhan ng suspek sa Butuan City. Kinilala ang suspek na si Rodel Plasabas, 24, walang asawa, at residente ng …

Read More »

Contractor grabe sa holdaper

KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang contractor matapos pagbabarilin ng dalawang holdaper na riding in tandem nang pumalag ang biktima kahapon ng mada-ling-araw sa Pasig City. Kinilala ni Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Investigation Section ng Pasig PNP, ang biktimang si Darwin Cabatingas, 28, contractor ng Edge Incorporation at residente ng #812 TB-1, Brgy. 201, Zone 20, Pasay City. Tumakas …

Read More »

2 wanted timbog sa hideout

NAGWAKAS ang matagal nang pagtatago ng da-lawang pinaghahanap ng batas matapos masakote sa saturation drive ng mga awtoridad sa mga pugad ng masasamang loob sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Kulong ang mga suspek na kinilalang sina Santiago Mamaril, 41, ng Bonifacio Market, may kasong pagtutulak ng droga,  at Anduy Rosales, 42, ng Victoria North Subdivision Brgy. Potrero, Malabon City, …

Read More »

Ang pinsala ni Yolanda ay hindi mareresolba sa tit for tat na propaganda

IMBES pasalamatan si CNN reporter Anderson Cooper sa kanyang pag-uulat sa tunay na kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, ‘e nagbalat-sibuyas si Ms. Korina Sanchez at nagpakataklesang sinabi na, “Itong si Anderson Cooper, sabi wala (daw) government presence sa Tacloban. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya. (This Anderson Cooper, he said there is no government presence in Tacloban. …

Read More »

Nasaan ang bumabahang tulong ng maraming bansa?

BUMABAHA ang tulong mula sa maraming bansa sa mundo. May mga nagbibigay ng salapi at relief goods at nagpadala ng medical teams, pati warships nga ng Estados Unidos ay nasa bansa na para tumulong sa relief efforts. Lumabas nga sa mga ulat na higit sa P4 bilyon ang cash donations …  at patuloy pang dumarating. Maraming salamat po sa kanila… …

Read More »

Mayor Alfred Romualdez, ‘Spider Man’ ng Tacloban

HINDI natin maiwasang punahin ang political dynasty ng mga Romualdez na ilang dekada nang naghahari sa lalawigan ng Leyte, bagama’t ilan sa kanilang pamilya ay napinsala rin ng bagyong si “Yolanda.” Ang alkalde ng Tacloban ay si Aflred habang ang kapatid niyang si Martin ang congressman. Tila mas pinagkakaabalahan pa ng mag-utol ang pagbibigay ng mga panayam sa CNN at …

Read More »

Walang sistema ang gobyerno; GMA at ABS epal

HANGGANG ngayon ay nagkakagulo pa rin ang ating mga kababayan dahil sa kawalang sistema ng pamahalaang nasyonal sa pagbibigay ng kalinga, ayuda at tulong sa mga biktima ng bagyong si Yolanda na kumitil ng libo-libong buhay. Hindi biro ang naririnig nating reklamo at hinaing ng ating mga kababayang biktima ng naturang kalamidad maging ito man ay sa radio, telebisyon at …

Read More »

Antiques, good or bad feng shui

ANG items mula sa antique stores o estate sales ay may taglay na malakas na enerhiya mula sa dating may-ari ng mga ito. Ito ay uri ng enerhiya na nakatatak sa mga ito at mayroong kasaysayan na nangyari sa lugar kung saan dating nakalagay o naka-display. Ito ay partikular sa antique mirrors, gayundin sa mga kama. Kaya ang ibig bang …

Read More »

My Little Bossings, tiyak na mangunguna sa MMFF 2013

UMPISA pa lang ng shooting ng My Little Bossings, nasabi na naming tiyak na papatok ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Kris Aquino. Pero ang tiyak na kagigiliwan at magugustuhan ng manonood ay ang tambalan ng dalawang bagets, sina Ryzza Mae Dizon at James “Bimby” Aquino Yap. Kitang-kita kasi agad ang kakaibang chemistry sa dalawa. Kaya naman …

Read More »

Ariella, natalo man, pinupuri pa rin

DISAPPOINTED ang maraming Pinoy dahil hindi naging Miss Universe si Ariella Arida. Third runner-up lang siya sa contest na ginanap sa Russia. Pero makikita mo, hindi sila disappointed kay Ariella, in fact pinupuri pa rin nila iyon dahil hindi lamang siya gusto ng mga Pinoy, siya ang crowd favorite kahit na sa Russia. Siya rin ang paborito ng mga sponsor …

Read More »

Pictorial ni Marian sa GSM, mas sexier at bolder

KINUHA muli ng Ginebra San Miguel bilang 2014 calendar girl si Marian Rivera pagkalipas ng limang taon at sa press launch ay ipinakita rin sa entertainment press ang tatlong sexy photos ng aktres na gagamitin sa calendar na ire-release para sa 180th anniversary ng nasabing inumin. Mapangahas ang nasabing pictorial ni Marian dahil sexier, bolder, at daring para sa bagong …

Read More »

Mag-inang Daniel, laging bukas-palad sa mga nangangailangan

BILIB kami sa mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla dahil pinakiusapan nila ang Kath Niel supporters na kung puwedeng mag-donate ng anumang bagay na puwedeng makatulong sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Visayas. Taga-Tacloban, Leyte ang ina ng batang aktor kaya’t aligaga sa paghingi ng tulong para sa mga kababayan. Hindi naman nabigo ang mag-inang Karla at Daniel dahil …

Read More »

Gerald, mas palaban na ngayon!

NAKAPANGHIHINAYANG at magtatapos na ngayong gabi ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Cristine Reyes, Rayver Cruz at marami pang iba. Gandang-ganda kasi ako sa takbo ng istorya nito dahil siguro ito’y ukol sa pagmamahal ng isang ana sa kanyang anak. Samantala, inamin ni Gerald na naging mas palaban na siya sa buhay dahil …

Read More »