Monday , August 8 2022

Imbestigahan anomalya sa BI-Angeles field office!

00 Bulabugin JSY

SI Bureau of Immigration (BI) Alien Control Officer (ACO) JANICE CORRES ay asawa pala ng isang ALBERT CORRES na Operations Manager ng Fontana Resorts and Leisure sa Clark, Pampanga.

Wala naman sigurong masama kung maging mag-asawa man sila.

Si Albert na husband ni Janice ay putok na putok na ‘batang sarado’ umano ni JACK LAM na Chairman and Executive Officer (CEO) ng Jimei Group of Companies na nangangasiwa sa casino activities ng Fontana Resorts and Leisure at namayagpag nang husto noong panahon ni x-PGMA.

No wonder, kaya pala feeling astig si ACO Janice Corres para suwayin ang memo ni BI Comm. Fred Mison at SoJ Leila de Lima na walang extension ng visa sa mga foreigner na sponsor ng travel agency dahil may pinagmamalaking backer pala ito?

Ang tanong, gaano naman kaya ka-astig si ACO Janice Corres kay Immigration Commissioner Fred Mison para suwayin ang pinirmahan niyang Office Order ni Justice Secretary Leila De Lima?

Comm. Fred Mison, pakiimbestigahan na rin ang INFO na may pagawaan daw ng sariling ECC (exit clearance certificate) si ACO Janice Corres at doon pa umano ginagawa sa opisina ng kanyang asawang si Albert Corres.

SoJ Leila de Lima, mukhang malalim ang mga milagrong nangyayari diyan sa BI Angeles field office!

(May karugtong pa bukas)

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply