Tuesday , December 16 2025

Friendship nina Anne at Angelica, ‘di apektado ng nangyari kay Lloydie

ni Roldan Castro HINDI naapektuhan ang friendship nina Anne Curtis at Angelica Panganiban kahit nagkaroon ng eskandalo sina Anne at John Lloyd Cruz. Kambal pa rin ang turingan nila at tawagan. Sa Instagram ay binati pa ni Angelica si Anne ng happy birthday na magkasama sila sa picture. Nagparamdam din ang dalawa na miss na nila ang isa’t isa. Talbog!

Read More »

Osang, idinamay ang pamilya Revilla sa kulong issue

ni Roldan Castro KARAPATAN ni Rosanna Roces na liwanagin ang ‘kulong’ isyu sa kanya pero ang nakakaloka bakit pati ang pamilya Revilla ay pinagbubuntunan niya ng galit at kung ano-ano na naman ang banat niya sa kanyang Facebook Account ? Inaano ba siya ng mga Revilla para idamay na naman sa isyu niya? I’m sure dedeadmahin lang ito nina Senator …

Read More »

DA, NFA puro pangako — KMP (Presyo ng bigas sumirit na sa P40)

Pangakong napapako at kabi-kabilang palusot ang inihahain ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa nagugutom na Filipino sa gitna ng pagkakatala ng bago  na  namang  pinakamataas  na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa, sa pangalawang pagkakataon sa buwan na ito ng Pebrero. Sa kabila ng paulit-ulit na pangakong sapat ang suplay ng bigas, ginagamit ngayon …

Read More »

Biyuda ni tado nagpakalbo vs iregularidad sa Florida, LTFRB

SINUGOD kahapon ng biyuda ni Arvin ‘Tado’  Jimenez, kasama ang Dakila Group, ang opisina ng GV Florida Transport  bilang protesta sa pagpapabaya sa mga biktima ng ‘lumipad’ na bus patungong Bontoc, dalawang linggo na ang nakararaan. Nagpakalbo si Lei Jimenez, bilang protesta laban sa inhustisya sa mga biktima sa nasabing insidente. Habang ginugupit ang buhok ni Lei, isinisigaw ng mga …

Read More »

51.9-M Yen kompiskado sa Japanese

  51.9-M YEN. Ipinakikita nina Bureau of Customs-Enforcement Security Services Director Gen. Willie Tolentino at BoC-NAIA District Commander, Lt. Regie Tuazon ang 51.9-M Japanese Yen na dala ng Japanese national na si Yoshiaki Takahashi matapos harangin sa NAIA Terminal 1 ng tauhan ni Customs Police Division, NAIA  District Commander, Lt. Sherwin Andrada bunsod ng paglabag sa Tariff and Customs Code …

Read More »

Cyber libel suportado ni PNoy

SUPORTADO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang sang-ayon sa Saligang Batas ang Cyber Libel na nakapaloob sa Cyber Crime Prevention Law. Sa harap ito ng pangamba ng ilang online journalists, netizens, at bloggers na mahilig magkomento sa Twitter at Facebook, dahil pagsupil anila ito sa karapatan sa pamamahayag. Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi …

Read More »

Turista sa Bora todas sa AIDS

KALIBO, Aklan – Isang dayuhang turista ang namatay dahil sa sakit na HIV-AIDS infection habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay. Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon, Jr., ng Provincial Health Office (PHO), isang lalaki ang naturang foreign national na namatay sa sakit. Hindi na ibinunyag ng PHO ang pagkakakilanlan ng AIDS victim para sa proteksyon ng biktima at ng kanyang pamilya …

Read More »

2 patay P8-M naabo sa Taguig fire

Dalawa ang patay at tinatayang P8-M  ang naabong ari-arian, sa naganap na sunog sa  isang residential area sa Mindanao Avenue, Maharlika Village, Taguig City, Martes ng gabi. Hindi  umabot ng buhay  sa Taguig-Pateros District  Hospital ang biktimang si Pakirim Kudarat,  61, nang ma-trap sa loob ng kanyang bahay at nakita kahapon ng umaga sa ilalim ng lababo ang bangkay ni …

