Digongโs war on illegal drugs magtatagumpay
Isa tayo sa mga naniniwala na magtatagumpay sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga si Pangulong Rodrigo Duterte.
Isang dating drug user ang umamin sa inyong lingkod na mismong kanyang supplier ay wala nang makuhang illegal na droga.
Kung sa loob lang ng dalawang taon, naniniwala ang inyong lingkod na tuluyan nang maglalaho ang ilegal na droga.
Bastaโt huwag lamang titigil ang Pangulo at si Director General Ronald โBatoโ Dela Rosa sa kanilang kampanya.
Kung mismong ang mga supplier o drug pusher ay wala nang makuhang ilegal na droga, ano ba ang kanilang ititinda?!
Kaya mga suki, suportahan po natin si Pangulong Duterte sa kanyang giyera laban sa droga, dahil ang laban na โyan ay handog niya sa ating lahat.
Para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa!
[divider]
