Friday , December 5 2025

Dibdib ni Kris Bernal pinagtripan ng Orangutan

Kris Bernal

MATABILni John Fontanilla NAGULAT si Kris Bernal nang biglang halikan at hawakan ang kanyang dibdib ng isang Orangutan nang magpalitrato nang mamasyal sa  Safari World sa Central Bangkok, Thailand. Ipinost ito ni Kris sa kanyang Instagram at caption na; “Orangutan love at Zafari World, Bangkok.   “Ang bait niya gusto ko siyang iuwi . “Mas matalino pa sa akin yung Orangutan.” Kitang-kita rin ang pagkagulat ni …

Read More »

Luke Mejares live sa Santotito’s  

Luke Mejares

MATABILni John Fontanilla MAGKAKAROON ng show ang award winning RNB singer na si Luke Mejares, ang  A Night of Music with Luke Mejares sa Santotito’s, CKB Centre, Scout Rallos St., Quezon City, April 11, Friday, 9:00 p.m.. Aawitin ni Luke ang kanyang latest hit single na Dapit Hapon at Tayo Na Lang Ulit at iba pang mga awiting pinasikat nito. Magsisilbing front act ni Luke ang mahusay …

Read More »

Chad  ipinagtanggol si MC matapos sabihang tamad, walang pangarap

Chad Kinis MC Calaquian Lassy Beks Battalion

MATABILni John Fontanilla TO the rescue ang comedian at vlogger na si Chad Kinis para ipagtanggol ang kanyang kaibigan at co-Beks Battalion na si It’s Showtime host, si MC Calaquian pagtapos laitin ng publiko. Sa kanyang Facebook ibinahagi ni Chad ang isang screenshot ng comment ng nagngangalang Xen Haymark na ikinompara ito kay Lassy na mas ‘di hamak daw na mas maganda ang buhay kompara kay MC na wala raw pangarap. “Mas bet …

Read More »

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

Kerwin Espinosa

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, Leyte, ay binaril habang nakikipagpulong sa mga pinuno sa Barangay Tinag-an sa bayan ng Albuera Huwebes dakong alas-4:30 ng hapon, Abril 10. Ayon sa pulisya, naghihintay si Espinosa ng kanyang pagkakataon na magsalita nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman na nagtatago sa ceiling ng …

Read More »

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkakamit ng mga layunin ng tanggapan, aktibong isinusulong ng Pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) na si Abgd. Julius Victor Degala ang internal recognition program na ipinagdiriwang ang kanilang pagganap at dedikasyon sa serbisyo publiko. “We are proud to recognize the …

Read More »

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

PRC LET

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Professional Regulation Commission (PRC), na itinatakda sa Setyembre ngayong taon ang pagpapatupad ng mga specialized licensure examinations batay sa mga teacher education programs. Para kay Gatchalian, mahalagang hakbang ito upang matiyak na sinasalamin ng proseso ng licensure ang …

Read More »

Imee desmayado sa ‘di paglagda ni SP Chiz sa contempt order vs special envoy

Chiz Escudero Imee Marcos

DESMAYADO si Senadora Imee Marcos, chairman ng Senate committee on foreign relations, nang hindi lagdaan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crimes Ambassador Markus Lacanilao.                Hindi lang desmayado kundi mapanganib, ayon sa Senadora, ang pagpapabayang makalaya si Lacanilao. Nauna rito, si Lacanilao ay pinatawan ng cited for contempt sa ginaganap …

Read More »

Ngayong Semana Santa
Ligtas at maginhawang paglalakbay tiniyak ng DOTR

Vince Dizon DOTr

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr)  Secretary Vince Dizon sa publiko ang maayos at ligtas na paglalakbay ngayong panahon ng Semana Santa. Sa isang pulong balitaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sinabi ni Dizon na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang tumataas na demand ng pasahero sa mga paliparan sa bansa ngayong holiday …

Read More »

Bangkay ng scavenger natagpuan sa hukay ng DPWH sa Pasay City

Dead body, feet

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa isang hukay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bahagi ng flood control project sa kanto ng Andrews Avenue at Domestic Road sa Pasay City kamakalawa. Positibong kinilala ang biktima na si Dante Alvarez y Villamor, 50 anyos, kilalang scavenger ngunit walang permanenteng address. Batay sa inisyal na impormasyon, habang …

Read More »

Manyakis na helper swak sa selda

Arrest Posas Handcuff

SA KULUNGAN bumagsak ng isang  manyakis na may kinahaharap na kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Bilang kautusan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na hulihun ang mga akusado na kabilang sa listahan ng ‘top 10 most wanted persons’ ay agad na ipinag-utos ang paghuli sa 28-anyos helper na sinamapahan ng …

Read More »

Sa P28-M drug bust sa Parañaque
Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

Sa P28-M drug bust sa Parañaque Drug suspect todas 4 PDEA agents sugatan

NAPATAY ang sinabing high value drug suspect sa pakikipag-enkuwentro sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ngunit apat na tauhan ng ahensiya ang sugatan sa buybust operation  na inilunsad sa Goodwill 3 Village, Brgy. San Antonio, Parañaque City Miyerkoles ng gabi, 9 Abril. Batay sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, 9 Abril, ikinasa ng Operating Unit ng PDEA …

Read More »

Racasa kampeon sa Battle of the Calendrical Savants Tournament

Antonella Berthe Racasa

NAPASAKAMAY ni Woman National Master at Arena FIDE Master Antonella Berthe Racasa sa mismong Araw ng Kagitingan, 9 Abril ang titulo bilang kampeon ng 1st Battle of the Calendrical Savants Tournament na ginanap sa Eurotel Vivaldi Tower sa Cubao, Quezon City. Dinomina ni Racasa ang eight-man field upang makuha niya ang titulo sa three-rounder contest na sinubok ang kakahayan ng …

Read More »

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

Aksyon Agad Almar Danguilan

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker (OFW) na biktima ng pang-aabuso sa ibang bansa. Hina-harass, binabastos ng kanilang amo at kalahi. Masyadong minamaliit ang mga Pinoy – kung mamalasin pa nga, ginagahasa at pinapatay lalo na ang mga kababaihan. Ang masaklap pa nga, madalas na nangyayari ay nababaligtad ang lahat kapag …

Read More »

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIG ni Bong Ramos

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao man o mga karatig bayan at maging sa buong Mindanao. Maski sa The Netherlands, Hong Kong at sa ibang panig ng mundo ay wala rin itong silbi at hindi mapa-pansin. Maaaring solid nga ngunit hanggang doon na lang sila sa mga nasabing lugar. Sa bandang …

Read More »

TRABAHO Partylist, pinarangalan mga manggagawang Filipino sa dakilang Araw ng Kagitingan

TRABAHO Partylist, pinarangalan mga manggagawang Filipino sa dakilang Araw ng Kagitingan

SA PAGGUNITA ng Araw ng Kagitingan, nagbigay-pugay ang TRABAHO Partylist sa katatagan at kabayanihan ng mga manggagawang Filipino, na inihalintulad sa sakripisyo ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa araw-araw na pakikibaka ng mga manggagawa sa kasalukuyan. “Ang diwa ng Araw ng Kagitingan ay patuloy na isinasabuhay ng ating mga manggagawa, ang ating mga makabagong bayani, na sa …

Read More »