Monday , November 25 2024

Entertainment

Angel at Richard, tinilian sa ABS-CBN Kapamilya Thank You event

NAGKAROON ng ABS-CBN Kapamilya Thank You event sa Enchanted Kingdom nitong Sabado, Oktubre 14 at talagang hindi magkamayaw ang fans na dumalo dahil nakita nila ang kanilang mga hinahangaang artista. Most applauded sina Angel Locsin at Richard Gutierrez bilang love team sa La Luna Sangre at may mga sumisigaw na  ’Chard-Gel.’ Ang iba sa mga dumalo ay supporters pa ng dalawa noong nasa GMA 7 pa sila as loveteam. May …

Read More »

Louie’s Biton humahataw tuwing Linggo (“Wansapanataym, nag-iisang Pinoy program na nominado sa Emmys)

Muli na namang kinilala ang programang “Wansapanataym” sa international scene matapos itayo ang bandera ng bansa bilang natatanging Filipino program na pasok sa listahan ng mga nominado para sa best TV movie/mini-series category ng 2017 International Emmy Kids Awards. Kinilala ang episode ng programa na “Candy’s Crush” na pinagbidahan ng Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce. Umikot …

Read More »

Walang K mang-okray si Karla Estrada!

AS much as possible, I try to avoid watching Magandang Buhay primarily because of Karla Estrada’s domineering and super feisty ways. Kung makaporma siya, talo pa niya si Kris Aquino na edukada at queen of all media na naturingan. Suffice to say, prima donna talaga ang projection at para bang napakatalinong tao gayong hindi naman kayang umingles kapag Inglisera ang …

Read More »

Atak Araña, humahataw ang showbiz career!

HUMAHATAW ngayon ang showbiz career ng komedyanteng si Atak Araña. Bukod kasi sa mga regular shows niya sa Kapuso Network, may bagong pelikula rin siya. Plus, ibinalita rin sa amin ni Atak na next month ay lalabas na ang kanyang music video. “Iyong music video ko, soon ang release… next month, by November out na ang music video ko. Bale ang …

Read More »

Nathalie Hart, okay lang ma-typecast bilang bad girl!

WALANG kaso kay Nathalie Hart kung malinya man siya sa mga bad girl na role. Lately kasi ay tila natotoka siya sa ganitong papel. Una ay sa Tisay na naging entry sa Cinema One Originals last year. Tapos ay sa mga pelikulang Siphayo at Balatkayo  na kapwa mula sa BG Productions International ni Ms. Baby Go. “I don’t mind having bad girl roles. As long …

Read More »

Migz, nagdatingan ang blessings nang humiwalay kay Maya

LAKING tuwa at excited si Migz Haleco na maging bahagi siya ng Himig Handog 2017. Siya ang interpreter ng kantang Bes mula sa komposisyon ni Eric de Leon. Mukhang magaan ang pagsosolo niya dahil sunod-sunod ang mga proyekto niya. Noong una ay medyo nagtampo pa siya sa kanyang partner na si Maya na naghiwalay sila dahil noong una hindi niya alam na buntis na pala ito kay Geoff Eigenmann. …

Read More »

Netizen nasopla ni Anne, tinawag na kasuklam-suklam

NAKATIKIM ng sopla mula kay Anne Curtis ang isang netizen na nagtaray kay Nadine Lustre. Nag-post ang isang  @lustrelegant sa Twitter  ng larawan nina Anne at Nadine habang kumakanta sa noontime show nila sa It’s Showtime. Naka-tag doon sina Anne at Nadine. Sumagot doon ang isang @kathxnielonly at sinabing, ”namatayan na nga nagagawa pang mag inarte na ganyan, advocacy pang keep going ulul #OwnWhoYouAre pa rin …

Read More »

Baron geisler, ikinulong matapos manggulo

NAKAPIIT ngayon si Baron Geisler sa Kamuning Police Station matapos magwala sa isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City noong Lunes ng gabi. Ayon sa post ng abscbnnews.com, sinabi ni Supt. Christian dela Cruz,hepe ng Kamuning police station, na tinulak umano ni Geisler ang guwardiya at pinagmumura kaya naman natakot ang mga taong naroroon kaya umalis at nagtakbuhan palabas ng restoran. Itinanggi ni Geisler ang bintang …

Read More »

