Thursday , October 6 2022

Waitress nilamutak ng X-ray tech sa Boracay

KALIBO, Aklan – Inireklamo ng isang waitress ang X-ray technologist sa isang clinic sa isla ng Boracay.

Ito ay dahil sa sina-sabing pambabastos sa kanya ng suspek sa loob ng X-ray room matapos siyang maghubad ng kanyang damit.

Ayon sa biktima, nagpa-X-ray siya bilang isa sa requirements sa kanyang trabaho bilang waitress sa isla.

Base sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), habang nasa loob ng X-ray room ang biktima na itinago sa pangalang alyas Carmina, 25, residente ng lalawigan ng Antique, ay pinahubad siya ng kanyang damit at bra ng 42-anyos suspek, na residente ng Metro Manila, at agad pinapatay ang ilaw.

Ngunit, nagtaka siya nang makailang beses na inulit ang pagpapasailalim sa kanya sa eksaminasyon. Tumakbo ang waitress nang makitang biglang  naghubad din ang X-ray technologist.

About hataw tabloid

Check Also

gun shot

Nagdala ng ‘boga’ sa paaralan, binatilyo dinakip

INARESTO ng mga awtoridad ang isang binatilyong mag-aaral sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan …

prison rape

2 rapists sa Bulacan  deretso sa rehas

NAGTULONG-TULONG ang mga awtoridad sa pag-aresto sa dalawang akusado sa kasong panggagahasa sa lalawigan ng …

shabu drug arrest

MWP, kinakasama timbog sa droga

ARESTADO ang isang lalaking pinaghahanap ng batas kasama ang kanyang live-in partner na nakialam sa …

nakaw burglar thief

Sa Candaba, Pampanga
5 KAWATAN NASAKOTE, 4 TINUTUGIS 

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, nadakip ang limang lalaking nanloob sa isang grocery …

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

Leave a Reply