Monday , October 14 2024

Kapalpakan sa Kalibo International Airport (ATTN: CAAP DG Jim Sydiongco)

HINDI na natutuwa ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine at ma­ging ang Aviation Security Group sa nangyayari ngayon sa Kalibo International Airport (KIA) na  ‘over-over’ na sa departure and arrival flights.

Normally, 37 daily flights ang kayang i-cater ng napakaliit na airport gaya ng KIA. Sa 37 flights, umaabot hanggang runway ang pila sa arrival area at hanggang parking pagdating naman sa departure area.

Susmaryosep!

Hindi raw akalain ng mga ahensiyang nabanggit na mukhang tuliro at hindi kayang i-handle ni CAAP Region 6 Manager Efren Nagrama ang dami ng flights at pasaherong dumarating sa KIA.

Idagdag pa riyan ang panibagong landing permits na ibinigay niya para i-accommodate ang tatlo pang airlines kaya naman umaabot na sa 50 flights per day sa kakarampot na airport!

Wattafak!?

Tambak na nga ang tao sa airport terminal dinagdagan pa ng flights?!

Resulta? DISASTER!

Sa ngayon umano ay kaawa-awa ang mga personnel ng apat na ahensiya dahil halos lumuwa na ang kanilang dila sa dami ng pasahero sa international flights.

Hindi pa kasama riyan ang arrival and departure ng domestic flights!

Imagine, nasa 7,000 inaabot ang bilang ng mga pasaherong inaasikaso ng CIQ kaya naman kinakailangan nilang  magpatulong sa mga taga-KIA Avsegroup para ayusin ang nagka­kagulong mga pasahero.

Halos ‘di na nga raw nila nagagawang mag-breaktime sa dami ng pasahero na karamihan ay tsekwang magugulo at ‘di marunong sumunod sa instructions.

Pakengshet!

Aba’y posibleng magkaroon ng stampede riyan kung magkasabay-sabay ang flights at hindi makontrol ang mga pasahero.

Sa ngayon ay balitang aligaga pa rin daw si CAAP Region 6 Manager Efren Nagrama dahil hindi niya inakala ang pagbugso ng mga pasahero sa airport na ‘yan.

At para makapaghugas-kamay naman raw ang mokong, halos pine-pressure niya sa kanyang kapalpakan ang mga ahensiyang gaya ng CIQ pati Avsegroup para mag-ayos ng kanyang mga sablay!?

Ano kaya ang masasabi ni CAAP DG Jim Sydiongco sa ganitong performance ng paboritong bata niya on handling airport operations?

Napapasyalan n’yo ba DG Sydiongco ang Kalibo airport o hindi!?

Magbibigay ng landing permits sa sandamakmak na airlines kahit ang airport ay hindi pasado sa international standards?!

Hindi kaya per flight ang commission ni Nagrama kaya naman nagmamadaling maka-quota?

What do you think MIASCOR KIA manager Mother Teresa Quimpo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *