Thursday , December 26 2024

Bulabugin

DOTr Secretary Art Tugade sa Kapihan sa Manila Bay bukas

Bukas ay magiging panauhin si Transportation Secretary Art Tugade sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila. Makisalo po tayo sa breakfast forum 10am sa Kapihan sa Manila Bay para sa mga development sa DOTr na ibabahagi sa atin ni Sec. Tugade. Tara lets! Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa …

Read More »

Ang laos na ‘papogi’ ni MMDA chair Tom Orbos

Si Chairman Tom Orbos, parang nakukulangan siguro sa ‘kapogian’ niya. Bakit?! Kasi panay ang papogi roon sa EDSA. Pinaghuhuhuli ang mga kolorum na sasakyan at illegal terminal. Malamang karamihan diyan mga van na UV Express na napatunayang kolorum. Kumbaga driver lang ang may lisensiya ‘yung sasakyan ay walang prangkisa kaya kolorum. Pero ang ipinagtataka nga natin, bakit sa EDSA lang …

Read More »

Paalala sa mga deboto ng mahal na Poong Nazareno

Ngayong araw po ay magaganap ang traslacion. Taon-taon halos milyong deboto ang dumadalo rito. Mula noong Biyernes, 6 Enero, dumagsa at humugos na ang mga deboto para makahalik sa paa ng Mahal na Poong Nazareno. Kahapon, inilipat na sa Quirino Grandstand ang pahalik pero parang hindi nababawasan ang bilang ng mga nakapilang deboto. Ngayong araw, magaganap ang traslacion patungong Minor …

Read More »

Pork barrel sa national budget nasipat ni Sen. Ping Lacson

ping lacson

MAHUSAY talagang sumipat si Senator Panfilo “Ping” Lacson. Sa General Appropriations Act (GAA) of 2017, ang P8.55 bilyones mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ay isinalin sa Commission on Higher Education (CHEd) dahil sa paggigiit ni Sen. Ping at ng iba pang mga mambabatas na magpatupad ng libreng tuition fee sa mga state colleges at universities. Pero …

Read More »

Mocha for MTRCB chairperson dapat!

Itinalaga na bilang bold ‘este’ Board Member sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Ms. Mocha Uson. Ang masugid pero kontrobersiyal na supporter ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. As usual, marami na naman ang umaangal at pumupuna kung bakit itinalaga si Mocha at sa MTRCB pa?! Pero sabi nga ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ano naman …

Read More »

Pangulong Digong may mabuting intensiyon pero kapos sa pondo

KAMAKALAWA inamin mismo ng economic team ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi kakayaning ibigay ng administrasyon ang mga ipinangako ng Pangulo na taas ng sahod sa mga pulis, sundalo, at guro. Ganoon din ang SSS pension hike na P2,000. Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, iba ang pangakong-kandidato at iba ang pangako kapag Pangulo na. Kapag presidente na raw …

Read More »

Doble-tara kolektong ni alyas Boy Agwas

bagman money

HINDI lang pala ang Southern Police District (SPD) ang ipinangolektong nitong isang alyas Boy Agwas na nagpapakilalang bagman ni District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario. Maging ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay ipinangilak din pala ni Boy Agwas. Doble tara talaga ang ginawa nitong si Boy Agwas. Anak ng kotong talaga! Kung ang pulisya ay abala sa Oplan …

Read More »

Pangkabuhayan mula sa vendors ng MPD PCP-Paco (Attn: SSupt. Jigz Coronel)

Nagrereklamo ang mga motorista at business establishment owners sa nasasakupan ng MPD-PCP-PACO  dahil laging masikip ang kalsada sa AOR ng nasabing presinto! Hinaing ng mga motorista, mismong main road sa kahabaan ng Paco ay inokupa na ng street vendors kaya pati presinto ay hindi na nga raw makita!? Natatakpan kasi ng mga naglalakihang payong pati ang mga lehitimong tindahan sa …

Read More »

