Saturday , December 6 2025

Paul Walker pararangalan sa Kamara

ISINUSULONG sa Kamara ang paggawad ng parangal at pasasalamat sa namayapang Holywood star na si Paul Walker. Batay sa House Resolution 577 na inihain ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, nararapat parangalan ang tulad ni Walker na nagpakita ng pagnanais na makatulong sa nasalantang mamamayan sa Filipinas hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Magugunitang nag-organisa ng charity event si …

Read More »

Yolanda death toll pumalo sa 5,719

UMAKYAT pa sa 5,719 nitong Miyerkoles ang bilang ng mga namatay kay bagyong Yolanda, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa update kahapon dakong 6 a.m., sinabi ng NDRRMC na 26,233 ang nasugatan samantalang 1,779 ang nawawala. Nasa 873,434 naman ang bilang ng mga pamilyang nawalan ng tahanan o 4,022,868 katao. Nasa 2,380,019 naman ang bilang ng …

Read More »

Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.7 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao dakong 7:58 a.m. kahapon. Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa 57 Davao niyanig ng mag. 5.7 lindol km timog silangan ng Mati, Davao Oriental. May lalim itong 52 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Inaalam pa ng Phivolcs at NDRRMC kung may naitalang pinsala dahil sa …

Read More »

Reso sa 2013 calamity fund aprub sa senado

INAPRUBAHAN na sa Senado ang resolusyon na naglalayong pahabain ang validity ng calamity related funds sa ilalim ng 2013 national budget upang magamit sa taon 2014. Nasa 12 senador ang pumabor sa Senate Joint Resolution No. 7 at walang tumutol, habang isa ang abstention sa katauhan ni Senate minority leader Juan Ponce Enrile. Nabatid na tinatayang nasa P12 billion pa …

Read More »

P3.38-B sa relokasyon ng informal settlers

INIHAYAG ng gobyerno na magpapatuloy ang ginagawang relokasyon sa mga pamilyang nakatira sa delikadong lugar sa Metro Manila partikular sa mga nasa estero. Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad, naglabas ang kanyang tanggapan ng P3.38 billion sa National Housing Authority (NHA) para sa patuloy na implementasyon ng Housing Program for Informal Settler Families (ISFs) Residing in Danger Areas in Metro …

Read More »

Bagong Umaga, Bagong Pag-asa, konsiyerto para sa biktima ni Yolanda

MAGSASAMA-SAMA ang mga kilala at iginagalang na musikero ng bansa sa Disyembre 14, Sabado, para sa walang humpay na awitan at tugtugan na laan para sa mga biktima at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ang konsiyerto ay may titulong Bagong Umaga, Bagon Pag-asa na gaganapin sa Pagcor Theater, Casino Filipino,Paranaque (opposite NAIA Terminal 1), 7:00 p.m. Ang Bagong Umaga, Bagong Pag-asa …

Read More »

Andi, ‘di kailangang mamalimos ng suporta kay Albie

INAMIN sa amin ni Andi Eigenman na wala na siyang pakialam sa buhay ng lalaking itinuturing naman daw niyang ama ng kanyang anak na si Albie Casino. ‘Yan ang nabatid namin sa sikat ngayong aktres nang sadyain ito sa taping ng Galema last week. Ayon kay Andi, masaya na siya ngayon sa kanyang pribadong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi …

Read More »

Sexbomb Girls, buwag na?!

ANO naman itong nabalitaan naming tuluyan na raw nagkahiwa-hiwalay ang Sexbomb Girls? Hindi pa namin actually nakokompirma ang isyung ito pero malakas ang tsismis na hindi na raw pipirma ng panibagong kontrata ang buong Sexbomb Girls sa kampo ng kanilang manager na si Joy Cancio. Tila nag-usap-usap daw ang grupo na hindi na sila magpapatali sa dating manager at magkakanya-kanya …

Read More »

PPL, naghandog ng simple at makabuluhang Christmas dinner

ISANG simpleng dinner date for the press ang aming dinaluhan noong Lunes sa imbitasyon ni Perry Lansingan, ang kaibigan naming talent manager ng PPL artists. Simple dahil nagsalo-salo kami sa isang tahimik na gabi kasama ang  talents ng PPL for a dinner at kuwentuhan. Ito na rin ang maagang Christmas party for the press ng PPL na hindi naging magarbo …

Read More »

LJ, aminadong nagka-trauma kay Paulo (Aktor, hindi pa raw handang mag-asawa)

‘TRAUMA’ ang ginamit na ‘term ni LJ Reyes nang tanungin namin siya sa nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Paulo Avelino at dahil dito ay ayaw muna niyang umibig muli. Sinabi namin sa aktres na ‘big word’ ang salitang trauma dahil ibig sabihin ay hindi maganda ang karanasan niya sa piling ng tatay ng anak niyang si Aki? “Opo, …

Read More »

Kris, nasa Singapore para sa Asian TV Awards

NASA Singapore ngayon si Kris Aquino para sa Asian TV Awards na gaganapin ngayong gabi at isa ang Queen of All Media sa presenter para sa tatlong kategorya. Kasamang tumulak ni Kris sina Kris TV headwriter Darla Sauler at business unit head na si Lui Andrada at ibang staff ng TV host. Nominado raw si Kris bilang TV Personality at …

Read More »

Jasmine at Maxene, Fairy God parents sa Flawless 12th anniversary

HINDI na kataka-taka ang tinuran ng owner ng Flawless na si Ms. Rubby Sy na ang aktres na si Lorna Tolentino ang pinaka-effective at best endorser ng kanyang face and body center na Flawless. Paano naman tila hindi nagbabago ang hitsura ni LT kahit nadaragdagan ang edad, napapanatili pa nito ang maganda at kakinisan ng kutis. Kaya naman marami ang …

Read More »

Martin, pumatol sa beking durugista?

WORLD AIDS DAY—Guest speaker ang Kapatid drama prince at Positive lead actor na si Martin Escudero sa ginanap na HIV/AIDS Awareness Breakfast Forum na inorganisa ng Asian Development Bank sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong. Nagsalita si Martin tungkol sa responsibilidad ng media sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng HIV at AIDS sa bansa. Ang TV5 ang kauna-unahang network …

Read More »

Ano na ang nangyari sa peace and order? Tuloy-tuloy ang patayan sa Pasay City (ATTN: NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo)

SABI nga ni Pasay City mayor Antonino Calixto, ang kanilang siyudad ang larawan ng Philippines my Philippines. Kumbaga, paglabas ng mga turista sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang lungsod ng Pasay ang kanilang matutunghayan, kaya nga nandiyan ngayon ang tinaguriang biggest mall in Asia ang SM MOA, nariyan ang Resorts World Manila, ang Marriott Hotel, ang …

Read More »

Nasaan na ang Manila Bay sunset view sa Roxas Blvd!?

AYON sa isang kaibigan natin, dati raw, aliw na aliw siyang magdaan sa Roxas Blvd., dahil natatanaw niya ang Manila Bay sunset view. Pero nitong mga nagdaang araw, nagulat siya nang nakita niyang napuno na rin ng TENT ang ROXAS BOULEVARD (baywalk) dahil ginawang TIANGGEHAN ng mga ‘BATA’ ni ERAP. Mula sa Divisoria, hanggang sa Bonifacio Shrine at ngayon hanggang …

Read More »