Wansapanataym nominado sa International Emmy Kids Awards

BINABATI namin ang Dreamscape Entertainment na siyang nasa likod ng Wansapanataym dahil nominado ito bilang Best TV movie/mini-series sa 2017 International Emmy Kids Awards.  Ang Wansapanataym ang bukod-tanging Philippine TV show for kids na nominado para sa International Emmy Kids Awards ngayong taon. Makakalaban nito ang mga entry mula Netherlands, United Kingdom, at Australia. Ang Wansapanataym: Candy’s Crush na nagtatampok kina Loisa Andalio at Jerome Ponce at  idinirehe ni Andoy Ranay na napanood noong June 2016 …

Read More »

Ivan, swak na pang-leading man

KUNG may Shy Carlos si Empoy Marquez sa The Barker na ipalalabas sa October 25, may Ivan Padilla naman ang leading lady nito sa phenomenal hit movie na Kita Kita, si Alessandra De Rossi na magkasama naman sa pelikulang12. Si Ivan, Filipino-American Hollywood actor ay Germaine de Leon ang ginamit na screen name sa mga US television series na CSI at Dexter. Una naming nakilala si Ivan nang mag-guest sa radio program namin sa Dzbb …

Read More »

Japan base singer Maricar Riesgo, ‘di issue ang pagpaparetoke

BILANG performer, hindi big issue para sa Pinay international singer na nakabase sa Japan na si Maricar Riesgo ang pagpaparetoke para mas ma-enhance ang hitsura. Ani Maricar, ”Sa akin naman, hindi issue if magparetoke ang isang artist lalo na if sa tingin niya mas makapagpapa-boost iyon ng kanyang self confidence. “Unang-una, choice naman niya ‘yun as long na sa pagbabago ng hitsura eh …

Read More »

James at Nadine, magtatapat sa Magpasikat ng It’s Showtime

INAABANGAN na ang gagawin ng JaDine (James Reid at Nadine Lustre) sa segment ng It’s Showtime na Magpasikat. Isa sa malaking sorpresa sa It’s Showtime ngayong Oktubre ang gagawin ng dalawa sa Magpasikat Week at Let’s Celebr8, isang buwang selebrasyon para sa ikawalong anibersaryo ng It’s Showtime. Sabik na sabik at very excited na nga  ang fans sa unang pagsabak nina James at Nadine na mapapanood sa October 16-21.  Bongga rin ang tagisan ng …

Read More »

JLC, the best para kay Ivan Padilla

ISANG Padilla na naman ang hahataw sa big screen in the person of Ivan Padillana siyang napisil ni Alessandra de Rossi na maging leading man niya sa siya ang sumulat na istorya ng romantic drama na  12 para sa Viva Films. Related ang kanyang Lolo (na tatay ng Mommy niyang si Grace)  sa mga Padilla. Nakalabas na siya sa MMK (Maalaala Mo Kaya) with Ria Atayde. At sa 100 Tula Para kay Stella ay …

Read More »

Alessandra, pinagdidirehe ni Boss Vic del Rosario

ISANG malaking pressure ba kay Alessandra de Rossi ang 12 pagkatapos ng tagumpay ng Kita Kita sa takilya? “Kilala niyo naman ako. Hindi naman ako sa ganoon naka-focus when I do a movie. Unexpected naman ang inabot ng ‘Kita Kita’ so, blessing para sa akin ‘yun. Sa pagkakilala niyo sa akin, ako ‘yung I just speak my mind. Na deadma rin lang naman sa kung anuman ang …

Read More »

Nadine, nagsalita na ukol sa pagkamatay ng kapatid

ILANG araw ding nanahimik si Nadine Lustre ukol sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Isaiah or Ice kung kanilang tawagin sa social media at hindi rin ito nagpa-interview sa media. Kaya naman all eyes ang lahat sa social media accounts ni Nadine na baka bigla itong mag-post kaugnay sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na kapatid. At ‘di nga nabigo ang mga netizen na nag-aabang ng …

Read More »

Ivan Padilla, best friend kung ituring si Alessandra

MAGAANG katrabaho si Alessandra De Rossi ayon sa Hollywood actor na si Ivan Padilla sa pagsasama nila sa inaabangang pelikula ng Viva Films, ang 12 na mula sa direksiyon ni Dondon Santos at mapapanood sa mga sinehan nationwide sa November 8. Ani Ivan, napakahusay na aktres si Alessandra at masayang katrabaho kaya naman ang pagsasama nila sa 12 ay naging dahilan para mas maging close sila at kalaunan ay maging mag-bestfriend. …

