Thursday , June 4 2026

Ex ng 2 top drug lords Itinumba sa Cebu

100216_front

CEBU CITY – Pinagbabaril nitong Biyernes ng tatlong hindi nakilalang suspek ang dating misis ng suspected drug lord at puganteng si Kerwin Espinosa, na naging live-in partner din ng isa pang napatay na drug lord na si Jeffrey “Jaguar” Diaz sa Las Piñas City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, si Annalou Llaguno, 30, ay nakaangkas sa motorsiklo ng kanyang partner,  nang tatlong lalaking lulan din ng motorsiklo ang sumunod sa kanila at dalawang beses na binaril sa ulo ang biktima.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang .45-caliber pistol ngunit hindi pa batid ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng mga suspek.

Ang biktima ay nagbebenta ng mga alahas, ngunit masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente kung ito ay may kaugnayan sa droga dahil si Llaguno ay dating karelasyon ni Cebu’s top drug lord Jeffrey “Jaguar” Diaz, bukod sa pagiging dating misis ni Espinosa.

Si Diaz ay namatay sa shootout sa Las Piñas noong Hunyo, habang si Espinosa ay nagtatago.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …