Monday , January 6 2025

Bulabugin

Mga sarhen-tong na ginagamit ang PNP at DILG sa kolek-tong

NALULUNGKOT tayo sa nagiging itsura ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng administrasyon ni Dir. Gen. Alan Purisima. Hindi pa man lubos na naidedepensa ni DG Purisima ang isyu ng WHITE HOUSE na kanyang tinitirahan sa Kampo Crame ‘e heto na naman isang eskandalo na naman ang nagbabantang sumabog gamit naman ang pangalan ni PNP-NCRPO chief, Chief Supt. Carmelo …

Read More »

Unfair labor practices sa state network (PTV 4) okey lang kay Secretary Sonny ‘Kolokoy’ este Coloma?

TALAMAK na pala ang nagaganap na UNFAIR LABOR PRACTICES (ULP) sa state network na PTV 4 sa ilalim ng pamamahala ng Board Chairman na si George Syliangco. Ang PTV 4 kung hindi tayo nagkakamali ay direktang nakapailalim sa pamamahala ni Secretary Herminio Sonny ‘kolokoy’ este Coloma. Ilan sa mga talamak na ULPs sa state network ngayon ang pagsibak sa mga …

Read More »

MPD PS-7 at PS-1 friendly sa mga VK at Bookies operator

MARAMI ang nagtataka sa dalawang MANILA POLICE DISTRICT (MPD) police station dahil sa pagiging maluwag at ‘malapit’ sa mga ilegalista sa kanilang AOR. Ito kasing MPD PS-1 at PS-7 ay friendly daw sa mga operator ng demonyong makina ng video karera at bookies. Mas friendly daw ang MPD PS-7 dahil mismong sa likuran lang nito ang mga butas ng bookies. …

Read More »

Pagpaslang kay casino financier Joseph Ang dapat lutasin ng PNP!

MALALIM ang misteryo ng karumal-dumal na pamamaslang sa casino financier na si Joseph Ang. Maraming usap-usapan at haka-haka sa kanyang pagkamatay. Ayon sa ilang impormante. Tiyak kilala ni Joseph Ang ‘yung pumunta sa kanyang bahay sa Montecito sa New Port kaya nakapasok sa kanyang bahay. Pinabuksan pa umano ang kanyang safety vault at ang balita’y sinaid ang laman nitong cash. …

Read More »

We will miss you Sen. Miriam Santiago

NAGULAT tayo sa announcement ni Senator Miriam Santiago kahapon nang sabihin niyang mayroon siyang Stage 4 lung cancer. Sabi nga niya, t’yak daw na matutuwa ang kanyang detractors. Pero ang higit nating pinanghihinayangan, ‘yung mawawalan ng fiscalizer sa Senado. Nakagugulat talaga ang panahon …bakit ba hindi ang mga mangungupit sa kabang yaman ng gobyerno ang tamaan ng mga ganyang ‘delubyo.’ …

Read More »

Lifestyle check kay PAGCor chair Bong Naguiat ngayon na!

APAT na taon na ang nakararaan, ang dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chief of the treasury unit noong panahon ni dating paresidente Gloria Macapagal Arroyo, ay nakikitira lang daw sa bahay ng kanyang biyenan sa lalawigan ng Pangasinan. Nang maglaon, napilitan pa siyang magbitiw sa kanyang posisyon dahil siya ay nahaharap sa mga kasong graft and corrupt practices. …

Read More »

Paumanhin sa AKRHO

ISANG dating kasabayan na nirerekrut ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) sa University of the East (UE) ang nag-text sa inyong lingkod … Inilinaw niya na hindi AKRHO ang sangkot sa pagkamatay ng De La Salle College of St. Benilde HRM student na si Guillo Cesar Servando, 18 anyos, kundi ang Tau Gamma Phi. Sa kabila nito, sinang-ayunan niya ang naikolum …

Read More »

Babala vs fixers at mga ilegalista sa BoC-NAIA

ISANG babala ang ipinaabot ni Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) District Collector ED MACABEO sa mga fixer at ilang ilegalista na nagtatangkang gumawa ng gimik sa kanyang area of responsibility (AOR). Ang babala ni District Collector Macabeo ay kaugnay ng atas ni Customs Intelligence chief, Deputy Commissioner Jessie Dellosa. Nasampolan na nga ni bagong talagang BoC-CIIS …

Read More »

Isang buhay na naman dahil sa walang kwentang fraternity hazing!

HINDI natin maintindihan ang kultura ng ilang fraternity group … kung kailan tumataas ang kanilang pinag-aralan ‘e saka naman nagiging barbariko ang kanilang paniniwala. Gaya na naman ng isang kaso ng hazing na ikinamatay ng De La Salle College of St. Benilde HRM student na si Guillo Cesar Servando, 18 anyos. Si Servando sinabing namatay sa grabeng pambubugbog ng mga …

Read More »

How could you do that, yorme Bistek!?

