Monday , December 22 2025

Recent Posts

Jeep, tren nagbanggaan 1 patay 6 sugatan

PATAY ang isang vendor habang 6 ang sugatan kabilang ang driver ng jeep, nang magbanggaan ang tren at ang isang pampasaherong jeepney sa Sampaloc, Maynila, kahapon. Putol ang paa at patay na bago pa idating sa Ospital ng  Sampaloc ang biktima na kinilalang si Reynaldo Macapagal habang patuloy na ginagamot ang 6 biktima, apat na babae at tatlong lalaki. Sa …

Read More »

Mag-ingat sa ‘reckless imputation’ vs journalists sa Napoles list -ALAM

HINDI dapat agad paniwalaan at dapat ay maging mapanuri ang mga kasamahan sa industriya ng pamamahayag sa mga pangalan ng mga mamamahayag na isinasangkot sa Napoles list. Ito ang paalala ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap kaugnay ng pagsasangkot sa ilang mga mamamahayag sa Napoles list na lumabas sa isang pahayagan. Gayonman naniniwala si Yap, hindi pwedeng …

Read More »

Napoles bilang state witness malabo — PNoy

NANINIWALA si Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III na malabo pang maging state witness si Janet Lim-Napoles sa pork barrel scam. Sinabi ni Pangulong Aquino na batay sa batas, dapat “least guilty” ang gawing state witness sa isang kaso. Ayon kay Pangulong Aquino, lumalabas na si Napoles ang nasa sentro ng iskandalo. Halos lahat aniya ng sangkot sa pork barrel scam …

Read More »