Saturday , December 20 2025

Abby Binay kinuyog ng pro-Duterte netizens sa pagbatikos kay VP Sara: ‘No vote idineklara’

Sara Duterte Abby Binay

KINUYOG ng ilang tila pro-Duterte netizens si Makati Mayor Abby Binay sa social media nang soplahin si Vice President Sara Duterte hinggil sa pagbatikos laban sa pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan sa kabila na ipinagbabawal ng Comelec. Sa post ng news website na Politiko https://politiko.com.ph/2025/04/25/dapat-ba-patapusin-pa-eleksyon-abby-binay-rejects-sara-dutertes-claim-on-p20-per-kilo-rice-as-campaign-ploy/politiko-lokal/, natunghayan ang maraming comments ng netizens na inuupakan si Abby Binay na …

Read More »

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

Florentino Inumerable

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino Inumerable sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships na ginanap noong 25-27 Abril 2025 sa Holiday Inn Chicago North Shore sa Evanston, Illinois, USA. Natapos ng taga-Balayan, Batangas na si Inumerable ang limang-round Swiss system competition na may 4.0 puntos mula sa tatlong panalo at …

Read More »

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa men’s junior elite sa 2025 NTT Asia Triathlon Cup Subic Bay nitong 4 Mayo, Linggo. Naitala ni Bada ang isang oras, isang minuto at 45 segundo upang talunin si Main Takata ng Japan (1:02:10) at kababayang si John Michael Lalimos (1:02:26). Ikrenidito niya ang kanyang …

Read More »

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic Bay International Triathlon (SuBIT) – NTT AST Subic Bay Asia Cup sa kabila ng matinding init sa Subic Freeport Zone nitong Sabado. Nasungkit ni Takuto Oshima ang kampeonato sa men’s division ng karerang binubuo ng 1.5km (swim), 40km (bike)n, at 10km (run)na sa oras na …

Read More »

Sa kanyang adbokasiyang pro-barangay  
MARCOLETA SUPORTADO NG BARANGAY LEADERS

050525 Hataw Frontpage

NAGPAHAYAG nang buong suporta ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang panig ng bansa para sa tumatakbong Senador na si Rodante Marcoleta, dahil sa kanyang matatag na adbokasiya para sa pagpapalakas ng pamahalaang lokal, partikular rito ang House Bill 9400. Layunin ng House Bill 9400 na bumuo ng Barangay Affairs and Development Fund mula sa 3-4% ng mga …

Read More »

Patok si Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

050525 Hataw Frontpage

HATAW News Team UMANI ng hiyawan at sigawan si Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, mula sa libo-libong tagasuporta sa ginanap na grand rally sa Pangasinan. Napuno ng kasiyahan at pag-asa ang atmospera habang masiglang tinanggap ng mga kababayan ang kanilang kandidato at kinatawan sa Kongreso. Ipinaabot ni Brian ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga dumalo: “Mga …

Read More »

Zel Fernandez, hataw sa kaliwa’t kanang projects 

Zel Fernandez Joel Torre

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY sa pag-usad ang career sa showbiz ng newcomer na si Zel Fernandez. Ang kanyang alindog ay unang nasilayan sa sexy films ng VMX titled “Boy Kaldag” at “Unang Tikim”. Aabangan naman si Zel sa “Kalakal” na mas matindi ang pagpapa-sexy niya at mas mahaba ang role ng magandang alaga ni Jojo Veloso. Aminado si …

Read More »

‘Papa Pi’ inendoso si Bam Aquino, sumama sa motorcade sa MM

Piolo Pascual Bam Aquino Iza Calzado Bea Binene

NADAGDAG si Piolo “Papa Pi” Pascual sa mga artistang nag-eendoso sa kandidatura ni dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino. Kahapon, Linggo, sumama si Piolo sa motorcade ni Bam sa ilang parte ng Metro Manila, kabilang ang Mandaluyong at Cubao, Quezon City. Nakasama rin ni Bam ang aktres na sina Iza Calzado at Bea Binene sa Mandaluyong, Quezon City, at Valenzuela. Bago nagsimula ang motorcade, pinagtibay …