Read More »

MTRCB unveils ‘Nida Blanca’ conference room for its 32nd anniversary

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) celebrates its 32 years of service for the Filipino people through the unveiling of the new Nida Blanca conference room las t October 5, 2017. The event was led by Chairperson Rachel Arenas, with Vice-Chairperson Emmanuel Borlaza and other Board Members.   The celebration began with a thanksgiving mass led by Fr. Denmark Malabuyoc from the Order of St. Joseph and attended by …

Read More »

Jackie Chan at Piece Brosnan, magsasagupa sa The Foreigner

DALAWANG respetadong aktor ang magkakabanggaan sa nakaaantig at napapanahong action thriller mula sa direktor ng Hollywood blockbuster film na Casino Royale. Magbabanggan sina Jackie Chan at Pierce Brosnan sa The Foreigner. Gagampanan ni Chan si Quan, isang restaurant owner na namatayan ng anak dahil sa pambobomba ng mga terorista. Para matukoy ang mga salarin, humingi ng tulong si Quan kay Irish Deputy Minister Liam Hennessy na ginagampanan ni Brosnan. …

Read More »

Cristine ayaw nang magpa-sexy: May asawa ako at anak, lahat ng desisyon ko kailangan makabubuti rin sa kanila

SA aking pagkakakilala kay Cristine Reyes, selosa siya. Sinabi rin ito noon ng kanyang asawang si Ali Khatibi nang minsang mainterbyu namin siya. Pero hindi na iyon ang nakikita namin sa aktres. Sa pakikipag-usap namin sa kanya para sa pelikulang Spirit of the Glass 2 mulaOctoArts Films at T-Rex Entertainment hindi na siya nagseselos dahil naniniwala siyang loyal at honest sa kanya ang asawang si Ali. …

Read More »

Daniel limot na si Erich, may bago nang idine-date

ISANG masayang Daniel Matsunaga ang nakausap ng mga entertainment press sa presscon ng Spirit Of The Glass 2: The Haunted na mapapanood sa November 1 at idinirehe ni Jose Javier Reyes handog ng OctoArts Films at T-Rex Entertainment. Kaya pala ay mayroon na itong bagong inspirasyon. Hindi naman itinanggi ni Daniel ang bagong nagpapangiti sa kanya na isang non-showbiz at sinabing nasa dating stage na sila. Nilinaw naman niya …

Read More »

Ipe, nanalo ng P35-M sa slot machine sa Solaire

MATAPOS mabalitang nanalo ng P10-M si Jimmy Santos sa slot machine sa Solaire, balitang sinuwerte rin ang actor na si Phillip Salvador. Noong Huwebes, nakatanggap kami ng isang text mula sa isang mapagkakatiwalaang source na nagsasabing naka-jackpot si Ipe sa slot machine ng Solaire Resort and Casino. Ayon sa text, nahuli rin ni Ipe ang jackpot mula sa isang slot machine ng casino …

Read More »

Nora Aunor tagumpay sa kanyang 50th anniv sa showbiz (Pinagwelgahan man ng katrabahong mga aktor)

BAGO idaos nitong Sabado ang selebrasyon ng Golden Anniversary o ika-50 anibersaryo ng nag-iisang Superstar ng industriya na si Ms. Nora Aunor na ginanap sa Asucena Hall ng Sampaguita Gardens sa Greenhills, naglabasan ang balitang hindi makadadalo ang mga aktor na nakatrabaho noon ni Ate Guy, kabilang na ang orihinal niyang kalabtim nang ilang dekada na si Tirso Cruz III, …

Read More »

Polo Ravales, masayang maging bahagi ng Kapamilya Network

NAKAKIKILITI at matindi ang love scenes nina Polo Ravales at Nathalie Hart sa pelikulang Balatkayo. Mula sa BG Productions ng businesswoman na si Ms. Baby Go at sa pamamahala ni Direk Neal Tan, gumaganap dito sina Polo at Nathalie bilang magkalaguyong OFW na nagtatrabaho sa Dubai. “Marami silang masisilip dito, like may pumping scene, may butt exposure pati breast exposure. …

Read More »