Saturday , April 4 2026

Entertainment

Arjo sa kanyang ‘pap’s Coco — Babawi rin ako sa iyo

AMINADO si Arjo Atayde na nalungkot siya nang mamatay na ang karakter niyang Joaquin Tuazon sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nami-miss niya ang lahat ng kasamahan niya sa set. Kaya naman pinasalamatan niya rati pa ang lahat ng taong nakatulong sa kanya sa serye mula sa utility, staff and crew at sa co-stars niya, Dreamscape Entertainment bosses headed …

Read More »

Erika at Cariaso sa Tate ikakasal

MEMORABLE kay Erika Padilla ang pelikulang Can We Still Be Friends na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Arci Munoz dahil lilipad na siya sa States after ng premiere night ng pelikula. Showing na ang pelikula sa June 14. “We’re going to fly to the States for our civil wedding,” sambit niya sa presscon ng CWSBF. Pakakasal si Erika sa dating …

Read More »

Ngayon Judy Ann makakasama ni Congw. Vilma Santos sa Star Cinema Movie (Noon si Claudine sa classic movie na Anak! )

PAULIT-ULIT na ipinalalabas sa Cinema One ang 2000 movie na “Anak” nina Congw Vilma Santos at Claudine Barretto na itinuturing nang classic movie pero hindi ito nakasasawang panoorin. Bukod kasi sa makatotohanang istorya nito tungkol sa inang si Josie (ginampanan ni Ate Vi) na nagtrabaho sa ibang bansa at sa kabila ng pagsasakripisyo para sa kinabukasan ng mga anak ay …

Read More »

Mestisang aktres, napipilitang kumapit sa patalim kahit may regular TV work

blind item woman

TABLADO ang isang aktres sa dating sexy star na noo’y nagbu-book sa kanya bilang dagdag-kita sa kanyang trabaho. Obvious ang tinutumbok naming sideline ng aktres, hindi kasi sapat ang kanyang kinikita para tustusan ang kanyang mga gastusin. Lately ay tumawag ang aktres sa kanyang dating bugaloo. Nakikiusap ito na kung maaari’y i-book siya. Aniya, kinakapos siya. Lumalaki na rin ang …

Read More »

Concert ni Arianna Grande, ‘di na dapat ituloy

SA kabila ng mga kaguluhang nangyayari ngayon sa ating bansa, itutuloy pa rin ang concert ni Arianna Grande sa Pilipinas sa Agosto. Nakakatakot iyan, lalo na nga’t kung iispin na sa concert din ni Arianna sa Manchester, England sumakay ang isang terorista na nagpasabog ng isang bomba at pumatay sa 22 katao. Ewan nga ba kung bakit itutuloy pa iyan …

Read More »

Azenith, ‘di naitago ang hinanakit sa nangyaring gulo sa RWM

HINDI naitago ni Azenith Briones ang paghihimutok sa pagkamatay ng kanyang asawang si Eleuterio Reyes sa kaguluhang nangyari sa Resorts World. Nagpunta lang silang mag-asawa sa casino dahil may kailangan silang singilin. Habang si Azenith ay bumibili ng pagkain sa second floor, naiwan niya ang kanyang asawa na naghihintay naman sa sisingilin nila, nang maganap ang kaguluhan. Tumakbo rin si …

Read More »

Robin, may asim pa ang career

HINDI puwedeng kontrahin ang desisyon ni Robin Padilla kung tumanggi man siyang maging kontrabida sa Ang Probinsyano. Hindi siya kailangang i-bash na feeling pa siguro ni Binoe ay sikat pa siya at ayaw tumanggap ng supporting role. Hello! Nagbibida pa naman si Robin. May napatunayan naman siya sa industriya at may career na dapat pangalagaan. Kung sa tingin ng management …

Read More »

New Generation Heroes, advocacy film na may pagpapahalaga sa mga guro

DAPAT talaga mapanood ng mga guro at estudyante ang pelikulang New Generation Heroes dahil isa itong advocacy film na tumatalakay sa values formation, rights to proper education, pagpapahalaga sa mga guro, at mga taong itinuon ang sarili sa pagtuturo. Ang nasabing  pelikula ay pinangungunahan ni Aiko Melendez kasama sina Anita Linda, Jao Mapa, Joyce Penas, Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin …

Read More »

Richard, kailangang bumawi sa nagpahingang career

POSIBLENG magsama sa isang serye sina Richard Gutierrez at ang ina ng kanyang anak na si Sarah Lahbati dahil pareho na silang Kapamilya. Kahit magkatambal ang dalawa rati sa GMA 7, mas mabuting iwasan muna nila ang magsama. Mas bagay si Richard na i-partner muna kina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Bea Alonzo o ibang Kapamilya  actress na big star. Mas …

Read More »

Gerald, proud na makasama si Claude-Michel Schonberg

NASA London ngayon ang Prince of  Pop na si Gerald Santos na nagre-rehearse ng Miss Saigon UK Tour na magsisimula sa July 1. Safe naman sila sa kabila ng mga kaguluhang nangyayari sa lugar. Hindi naman natatakot si Gerald pero nagtatanong kung bakit ba ang gulo-gulo na ngayon. Katatapos lang kasi niyong Manchester at heto na naman. “Theres a Terrorist …

Read More »

Sharon, si Ian kaya ang hinihintay na makatatambal sa pelikulang gagawin sa Star Cinema?