Intelligence operatives ng NBI malaking tulong sa anti-illegal drugs war

NBI

ISA sa pinakamalaking huli sa ilalim ng Duterte administration ang P6-B shabu o 890 kilograms na nakuha sa tatlong malalaking bahay sa hi-end na siyudad ng San Juan — ang tunay na teritoryo ng mga Estrada-Ejercito. Ayon nga kay National Bureau of Investigation (NBI) director, Atty. Dante Gierran, hindi na kayang tawaran ang mahusay na intelligence gatherings ng kanilang mga …

Read More »

Sa mga gustong magtrabaho sa Japan, Mag-ingat sa Freedom 2win Foundation (Attention: TESDA)

Kung kayo po ay nangangarap makapagtrabaho sa Japan mag-ingat na magoyo ng Freedom 2win Foundation, isang organisasyon na nag-aalok ng klase para matuto ng Nihongo/Nippongo sa halagang P30,000 sa loob ng dalawang buwan at kalahati (75-day Nihongo/Nippongo class). Maraming naakit na mag-enrol dahil may boladas ‘este pangako sila na may kontak silang Japaneses businessman na kukuha sa kanila para makapagtrabaho …

Read More »

PNP-SPD namasko nang walang humpay?! (Attention: NCRPO RD Gen. Oscar Albayalde)

ANAK ng bagman!!! Lumagari pala nang husto ang bagman o enkargado ng Southern Police District (SPD), dalawang linggo bago mag-Pasko. Si alyas BOY AGWAS, ang matikas na bagman ng PNP-Southern Police District (SPD) ay naglunsad ng kanyang sariling OPLAN KATOK-TARA (hindi tokhang)… Isang matinding kampanya ng OPLAN KATOK sa iba’t ibang establisyemento, at siyempre higit sa mga ilegalista. Ngumangal nga …

Read More »

Mga taga-laylayan sa Naga ‘nasayonatsi’ ni Madam Leni Robredo

Kung hindi tayo nagkakamalil dalawang linggo bago dumating ang bagyong si Nina, inianunsiyo na ng PAGASA, National Disaster Risk Reduction and Monitoring Council (NDRRMC), at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang babala sa mga tatamaang area. Kabilang sa mga lugar na ito ang MIMAROPA, Southern Luzon, Bicol Region at Eastern Vizayas. Inisip natin na tutugon agad si …

Read More »

Online gambling, casino junket operations at rolling scheme imbestigahan ng BIR

ISA sa mga ikinatutuwa natin sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ‘e ‘yung pagiging lohikal o makatuwiran nila — o para sa mas mabilis na pagkaunawa, tinuturan ng Pangulo ang sambayanan na gamitin ang kanilang common sense. Hindi gaya ng mga pa-intelektuwal na administrasyon na kunwari ‘e tahimik lang at deep thinker pero sa totoo lang puro panggugulang ang …

Read More »

Kakaiba ang tokhang ng Muntinlupa City

Seryoso, hindi propaganda at lalong hindi technical arithmetic ang ipinaiiral na Oplan Tokhang ng Muntinlupa City. Kung sa ibang lungsod, pagkatapos magsisuko ang mga pinaghihinalaang adik at pusher ay isa-isa nang bumubulagta dahil umano nanlaban o kaya ay na-riding-in-tandem, sa Muntinlupa City ang Drug Abuse Prevention Control Office (DAPCO)  ay mayroong seryosong programa para alalayan ang mga naligaw ng landas …

Read More »

Arogante at bastos na immigration officer

MUKHANG nagkamali ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagtatalaga kay Immigration Officer Claveria bilang ‘frontliner’ sa itinuturing na “gateway” ng bansa. Mantakin ninyo, mga suki, ang napiling ‘bastusin’ at pakitaan ng ‘kagaspangan’ ng ugali ni IO Claveria ay tatlong matataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang na si MIAA General …

Read More »

Pera na naging bato pa

MALAKI ang panghihinayang ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa napabalitang ‘bonus’ ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Mantakin ninyo P100,000 – P400,000 daw ang ipagkakaloob ng Pangulo sa mga opisyal ng PNP?! Aba, e parang nakini-kinita nating naglundagan sa tuwa ang mga heneral sa PNP… ‘Yun lang, nayupi ang mukha ng mga heneral sa Armed Forces of the …

Read More »

Sen. Leila De Lima public enemy no. 1 ng Digong’s admin?!

