Thursday , December 26 2024

Bulabugin

Kawalan ng NFA rice sinasamantala ng private traders

MALAKING isyu ngayon ang kawalan ng sapat na stock na bigas ng National Food Authority (NFA). Una kasing tinatamaan nito ang maliliit nating mga kababayan na bumibili ng tinging bigas o ‘yung isa o dalawang kilo isang araw. Dahil hindi nila kayang bumili ng bigas para sa buong isang linggong konsumo, napipilitan silang bumili sa mga komersiyalisadong bigas gaya ng …

Read More »

Sanofi umatras sa refund ng Dengvaxia

dengue vaccine Dengvaxia money

INIHAYAG ng Sanofi kamakalawa, hindi na nila ibabalik ang bayad sa gobyerno para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine. Pero nanindigan si Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa lusot ang Sanofi sa pana­nagutan sa Dengvaxia scam. “Let us not make any conclusion either way. And I’m also appealing to even some members of the government, wala pa pong final …

Read More »

Kapalpakan sa Kalibo Airport talamak pa rin (Attn: CAAP DG Jim Sydiongco)

KAILAN kaya pagtutuunan ng pansin at pakikialaman ni CAAP DG Jim Sydiongco ang pagkontrol sa pagdami ng flights sa Kalibo International Airport? Hindi raw dapat dumami ang flights sa kakarampot na airport since unang-una, hindi ito pasado sa international standards of commercial aviation! Bagama’t kayang lumapag ng mga Airbus 200 na commercial airlines, hindi pa rin talaga kakayanin na i-accommodate …

Read More »

Hindi na nakatutuwa si Sec. “Joke-no”

BY the way, balitang bigla raw napasugod si Immigration Deputy Commissioner Aimee Torrefranca-Neri sa Davao City last week upang mag-courtesy call kay Pangulong Digong para maiklaro ang unang sinabi niya sa pag-aaproba ng ELF na pagkukuhaan ng pondo para sa OT. Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin tumitigil si DBM Secretary Ben Joke-no ‘este Diokno sa pagtutol dito! …

Read More »

Banta ng MIAA: Dentistang cyber-bully sasampahan ng cyber-libel at babawian ng lisensiya

HINDI masamang pumuna kung may dapat punahin kahit i-post pa sa social media. Pero dapat ay tiyakin na totoo at may basehan ang kanilang mga ipo-post. At huwag bansagan na ‘kawatan’ ang mga airport personnel nang walang basehan. Ito ang pakiusap ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa  netizens. Nito kasing nakaraang linggo, isang dentista ang …

Read More »

DFA consular office sa Aseana bukas na kada Sabado simula 10 Pebrero 2018 (Kailan ibababa ang P1,200 bayad sa passport?)

MAGBUBUKAS na raw tuwing Sabado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana simula sa Sabado, 10 Pebrero 2018. Ang Consular Office po ay ‘yung kuhaan ng passport. ‘Yan ay para raw maaresto ang lumalaking backlog sa applications at issuance ng passport. Isa ito sa magandang hakbang ng DFA. Pero sa  totoo lang, ang hinaing ng mga …

Read More »

BI hit P4.75B collections for 2017

NAGTALA ng record na P4.75B koleksyon o kita para sa taong 2017 ang Bureau of Immigration. Very good! Ang nasabing record ay lumalabas na “all time high” sa mga legal na transaksiyon mula sa visa fees at iba pang applications ng lahat ng mga naging kliyente ng ahensiya, banyaga man o lokal. Ayon kay BI-Commissioner Jaime Morente, mas mataas ang …

Read More »

Goodbye MIASCOR

NAWINDANG daw ang kompanya ng MIASCOR matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang terminasyon ng kanilang serbisyo sa lahat ng paliparan sa buong Filipinas. Ang MIASCOR para sa kaalaman ng lahat ay nangangasiwa sa ground-handling services ng mga bagahe ng airlines sa lahat ng airports sa bansa. Kamakailan ay sumabit ang ilang empleyado nito sa Clark International Airport matapos magreklamo …

Read More »

PhilHealth employees biktima ng mga power tripper

NAKALULUNGKOT ang nangyayari ngayon sa Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) lalo sa mga empleyadong ilang taon nang naglilingkuran sa nasabing ahensiya ng pamahalaan. Sila rin ‘yung mga empleyadong sinanay ng ahensiya para maging mabilis at epektibo ang serbisyo ng ahensiya sa publiko. Pero ngayon, sila ang mga empleyadong biktima ng mga power tripper sa PhilHealth. Bago natin isalaysay ang kanilang …

Read More »

Kagutuman napansin na ng Palasyo

agri hungry empty plate

MISMONG ang Malacañang ay nangangamba na rin sa gutom na nararanasan ng iba nating mga kababayan. At sa estadistika, lumaki ng bilang ng mga nakararanas ng involuntary hunger noong  Disyembre 2017. Ayon sa Social Weather Station (SWS) tinatayang 3.6 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng kagutuman nitong nakaraang Disyembre. Nabatid din sa SWS survey, na isinagawa nong 8-16 Disyembre, 15.9 …

Read More »

Tigasin ba talaga si Customs Ex-Comm. Nick Faeldon?

