Saturday , November 23 2024

Lifestyle

Opisyal ng Clark Eco Zone namahagi ng PPE sa PRO3-PNP

MATIKAS na ipinamalas sa ‘trooping the line’ sa iginawad na arrival honor para sa retiradong opisyal na si P/BGen. Manuel Gaerlan (Ret.), President at CEO ng Clark Development Corporation, kasama ang mga opisyal ng PRO3 sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano De Leon, sa kanyang unang pagdalaw nitong Lunes, 25 Enero, bilang panauhing pandangal sa traditional flag raising sa Camp Olivas, …

Read More »

Bayaning Mangingisda Search ng Kress at JGO, inilunsad

BILANG pagbibigay-pugay sa mga mangingisda, naglunsad ang Kress Elektrowerkzeuge at JGO Ventures Corporation ng 1st Kapitan Kress Bayaning Mangingisda Search 2021. Ang kauna-unahang nationwide competition ay bilang pagpapahalaga sa  dedikasyon at ambag ng ating mga mangingisda. Kaya kung ikaw ay 21 years old, Filipino citizen, nagtatrabaho at naninirahan dito sa Pilipinas, ikaw na ang hinahanap para maging 1st Kapitan Kress Bayaning Mangingisda.  Kailangan lang …

Read More »

PH mobile internet speed, malaki ang itinalon paakyat sa Speedtest Global Index

internet wifi

INIULAT ng Ookla Speedtest Global Index ang impresibong  14-notch jump sa Philippines’ ranking sa  mobile Internet connection speed. Nagtala ang Filipinas ng average mobile Internet speed na 22.50 megabits per second (Mbps) noong Disyembre 2020 kompara sa 18.49 Mbps noong  Nobyembre 2020. Sa kabuuang 118 million tests na isinagawa sa buong bansa – kasama ang bawat regions, cities at  municipalities …

Read More »

COVID insurance kasama sa add-on ng Cebu Pacific

Cebu Pacific plane CebPac

UPANG mabigyan ng kapanatagan ang mga pasahero sa kanilang flight, inilunsad ng Cebu Pacific (CEB) ang COVID Protect, ang pinakabago nilang add-on sa CEB Travelsure. Kabilang sa upgrade na ito ang mga gastusin sa pagamutan at mga gamutan na may kaugnayan sa CoVid-19. Sa pamamagitan ng COVID Protect, ang mga pasaherong magpopositibo sa CoVid-19 ay makakukuha ng hanggang P1 milyong …

Read More »

Tricycles sa Malabon, Navotas balik-pasada na

Tricycle

INIANUNSIYO ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na magbabalik operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa CoVid-19 pandemic. Aniya, ito’y matapos pirmahan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers. “Para sa ating commuters …

Read More »

Binting kinagat ng alupihan agad pinaghilom ng Krystall Herbal Oil at Yellow Tablet (Naglinis ng banyo, insekto nagpulasan)

Krystal Herbal Oil Krystall Yellow Tablet

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Laura dela Cruz, 29 years old, taga-Las Piñas City. Naglinis po ako ng banyo namin nitong Sabado. Dahil maraming mga nakasiksik na itim-itim sa tiles, winiwisikan ko ng zonrox. Natutuwa ako dahil mabilis na nawawala ang mga itim-itim. Pero hindi ko namalayan na naakyat ng alupihan ang binti ko. Nabulabog kasi sila. …

Read More »

TEACHER and BOY

TEACHER: Anong mangyayari pag puputulin ang 1 mong tenga? BOY: hihina po pandinig ko. TEACHER: e kung dalawang tenga? BOY: lalabo po paningin ko! TEACHER: baket naman? BOY: malalaglag po salamin ko. *** Rape Suspek ATTY: Inday! Pwede mo bng idiscribe dito sa korte ang taong nang-rape sa ‘yo? INDAY: Maitim, panot, tagyawatin, pango ilong at bungal… SUSPEK: Sige! Mang-asar …