Read More »

Phoebe bestfriend ni Sue sa In Between

Phoebe Walker In Between Sue Ramirez Diego Loyzaga

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng seryeng Lumuhod Ka Sa Lupa  na napanood sa TV ay ang pagpo-promote naman ng pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ni Phoebe Walker. Kasama si Phoebe sa pelikulang In Between nina Sue Ramirez at Diego Loyzaga. Kuwento ni Phoebe, “After ‘Lumuhod Ka Sa Lupa’ na napanood sa TV 5, may movie po ako called ‘In Between,’ movie po ito nina ni Sue …

Read More »

Claudine handang magpagupit ng buhok para gumanap na VP Sara 

Claudine Barretto Sara Duterte

MATABILni John Fontanilla SI Claudine Barretto ang napipisil ng controversial director na si Darryl Yap para gumanap sa biopic ni Vice President Sara Duterte. Sa Facebook account ni direk Daryl ay naka-post ang screenshot ng pag-uusap nila ni Claudine. Sa nasabing usapan ay halatang-halata na excited si Claudine na gampanan ang buhay ng bise presidente. Handa nga itong magpagupit ng buhok katulad ng kay Vice President Sara.

Read More »

Kiko Estrada masusukat galing sa pagganap bilang Totoy Bato

Kiko Estrada Totoy Bato

I-FLEXni Jun Nardo MAS matinding hamon sa kanyang career ang iniatang kay Kiko Estrada dahil gagampanan niya ang character ni Totoy Bato na mula kay Carlo J. Caparas at ginawang movie ni Fernando Poe, Jr. habang sa TV naman ginampanan ni Senator Robin Padilla. Ang Totoy Bato ay mapapanood sa  TodoMax Primetime ng Kapatid Network simula ngayong gabi, 7:15 p,m.. Bakbakang umaatikabo ang ipamamalas ni Kiko at mga kasamang Diego Loyzaga, Bea Binene, Cindy …

Read More »

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

Jon Lucas Jan Enriquez

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon Lucas dahil ‘yung pahayag niya last year eh ginamit bilang endorsement ng isang senatoriable Benhur Abalos na wala namang koneksiyon sa kandidato. Nananawagan ang kakilala naming si Jan Enriquez from Aguila Entertainment sa socmed team ni Abalos, sa chief of staff, kaugnay ng post sa social media under Benhur Abalos account. Sa …

Read More »

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

Chavit Singson e-jeep

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang kauna-unahang e-Jeepney assembly plant ng bansa sa Lima, Batangas. Ang proyektong ito ay magbubukas ng bagong yugto sa sustainable at eco-friendly na transportasyon sa Pilipinas. Ani Singson, nais niyang mabigyan ng pagkakataon ang mga tsuper sa modernong panahon. “Eksaktong kinopya namin ang iconic na disenyo ng jeepney …

Read More »

Int’l singer/Doctor of Nursing Nick Vera Perez handang na sa Parte Ng Buhay Ko album tour

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA na ang Filipino-American singer/ doctor of nursing Nick Vera Perez para sa kanyang 2025 album tour para i-promote ang kanyang ikaapat na all-original OPM album, Parte Ng Buhay Ko. Kitang-kita namin ang kasiyahan kay NVP nang humarap ito sa media conference noong Sabado na bagamat puyat at kakarating lang mula America ay agad dumiretso sa Mesa Restaurant sa …

Read More »

Carmi Martin lolang seksi sa Isang Komedya sa Langit  

Carmi Martin Jaime Fabregas Isang Komedya sa Langit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG-MASAYA ang producer at nagsulat ng historical fiction film, Isang Komedya sa Langit, si Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media sa kanyang mga artistang bida rito lalo na kina Carmi Martin at Jaime Fabregas. Sa pakikipag-usap namin kay Kapitana, ang pelikula na isang period flick na itinanghal sa panahon ng kolonyal na Espanyol noong taong 1872, sinabi nitong gusto niyang maihayag o maiparating sa …

Read More »