WALA tayong kuwestiyon sa katapangan ni dating Customs Commissioner Nick Faeldon. Ilang beses na niyang ipinakita ‘yan sa publiko. Matigas ba talaga ang prinsipyo o ulo niya? Kahit hanggang kamakalawa sa Senado hindi siya umatras sa pa­kikipag-argumento kay Senator Richard Gordon. At nanindigan na hindi niya sasagutin ang mga tanong na sa tingin niya ay magdidiin sa kanya. Pero siyempre …

Read More »

Nagbatohan ng ‘fake news’ sa senado

SA ginanap na hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senator Grace Poe hinggil sa ‘fake news’ nagbatohan ng ‘fake’ arguments ang i­lang resource person. As usual, ang batohan ay muling umabot at lumabas sa social media. Kanya-kanyang sisihan at turuan kung sino ang nag-umpisa at kung sino talaga ang naglalabas ng mga ‘fake …

Read More »

Chowking crew sa UN Orosa, Ermita dapat purihin sa katapatan

GOOD pm Sir Jerry, makisuyo lang po sana, upang maipatid sa publiko na marami pa rin po tayong kababayan na may busilak na kalooban katulad ng mga personnel ng Chowking UN Orosa Branch na pinangungunahan ni Ma­nager JOMAR EUGENIO. Hindi inaasahang ma­limutan po naming mag-asawa ang bag na naglalaman ng pambili namin ng motorsiklo at pambayad sa matrikula ng aming …

Read More »

LTO at LTFRB dapat lang na pagsanibin

LTO LTFRB

DAHIL sa dami ng kapalpakan, baka mas mabuti ngang buwagin na lang ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at bumuo ng isang sentrong ahensiya. Supposedly, ang dalawang ahensiya ay dapat na nakatutulong sa pagsasaayos ng mga problema sa sistema ng transporatasyon sa ating bansa. Pero sa mga nagdaang panahon, lumalabas na ang dalawang …

Read More »

P13.75-M ‘illegal’ bonuses & benefits ipinasosoli ng COA sa ex-PCSO officials

MUKHANG may iisang kultura ang mga naitatalagang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), inaangkin nilang sariling ‘kaharian’ ang buong ahensiya kaya ginagawa nila ang lahat ng gusto nila pabor sa mga kapakanan nila. Gaya nga nitong P13.75 milyones na hindi naman awtorisadong ilaan sa benepisyo at bonuses pero pinilit ng mga dating opisyal ng PCSO na gamitin noong Setyembre …

Read More »

DOTr official sa ‘escort services’ suspendido kay Sec. Art Tugade

BISTADO ang supervising transportation and development officer na si Roberto Delfin na nakatalaga sa main office ng Department of Transportation (DOTr) kaya binigyan ng suspension na 90 araw ni Transportation Secretary Art Tugade. Ayon kay Sec. Tugade, nahuli si Delfin na tumanggap ng P150,000 sa pamamagitan ng kanyang aide para paboran ang desisyon sa aplikasyon ng New Sunrise Transport Cooperative …

Read More »

Tycoon KTV Club sa Aseana City dinudumog ng mga ilegalista!?

Club bar Prosti GRO

MULA gabi hanggang madaling araw, dinudumog ng mga parokyanong Chinese at iba pang nationality ang Tycoon KTV Club diyan sa Aseana area. Ang dahilan, maraming Chinese mainland GRO cum prositutes ang tumatambay sa nasabing KTV Club. Kunwari ay mga customer rin sila ng Tycoon KTV Club pero sa totoo lang, sila pala ang dinarayo roon. Kumbaga, sila ang tunay na …

Read More »

Anti-political dynasty isinusulong sa Kyusi

QC quezon city

MALAKAS ang panawagan ngayon sa Que­zon City na tuldukan na ang political dynasty. Pero, sabi nga ng matatanda, namulatan na nila ng Kyusi na pugad at pinatatakbo ng mga angkan-angkang politiko. Sino ang mangangahas na putulin ang ganyang sistema sa lungsod?! Sa lawak ng Quezon City, nakapagtataka na parang ilang angkan lang ang naninirahan sa lungsod na isinunod pa sa …

Read More »

Impeachment vs CJ Lourdes Sereno hirap na hirap makausad

HIRAP na hirap makausad ang impeachment laban kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno. ‘Yan po ang tingin natin sa huling pagdinig na napanood ng inyong lingkod. Noong una nga ay pinagtitiyagaan nating panoorin ang nasabing hearing pero dakong huli ay naumay na rin tayo sa paulit-ulit at walang sustansiyang pagdidiin sa Punong Mahistrado. Kumbaga sa prutas, may budbod …

Read More »

Kapalpakan sa Kalibo International Airport (ATTN: CAAP DG Jim Sydiongco)

HINDI na natutuwa ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at ma­ging ang Aviation Security Group sa nangyayari ngayon sa Kalibo International Airport (KIA) na  ‘over-over’ na sa departure and arrival flights. Normally, 37 daily flights ang kayang i-cater ng napakaliit na airport gaya ng KIA. Sa 37 flights, umaabot hanggang …

Read More »

Overseas Filipino Bank dapat maglingkod nang tama para puspusang tangkilikin

ISANG mabuting regalo ang Overseas Filipino Bank (OFB) para sa overseas Filipino workers (OFWs) ganoon din sa ekonomiya n gating bansa. Dating Postal Bank ang OFB na minabuti ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na gawing banko ng OFWs. Sa kasalukuyan, nagpapadala ang mga kababayan nating OFWs sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng banko, door-to-door o kaya ay sa iba’t ibang …

Read More »

Congratulations AsSec Mocha Uson

GINAWARAN ng UST Alumni Association Inc. (UST-AAI) ng Thomasian Alumni Award si Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson pero hindi naging katanggap-tanggap sa ibang alumni. Hindi lang  mga alumni, inulan din ng protesta sa social media ang nasabing pagkilala para kay Mocha. Si Assec. Mocha raw ay pinagmumulan ng fake news dahil sa kanyang blog. Pero ayon sa UST-AAI ang …

Read More »