KAHIT sino sigurong nakapanood sa TV interview last Sunday kay Ms. Kris Aquino ay madudurog ang puso dahil sa naganap sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista. Mantakin ninyong matapos paibigin si Kris ‘e bigla na lamang inilaglag in favour of his children?! Lumabas pa na “kiss & tell” si Bistek sa pag-amin sa naging relasyon nila ni …

Read More »

St. Therese School sa Plainview Subd., Mandaluyong City marumi ang waiting area, walang CR at electric fans para sa parents/guardians (Attention: Mayor Benhur Abalos)

PAGING Mandaluyong St. Therese Private School management! Nananawagan po ang mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa inyong eskwelahan na napakamahal umano ng tuition fee pero kulang sa serbisyo. Reklamo ng mga magulang, mga yaya at mga lola ng mga batang nag-aaral sa St. Therese Private School sa 720 Sgt. Bumatay St., Plainview Subd., Mandaluyong City napakarumi ng …

Read More »

Mga corrupt sa PNR, patalsikin na! (Attn: DoTC Sec. Jun Abaya)

WALANG kamalay-malay ang taong bayan, na riyan pala sa Philippine National Railways (PNR) ay katakot-takot pa rin ang mga anomalyang nagaganap. Mas malalaki nga raw ang buwaya sa ahensiyang ‘yan ng gobyerno. Mukhang hindi tumuwid bagkus ay lalo pa raw bumaluktot ang daan. Mabuti na lang at may isang anti-corruption group na tulad ng Citizen’s Crime Watch o CCW ang …

Read More »

Ang nalalapit na paghuhukom kay Erap

TOTOO nga kayang malapit nang sentensiyahan este desisyonan ng Supreme Court bukas ang disqualification case (DQ) laban kay dating Pangulong Erap Estrada?! Kung totoong na-agenda sa Supreme Court ang desisyon sa DQ ni Erap, marami ang naniniwala na ‘yan ay bukas na magaganap, Hulyo 1, araw ng Martes. Kung ang desisyon ay pabor sa sambayanang Manileño, marami ang matutuwa, dahil …

Read More »

Huwag na huwag kayong bibili ng LG aircon

KUNG ayaw ninyong sumakit ang ulo ninyo, take it straight from the horse’s mouth … “huwag na huwag po kayong bibili ng LG Aircon.” Nakaraang Mayo 25 (2014), bumili po ang inyong lingkod ng LG Air-conditioning unit, inverter 2.5 hp, split type sa halagang P50,000. Mayo 28 nang ikabit ng authorized technician ng LG na ang bayad sa serbisyo ay …

Read More »

MIAA AGM for Engineering ‘desmayado’ raw sa NAIA T-1 rehabilitation?

KUNG meron mang opisyal ng MIAA na ‘di nasisiyahan ngayon sa ongoing rehabilitation ng NAIA Terminal 1 ay walang iba daw kundi si MIAA Asst. General Manager for engineering Carlos Lozada. ‘Yan ang usap-usapan ngayon sa airport ng mga taga-MIAA Engineering. Para sa kaalaman ng mga suking mambabasa ng Hataw, dalawang rehabilitation works ang nagaganap ngayon sa NAIA T1. Ang …

Read More »

Daan-daan milyong piso PCSO advertisements dapat imbestigahan na!

ISA tayo sa mga naniniwala na dapat nang itigil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang mga paid advertisements na umaabot sa milyon-milyong piso sa mga d’yaryo, radio at telebisyon. Imbes ilaan sa advertisements, mas mabuti pang ilaan ng PCSO ang daan-daan milyong pisong pondo nila sa iba pang social services na hindi napagtutuunan ng mga opisyal ng pamahalaan. …

Read More »

Parangal sa Araw ng Maynila pinolitika na rin

GRABE naman talaga … Nawalan na ba talaga ng kahihiyan ang mga taga-City Hall at maging ang parangal sa barangay ay pinopolitika na? Isang eksampol, si Chairman Sigfred “Bobby” Hernane ng Barangay 128 Zone 10 District 1 ay pinarangalan bilang Most Barangay Malusog at Most Barangay Kinabukasan … Isa pang eksampol … si Chairman Edna Ramos ng Barangay 119 (kanto …

Read More »

Ano ang kamandag ni Albert Corres sa Immigration Angeles City? (Attn: SoJ Leila de Lima)

SINO ba talaga si ALBERT CORRES na asawa ni Immigration Angeles City field office Alien Control Officer (ACO) JANICE CORRES? Biglang sumirit ang pangalan ng bugok este ng taong ‘yan matapos mapakapit-tuko raw sa mga galamay ni JACK ASS ‘este LAM, ang Chairman ng Jimei Group sa Fontana casino. Matatandaang naging matunog ang pangalan niya matapos ilathala ng Manila Times …

Read More »

Namumutiktik na putik sa Brgy. Tangos Navotas City (Attn: Mayor John Rey Tiangco)

MATAGAL nang inirereklamo ng mga residente sa Barangay Tangos, sa Lungsod ng Navotas ang hindi na maalis-alis o malinis-linis ang putik sa kanilang kalye sa mahabang panahon. Kung hindi sila binabaha, putik naman ang namumutiktik sa mga kalye nito. Nitong nakaraang tag-araw, nagsimula ang proyektong paghuhukay ng panibagong drainage sa mga kalyeng nakapaikot sa Tangos Elementary School at Navotas High …

Read More »

Imbestigahan anomalya sa BI-Angeles field office!

SI Bureau of Immigration (BI) Alien Control Officer (ACO) JANICE CORRES ay asawa pala ng isang ALBERT CORRES na Operations Manager ng Fontana Resorts and Leisure sa Clark, Pampanga. Wala naman sigurong masama kung maging mag-asawa man sila. Si Albert na husband ni Janice ay putok na putok na ‘batang sarado’ umano ni JACK LAM na Chairman and Executive Officer …

Read More »