Saturday , December 20 2025

Desisyon ni Widodo handang tanggapin ni Duterte (Sa kaso ni Mary Jane Veloso)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, mamamagitan siya sa kaso ni Mary Jane Veloso, nasa death row sa Indonesia, ngunit idinagdag na handa siyang tanggapin ano man ang maging desisyon sa magiging kapalaran ng Filipina. Sa press briefing sa Davao City kahapon bago umalis patungong Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Duterte, makikipagpulong siya …

Read More »

LTO, LTFRB, MMDA, LGUs out sa traffic (Sa emergency powers ni Digong)

TULUYAN nang mabubuwag ang kapangyarihan ng LTO, LTFRB, MMDA at maging ng local government units (LGUs) sa pamamahala ng trapiko oras na umiral ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ilan lamang sa rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) sa komite ng Senado para maibsan ang malalang lagay ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila at iba …

Read More »

35,000 doktor kailangan sa PH

KAILANGAN ng 35,000 dagdag na doktor sa buong Filipinas para magaya ang healthcare system ng Cuba. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial, target ng administrasyong Duterte na magkaroon ng isang doktor sa bawat limang barangay. Kung hindi man aniya makakamit ito kaagad, balak muna ng Department of Health (DoH) na maglagay ng isang nurse …

Read More »

Naiwang bag ikinaalarma sa NAIA

BINULABOG ng naiwang bag ang Gate 3 departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 na naging dahilan para maabala ang mga pasaherong nakapila roon kahapon. Sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA), natagpuan ni security guard Ralph Basubas ang bag malapit sa Gate 3 na agad nitong ipinaalerto bilang precautionary measure. Ilang pasahero na hindi naintindihan …

Read More »

2-anyos hostage nasagip (Sa bus sa Albay)

LEGAZPI CITY – Makaraan ang mahigit walong oras, nailigtas na sa kapahamakan ang 2-anyos paslit na binihag ng isang hostage taker sa Ilaor, Oas, Albay kahapon. Ito ay kasunod ng negosasyon ng Special Weapons And Tactics team, Oas Police Station at Police Regional Office-5 na pinamunuan ni Regional Director Chief Supt. Melvin Buenafe Dakong 8:30 am nang maibalik sa kanyang …

Read More »

Narco-cops ‘di patatawarin – Gen Bato

ronald bato dela rosa pnp

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga – Muling inulit ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang kanyang babala sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga. “Ilang beses na tayong napapahiya, mga kasamahan ninyo dito,  77 itinapon sa Mindanao para  mahinto ‘yung kanilang operation sa illegal drugs,” pahayag ni Dela Rosa sa kanyang speech sa Police Regional Office …

Read More »

No terror threats sa Metro Manila – NCRPO

Metro Manila NCR

PINAWI ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pangamba sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa Metro Manila kasunod nang pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi. Sinabi ni NCRPO director, Chief Superintendent Oscar Albayalde, walang validated reports kaugnay sa posibleng pagpapasabog ng mga terorista sa Kalakhang Maynila. Idinagdag niyang walang katotohanan ang kumalat na text message dalawang …

Read More »

Bagong Zika case sa PH kinompirma ng DoH

KINOMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang panibagong kaso ng Zika virus sa bansa. Ayon kay Health Undersecretary Gerry Bayugo, ang pasyenteng isang babae, nasa 40s ang edad at may-asawa, ay mula sa lalawigan ng Iloilo. Ang nasabing babae ang pang-anim na kaso ng Zika sa bansa mula noong 2012. Aniya, nagpositibo sa Zika virus ang pasyente sa isinagawang pagsusuri …

Read More »

3 sangkot sa droga patay sa CDS

shabu drugs dead

PATAY ang tatlo katao na sinasabing sangkot sa ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Caloocan Death Squad (CDS) sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Caloocan Chief  Police Deputy Chief for Administration, Supt. Ferdie Del Rosario, dakong 5:30 am, natutulog sa loob ng Julaton Compound ang mga biktimang sina Mark Angelo Julaton, 19, at Ae-mos …

Read More »

2 patay sa shootout sa checkpoint

PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang pulis makaraan humarurot mula sa isang checkpoint sa Malate, Maynila at makipagbarilan sa mga pulis nitong Linggo ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina PO2 Manuel Fuentes at Alexander Escobal. Sa pinaigting na police checkpoint, pinatigil ang mga suspek sa Adriatico St., ngunit imbes huminto ay pinaharurot ang sinasakyang motorsiklo kaya’t sumem-plang …

Read More »

3 karnaper utas sa enkwentro sa Kyusi

NAPATAY ng mga pulis ang tatlong lalaking hinihinalang tumangay sa isang taxi sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Sinasabing pinatigil ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-Carnaping Unit ang mga suspek sa checkpoint sa North Avenue, ngunit imbes sumunod ay humarurot palayo. Nagkahabulan at nagkaputukan hanggang mapatay ang tatlong lalaki habang nakatakas ang dri-ver ng grupo. Napag-alaman, ang taxi …

Read More »

2 tiklo sa Pasig drug raid (Target nakatakas)

ARESTADO ang dalawa katao habang nakatakas ang target sa isinawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Eastern Police District sa Pasig City kahapon. Sa ulat ni EPD Director, Chief Supt. Romulo Sapitula, sinalakay ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at SWAT ang bahay ng target na si Rex Fajad dakong 11:25 am sa 32 C-8 Esguerra St., …

Read More »

4 iskul nabulabog sa bomb threat

NABULABOG ang apat paaralan malapit sa Malacañang Palace sa San Miguel, Maynila kaugnay sa bantang pagpapasabog. Makaraan ang masusing inspeksiyon, kinompirma ng mga awtoridad na walang bombang nakatanim sa Centro Escolar University (CEU), San Beda College, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at College of the Holy Spirit-Manila (CHSM). Ang EARIST nitong Linggo ng gabi ang unang …

Read More »

Solaire valet parking burara ba sa seguridad!?

IBANG klase raw pala ang valet parking sa Solaire. ‘Yan po ang reklamong kumakalat sa social media  mula sa isang customer na napasyal sa nasabing casino & hotel establishment. Supposedly, sabi ng biktima, it was a happy day. Kasi nga may surprise gift sana sa kanya ang kanyang partner sa kanilang anniversary. Pero ang saklap, kasi saglit na saglit lang …

Read More »

Pasay City Police OIC S/Supt. Nolasco Bathan may go signal sa lotteng bookies?

Marami ang nagtataka riyan sa Pasay City kung bakit imbes mapigilan ‘e parang ‘yumayabong’ ang  lotteng bookies sa nasa-bing lungsod. Itinatanong nila kung totoo bang may go signal na ba si Pasay City officer-in-charge (OIC) S/Supt. Nolasco Bathan sa mga 1602 na ‘yan?! At ‘yan daw ang madalas na bukambibig ng mga lotteng operator na sina alias Boy, alias Jose, …

Read More »