Read More »

Waitress nilamutak ng X-ray tech sa Boracay

KALIBO, Aklan – Inireklamo ng isang waitress ang X-ray technologist sa isang clinic sa isla ng Boracay. Ito ay dahil sa sina-sabing pambabastos sa kanya ng suspek sa loob ng X-ray room matapos siyang maghubad ng kanyang damit. Ayon sa biktima, nagpa-X-ray siya bilang isa sa requirements sa kanyang trabaho bilang waitress sa isla. Base sa report ng Boracay Tourist …

Read More »

Honda CRV inabandona sa karinderya

INABANDONA ng tatlong hinihinalang karnaper ang isang Honda CRV sa tapat ng isang karinderya sa Paco, Maynila, kamakailan. Sa ulat kay S/Insp. Rommel Evangelista Geneblazo, hepe ng Anti-Carnapping Investigation Section ng Manila Police District, dakong 5:00 a.m. nitong Pebrero 15, isang Ma. Christina Hovario, ng 1389 Canuza cor. Gernale streets, ang nakakita sa puting Honda CRV (REG-613) nasa harap ng …

Read More »

Tserman napikon sa tambutsong maingay, nag-amok

DAGUPAN CITY – Dahil sa pagkapikon sa mai-ngay na tambutso ng motorsiklo, namaril ang isang punong barangay ng bayan ng Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan. Hindi napigilan ng nagrorondang kapitan na si Jessie De Vera ng Brgy. Guiguilonen sa nabanggit na bayan, na paputukan ang magkaibigang sina Jason Muerong at Jordan Cabatlig, kapwa residente rin sa lugar matapos sitahin ang …

Read More »

2 sorbetero kalaboso sa ‘dirty ice cream’

SA KULUNGAN nagwakas ang 10-taon pagkukumpare ng dalawang sorbetero nang hindi maawat sa pagsusuntukan matapos mag-asaran at magkapikonan tungkol sa mga tinda nilang sorbetes sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Nagsimulang masaya pero nauwi sa solian ng kandila ang tagayan ng magkumpareng sorbetero na kinilalang sina Dennis Demio, 47, putok ang ulo; at Joel Rondina, 47, kapwa residente  ng …

Read More »

2 heneral lumusot sa CA (Sangkot sa Burgos at Morong 43 cases)

LUMUSOT sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kontrobersyal na heneral na si Eduardo Ano, sinasabing may kaugnayan sa pagkawala ni Jonas Burgos. Kahapon ng umaga, kinompirma ng committee on national defense ng Commission on Appointments ang promosyon ni Ano bilang Major General. Lusot din ang promosyon bilang Major General ni Gen. Aurelio Baladad, bagamat nakwestyon ang kanyang tatlong pending …

Read More »

Motel sa Pasig walang permit

TINULIGSA ng mga residente ng Lungsod ng Pasig ang pagtatayo ng motel sa kanto ng Shaw Boulevard at Danny Floro Streets, Barangay Orambo, nang walang building permit at kawalang aksyon ng city government. Ayon sa source, ang itinatayong motel ay pag-aari ng Bloyue Mica Inc., ang namamahala sa Nice Hotel, na may puwesto rin sa panulukan ng EDSA at Shaw …

Read More »

Carla, nagmaldita na naman

ni Roldan Castro UMANDAR na naman ang pasimpleng kamalditahan ni Carla Abellana sa press kaya nakatapat siya nang sagot-sagutin siya ng isang katoto sa presscon ng Third Eye na showing sa February 26. Nagsimula siguro ‘yun sa tanong ng press kung  nagkakalabuan na ba sila ni Geoff Eigenmann? Wala kasi itong mai-share sa nangyari sa kanila noong Valentine’s Day nang …

Read More »