Read More »

PNP naglunsad ng CARE BHW Infodemic, inilarga vs CoVid-19 (Sa Pampanga)

SINUYOD ng mga kagawad ng pulisya ang kanilang mga kinaka­sakupang barangay upang bigyan ng tamang kaalaman ang health workers (BHW) hinggil sa Coronavirus Awareness Response and Empowerment (CARE) infodemic upang maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19 sa lalawigan ng Pampanga. Nagsagawa ng pana­yam ang mga kagawad ng Mexico PNP sa pangunguna ni P/Lt. Marlon Imperial at pamumuno ni P/Lt. Col. Angel …

Read More »

Kapistahan ng Sto. Niño, payapa

MATAGUMPAY at naging payapa ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo at Pandacan dahil sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maging maayos at masunod ang ipinatutpad ng pamahalaan na health protocols kaugnay ng pandemyang dulot ng CoVid-19. Sa tulong ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na walang humpay sa pagpa­paalala sa mga inidibidwal na …

Read More »

Cherry Mobile Cosmos 7 tablet eksklusibong idinisenyo para sa mag-aaral ng Caloocan

SA GITNA ng pan­demya na kinakaharap ng sambayanang Filipino, nagkaroon ng requirement sa online learning devices ang local government units (LGUs) upang matu­gu­nan ang panganga­ilangan ng mga estudyante at isa na rito ang city government ng Caloocan. Kaugnay nito, nama­hagi ang Caloo­can LGU ng specific technical specification at customization ng tablet na ekslusibo sa online learning ng kanilang mga mag-aaral. …

Read More »

6 home décor tips to attract luck in 2021

We’re all looking forward to a better 2021 after the challenges of 2020, so why not get started on attracting good fortune?  With the start of the Chinese New Year in February, here are some tips on how to give your home (and now office or classroom!)  a new look while attracting luck and positive vibes. ONE: Declutter. Marie Kondo …

Read More »

Biyahe at imbakan ng bakuna vs covid-19 (Tiniyak sa Caloocan)

BILANG bahagi ng CoVid-19 vaccination program, nagpatawag ng pulong si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan upang talakayin kung paano ibibiyahe at iiimbak ang CoVid-19 vaccine. Inatasan ng alkalde ang City Health Department na siguraduhing angkop ang lamig at kapasidad ng gagawing storage facility para sa bakuna, gayondin ang transportasyon nito. “Pinaplantsa na natin ang iba pang kakailanganin para sa pagdating …

Read More »

CAMANAVA mayors, AstraZeneca nagkasundo sa CoVid-19 vaccine

TINIYAK ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon ng bakuna para sa CoVid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon. Ito’y matapos sabihin nina mayors Oscar Malapitan ng Caloocan, Antolin Oreta III ng Malabon, Toby Tiangco ng Navotas, at Rex Gatchalian ng Valenzuela, na gumawa na sila ng …

Read More »

Las Piñas lumagda sa kasunduan para sa bakuna

PINIRMAHAN na kahapon ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang kasunduan sa pagitan ng British drug maker AstraZeneca para sa supply ng coronavirus 2019 (COVID-19) vaccines na naglalaan ng 300,000 doses bakuna para sa mga residente sa lungsod. Ang national government ang nagpasya sa alokasyon na 300,000 doses na bakuna para sa Las Piñas City sa ilalim ng …

Read More »

Tarot cards: Five of Wands card

HINDI magandang mensahe ang ipinapahiwatig ng Five of Wands card. Kagulohan at problema ang iyong kakaharapin. Kaya mawawalan ka ng pokus at pagkalito. Mga pagtatalo, paglalabanan, kompetisyon, matigas ang ulo, nauubusan ng lakas at ang pagtatago sa katotohanan. Tulad ng mga paglitaw ng mga pagtatalo, ang pagkainis na hahadlang sa iyo. Hindi mo naman maaayos ang mga bagay nang ganoon …

Read More »

