ARESTADO ang isang 16-anyos binatilyo na sinabing sangkot sa ilegal na droga matapos makuhaan ng shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa curfew hour sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 3:40 am, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal …
Read More »Ospital ng Maynila 10 araw isasarado
DAHIL sa sunod-sunod na pagkakasakit ng medical frontliners sa Ospital ng Maynila, pansamantala itong isasara sa publiko sa loob ng 10 araw. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, isasara ang naturang ospital simula 12:01 am 31 Hulyo hanggang 9 Agosto. Isasailalim sa disinfection ang naturang ospital makaraang tumaas ang bilang ng COVID-19 patient at mahawaan ang ilang …
Read More »PH ibinabaon sa utang at kahirapan ni Duterte (Bawat Pinoy may utang na P83K) — KMP
IDINADAHILAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) para ibaon sa utang at kahirapan ang sambayanang Filipino. Inihayag ito kahapon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa kanilang kalatas. “Kailangan daw mangutang para sa ‘new normal’ at muling pagbubukas ng ekonomiya pero ang limpak na mga bagong utang ay para sa mga proyektong impraestruktura na ipinapakete bilang …
Read More »PBMA Supreme Master Ruben Ecleo, Jr., nasakote sa Pampanga
NATUNTON na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Ruben Ecleo, Jr., ang no.1 top most wanted person ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naaresto sa Balibago, Angeles City, Pampanga, kahapon ng madaling araw. May pabuyang P2 milyon, si Ecleo ay matagal nang nagtatago at gumagamit ng pangalang Manuel Riberal, 60 anyos, ng Lot 6, Block …
Read More »Mega web of corruption: IBC-13 Technical upgrade para sa DepEd project ‘drawing’
ni Rose Novenario SUNTOK sa buwan ang panukalang P1.5 bilyong technical upgrade budget para sa state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na ikinasa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nais paaprobahan sa Kongreso bilang paghahanda sa layunin nitong maging “DepEd Official Channel.” Ayon sa source, kapos na ang panahon para paghandaan ang ambisyosong TV-based learning project dahil magbubukas na ang …
Read More »‘Burarang’ kampanya ng gov’t sinisi (Sa pagtaas ng COVID-19 cases)
‘BURARA’ ang implementasyon ng administrasyong Duterte sa kampanya laban sa coronavirus disease (COVID-19) kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit. Mismong sa inilabas kahapon ng Palasyo na Resolution No. 60 ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease na nagsasaad ng direktiba ng Department of Health (DOH) sa Department of Interior and …
Read More »Serbisyong pangkalusugan gawing digital — CitizenWatch Philippines
NANAWAGAN ang isang consumer group para sa digital transformation ng health care sector upang mapunan ang malaking patlang sa paghahatid ng medical services sa mga mamamayang Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa isang statement, sinabi ng CitizenWatch Philippines na ang “digital transformationl” o ang paglipat sa online ng mga serbisyong pangkalusugan ng Philippine health sector ay magbibigay-daan para maging …
Read More »Willie, mamimigay ng business on wheels
IPINASILIP ni Willie Revillame ang isa sa pinakabagong handog ng Tutok To Win sa Wowowin, ang Will Cart. Pahayag ni Willie, nais niyang matulungan ang mga kababayan nating magkaroon ng hanap-buhay sa pagsusulong ng “business on wheels.” Tatlong disensyo ang nasa isip ng Kapuso TV host: isang pang-fishball, isang pang-kainan, at isang tindahan ng mga damit. Inanunsiyo rin ni Willie na may mga dapat pang abangang sorpresa …
Read More »5 taong dasal ni Marissa, tinugon ni Coco
NATUWA naman akong mapanood ang kaibigan kong si Marissa Sanchez sa gabi-gabing eksena niya sa FPJs Ang Probinsyano sa Kapamilya Channel. Ayon kay Marissa, personal siyang ipinatawag ni Coco Martin, pati na ng partner niya sa mga eksenang si Eric Nicolas para sa nasabing palabas. Matagal ng single mom si Marissa. Kaya malaki ang pasasalamat niya kay Coco, na isa siya sa naisip para sa mahalagang papel na ginagampanan …
Read More »MMFF, tuloy sa Disyembre
MATUTULOY pala ang Metro Manila Film Festival ngayong December. Naku teka, paano ang gagawin ng mga manonood? May social distancing ba at naka-facemask ang mga manonood? Parang nakaiilang manood sa sinehan na lahat ay naka-facemask dahil aakalain mong holdaper. Pero kailangan ito. Kailangan maging istrikto sa pagpapatupad ng protocols para na rin sa kaligtasan ng lahat. Sa kabilang banda, umaasa kaming magiging maayos …
Read More »Bong, hirap pa rin sa pagkawala ni Mang Ramon
MAHIRAP palang mawalan ng ama. Ito ang sumbong ni Sen. Bong Revilla simula nang pumanaw ang amang si Don Ramon Revilla Sr.. Feeling ni Bong, laging may kulang. Nakasanayan na kasi niya na laging kausap si Mang Ramon. Laging kakuwentuhan at sumbungan niya kapag may problema. Ngayon, wala na siyang nakakausap kapag may problema. Ibang klaseng anak si Bong. Mahal na mahal niya si Mang …
Read More »Mikael Daez, natulala kay Marian nang unang makita
SINARIWA ni Love of my Life star Mikael Daez ang tila awkward first encounter nila ni Marian Rivera noong 2011 para sa GMA series na Amaya. Sa latest episode ng podcast na #BehindRelationshipGoals kasama ang asawang si Megan Young, pinag-usapan ng celebrity couple ang kanilang mga naging karanasan sa showbiz industry. Kuwento ni Mikael, nagsisimula pa lang siya noon bilang artista kaya’t hindi pa niya gamay ang mundo ng entertainment. Hindi …
Read More »Chiz at Heart, ‘di nawawalan ng alone time
KAHIT na abala sa pagiging governor ng Sorsogon, hindi pa rin pwedeng mawalan ng oras si Chiz Escudero sa asawang si Heart Evangelista. Masayang nag-bonding ang dalawa sa isang firing range kamakailan. Sa Instagram ng Kapuso star, ibinahagi niya ang mga litrato at video mula sa naging bonding time nila, “So glad I got to spend some alone time with this guy. #MahalKongSorsogon.” Magkasama at busy …
Read More »Minimalist closet ni Gabbi Garcia, ipinasilip
PAGKATAPOS ng house tour, closet tour naman ang latest vlog ni Gabbi Garcia. Ipinasilip niya sa fans ang designer shoes, bags, clothes, at ang mga go-to fashion items niya. Minimalist pero glam ang theme na napili niya para sa walk-in closet na may mini-lounge, multi-mirrored fitting room, at isang refreshments area para sa team niya. Kapansin-pansin din ang pink accents at gold …
Read More »Alden, stress reliever ang game streaming
AMINADO si Alden Richards na stress reliever niya ang game streaming. Isa ito sa mga libangan niya ngayon habang hindi pa busy sa kanyang mga trabaho. Sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng All-Out Sundays at Centerstage star na layunin niya bilang isang livestreamer ang pagpo-promote ng responsible gaming. Aniya, “I promote responsible gaming. We can all enjoy gaming pero puwede nating i-enjoy ‘yun nang nagiging …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