NALIWANAGAN na ang lahat sa hinaing ni Sharon Cuneta na ipino-post niya sa social media account niya sa nakaraang one-on-one interview kay Boy Abunda noong Biyernes sa Tonight With Boy Abunda. Matatandaang isa sa mga hinaing ng Megastar ay ang pagkakaroon niya ng utang dahil may pinasok siyang good investment na inisip ng mga nakabasa ay baon siya sa utang. …

Read More »

Diego at Sofia, inspirado at nagtutulungan

BASE sa tumatakbong kuwento ng Pusong Ligaw noong Biyernes ay inamin na niSofia Andres (Vida) kay Potpot (Diego Loyzaga) na napulot nito ang pera ng huli na gagamitin sana niya sa pang-enrol. Pero ang masama ay nagastos ng dalaga ang perang hindi kanya kaya nagwawala ang binata dahil nga kailangan na niyang mag-enrol. Samantala, inaabangan na ang horror movie na …

Read More »

Anne, itinangging gaganap na Valentina sa Darna

NILINAW ni Anne Curtis sa interbyu sa kanya ng abscbnnews  na hindi totoong kinausap siya ng Star Cinema para gumanap na Valentina saDarna movie. Pero sakaling alukin siya, sinabi niyang handa siyang gampanan ang villain role na iyon. Matatandaang inamin na kamakailan ni Liza Soberano na siya ang gaganap na Darna. Unang ginampanan nina Celia Rodriguez, Cherie Gil, Alessandra De …

Read More »

Elisse at Mccoy, pressured na magkatuluyan

elisse mccoy mclisse

BAGAMAT hindi naman sinasabi nina Elisse Joson at Mccoy de Leon na hindi nila gusto ang isa’t isa, tila napi-pressure naman sila sa kagustuhan ng kanilang fans, ang magkatuluyan. Ani Elisse, sakaling magustuhan nila ang isa’t isa ni Mccoy, natural iyong lalabas at hindi kailangang madaliin o pilitin. Basta ine-enjoy muna nila kapwa ang mga proyektong magkasama sila tulad ng …

Read More »

Direk Anthony Hernandez, hindi muna mahaharap ang teleserye

HINDI kataka-takang hangaan ang isang Anthony Hernandez dahil mula sa pag-aalaga ng mga artista, nakagawa siya ng short film, at nabigyang pagkakataong makagawa ng full length film. Hindi rin basta-bata pelikula ang ginagawa ng isang Anthony Hernandez dahil karamihan dito’y advocacy film. Kaya naman siguro hindi rin malayo na alukin siyang gumawa ng teleserye. Subalit ayon nga kay Direk Hernandez, …

Read More »

Emma Cordero, inilunsad ang Queen at Mister Voice of an Angel Universe 2017

PINANGUNAHAN ng 2016 Woman of The Universe at tinaguriang Princess of Songs na  si Ms. Emma Cordero ang paglulunsad ng Queen at Mister VOAA (Voice of an Angel) Universe 2017. Proud niyang ipinakilala ang mga representative ng Filipinas para sa naturang beauty pa-geant. Ayaw niyang sarilinin ang pagiging beauty queen kaya nag-put up siya ng beauty pa-geant. Ang main purpose …

Read More »

Wala na halos nakaalala!

KAWAWA naman itong matinee idol of the 80s na nang mag-celebrate ng birthday lately ay malungkot dahil wala na halos nakaalala unlike before when he would celebrate his birthday in style and well attended to boot. Ngayon, at 55 years of age, no one seems to remember his natal day. How hurting naman. Ang masakit pa, his wife is no …

Read More »

Duterte supporters, ibo-boykot daw ang Darna

Erik Matti Liza Soberano Darna

OPISYAL na ngang inanunsiyo ng pamunuan ng Star Cinema na si Liza Soberano na ang gaganap sa papel na Darna, isa sa mga hopeful entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taong ito. Bagamat ikinatuwa ito ng marami ay nabahiran naman ng agam-agam ang proyekto just because ang balitang mamamahala ng direksiyon nito’y si Erik Matti. Of late, nasa mata …

Read More »

Direk Joyce Bernal, humahanga kay Gil Cuerva

MARAMING mga kababaihan ang nagulantang noong pinanood ang bagong serye nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Sa mga hindi pa gaanong nakakakilala kay Gil, akala nila isa itong girlalu at nabigla nang mapanood na nakikipaghalikan kay Jen. Magkasing-ganda kasi sina Jen at Gil kaya aakalain mong babae ang huli kahit tipong mahaba ang buhod ng binata. Totoo kaya ang balita …

Read More »

Aiza, ang ahensiya niya ang dapat pagtuunan ng pansin at ‘di ‘yung kung kani-kanino

duterte aiza liza

PINAPANGARALAN ba ni Aiza Seguerra ang Pangulong Digong Duterte nang sabihin niyang ”hindi dapat ginagawang biro ang rape?” Tama naman siguro ang sinabi ni Aiza pero nasabi naman iyon ng presidente ng alam mong pabiro lang. In the first place hindi niya sinabing kukunsintihin niya. Ang sabi niya, may mangyari mang ganoon pananagutan niya, na natural panagutan niya bilang commander …

Read More »

Gerald, mahusay na actor pero hindi mayabang

SIMPLE lamang at tahimik si Gerald Anderson noong press conference ng Can We Still Be Friends. Wala kang makikitang yabang sa kanya. Pero kung iisipin, iyang si Gerald ay isa sa pinakamahusay pero under rated na actor sa ngayon. Nakumbinsi kami ni Gerald noong gawin niya iyong seryeng Budoy na gumanap siya sa role ng isang isip bata. Napakahusay ni …

Read More »