20,000 tablets ipinagkaloob ng Munti LGU sa DepEd

NAGKALOOB ang pama­halaang lokal ng Muntinlupa ng 20,000 tablets sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa lungsod para sa distance learning ngayong panahon ng pandemya. Ipinagkaloob ang mobile tablets ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi kay Muntinlupa Schools Division Superintendent, Dr. Dominico Idanan para sa pamamahagi nito sa mahihirap na public elementary, junior, at senior high schools. Ayon sa alkalde, …

Read More »

Navotas namahagi ng smart phones sa 3,000+ estudyante

Navotas

NAMAHAGI ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng smart phones sa 3,057 estudyante ng public elementary at high schools para sa school year 2020-2021. Ang mga bene­pisaryo ay kabilang sa mga idineklara noong enrolment na walang sariling gadget na kanilang magagamit para sa online classes. “We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our …

Read More »

9-anyos bata sa Argentina iniligtas ng krusipiho

NAILIGTAS sa tiyak na kapahamakan ng krusipihong kuwintas suot ng isang 9-anyos batang lalaki sa bansang Argentina nang tamaan siya ng ligaw na bala sa gitna ng pagdiriwang ng bisperas ng Bagong Taon. Naglalaro si Tiziano, 9 anyos, kasama ang kaniyang kapatid at pinsan sa labas ng kanilang bahay sa Las Talitas, Argentina noong bisperas ng Bagong Taon nang tamaan …

Read More »

Navotas business permits renewal pinalawig (Tax ng computer shops at iba pa)

Navotas

PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ang deadline ng business permit renewal at pinapayagan ang mga nakarehistrong computer shop na ipagpaliban ang pagbabayad ng kanilang business taxes para sa taon 2021. Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na ang lahat ng mga nagbabayad ng buwis sa negosyo ay maaaring bayaran ang kanilang business taxpayers nang walang surcharge, multa o interes, hanggang 28 …

Read More »

Tutor pinalalakas ng FGO Krystall herbal products

Krystall herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Zaida Quisumbing, 34 years old, single. Wala po akong regular na trabaho. Hindi po ako natutuwa sa nagaganap na pandemya pero dahil po sa pandemya nagkaroon ako ng masasabi kong regular na trabaho ngayon. ‘Yung mga magulang po kasi na busy at hindi kayang alalayan ang kanilang anak sa online classes ay …

Read More »

132 kawaning job order ginawang regular sa Caloocan City

Caloocan City

MAHIGIT 132 contractual at job order workers na ilang taon nang nagseserbisyo sa lungsod ng Caloocan ang ginawang regular ni Mayor Oscar Malapitan. “Binigyan prayoridad natin ang mga empleyado ng City Hall na nasa mahigit 30 at 20 taon nang nagsisilbi para sa mga mamamayan ng Caloocan ngunit hindi pa rin regular sa trabaho. Karamihan sa kanila ay street sweepers, …

Read More »

Tarot cards: Seven of Cups

HINDI kaaya-aya ang ‘Seven of Cups’ tungkol sa ilusyon at daya. Nag­pa­pakita na haharap ka sa tukso sa maraming aspekto ng iyong buhay. Gaya ng panloloko para sa pansariling kaligayahan o sa pera. Kalaunan, maiisip mo na nabubuhay ka sa ilusyon at makakaram­dam na pinan­lalabuan ka na ng pag-iisip. Kung paanong naka­baligtad ang pagkakaguhit ng ibang nasa larawan. Gayondin ang …

Read More »

Vatican citizens mabibigyan na ng Covid-19 vaccine

VATICAN CITY, ROME — Sa kabila ng kawalan ng kompirmasyong mababakunahan na ang Santo Papa Francis ng bakunang likha ng Pfizer at BioNTech, inihayag ng Vatican City State na matatanggap na ang CoVid-19 vaccine doses sa kalagitnaang ng kasalukuyang buwan.   “It is likely that the vaccines could arrive in the state in the second week of January in sufficient …

Read More »