NAKAGUGULAT ang nabasa nating balita kanina. Deklarasyon ba ng Duterte administration na public enemy number one na si Senator Leila De Lima o anggulo lang ng isang pahayagan?! Ayon sa isang pahayagan, binansagan daw ng Office of the Solicitor General (OSG) si Sen. Leila De Lima, na ngayon ay maituturing nang public enemy number one. Aba, hindi ba’t kapag public …

Read More »

Malacañang has too many spokespersons

Parang ang daming bibig sa Malacañang ngayon… Parang araw-araw, ang daming bibig na nagsasalita. Hindi na tuloy malaman ng tao kung sino ang pakikinggan at paniniwalaan. Magsasalita si Secretary Vitaliano Aguirre… maya-maya si Foreign Secretary Perfecto “Jun” Yasay tapos biglang rerepeke si Presidential Legal Adviser Salvador Panelo. Humihirit rin si House speaker Pantaleon Alvarez. Lahat sila nagasalita, in lieu of …

Read More »

Happy Birthday Mayor Fred Lim

Another milestone for one great man… Mayor Alfredo Lim. Ngayon po ang araw ng kapanganakan ni Mayor Alfredo “Fred” Lim at sigurado tayo na walang ibang gagawin ngayon ang magiting na Alkalde kundi ang makapiling ang mga paborito niyang puntahan tuwing kaarawan niya — Tondo at ang Hospicio de San Jose. Gaya ng taon-taon niyang ginagawa, inuuna niya ang kawanggawa …

Read More »

GM Ed Monreal mahigpit na ipatutupad ang 20% diskuwento sa pasahe sa airport taxi ng senior citizens

MAGANDANG balita po para lahat ng senior citizens, pasahero o well-wishers (naghatid at nagsundo) man sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)! Mahigpit nang ipinag-utos ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal sa lahat ng accredited na transport group sa NAIA kabilang ang mga puting taxi na mahigpit niyang ipatutupad ang 20% discount para sa senior citizens bilang …

Read More »

Payag ba kayong maging presidente si Manny “PacMan” Pacquiao?

Seryoso kaya si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na iendoso si Senator Manny Pacquiao para maging susunod na presidente ng bansa?! Aba ‘e ang tawag na natin diyan kay Sen. Manny ‘e super lucky kapag nangyari ‘yan. Mantakin ninyo, naging Congressman at Senador ang pambansang kamao at ang kasunod ay magiging Panggulo ‘este Pangulo pa ng ating bansa. Wowowin!!! Tiyak mag-aalboroto …

Read More »

MTPB Towing nananalasa na naman sa Maynila!

Balik-kalsada na naman pala ang binansagang berdugo at pahirap sa mga motorista sa kalsada sa Maynila. Nag-umpisa na nga raw manalasa sa mga motorista lalo na sa truck operators pati na ang mga pribadong sasakyan sa residential area na nakaparada sa harapan ng bahay nila. Anak ng tungaw!!! Nasa tapat na ng bahay mo kinakalawit pa rin ng buwitreng towing …

Read More »

Merry Christmas Sen. Manny “Coffee Mug” Pacquiao!

ISA sa mga maituturing na multi-milyonaryong (o bilyonaryo?) mambabatas o politiko sa bansa ay si Senator Manny “Pacman” Pacquiao. At hindi piso ang pinagmumulan ng kanyang yaman kundi dolyares. Madalas nga nating mabalitaan na galante si Senator Manny lalo na kapag nagpapalipas siya ng oras noon sa bilyaran, casino at poker house. (Pero noon daw iyon, hindi na raw ngayon …

Read More »

Instant drug rehab facilities nagsulputang parang kabute! (Attention: DoH & DDB)

DAHIL sa maigting na drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi lang mga punerarya ang nagsulputang parang kabute ngayon sa bansa. Nagsulputan na rin ang napakaraming instant drug rehabilitation facilities sa bansa lalo na raw diyan sa CALABARZON at sa Baguio area. Ang singilan daw po riyan ay pang-high end. ‘Yung iba naman, kunwari advocacy at hindi maniningil sa …

Read More »