Thursday , December 19 2024

Breaking News

PNoy hinamon ng naulilang anak ni Talumpa (Hustisya sa magulang)

MATAPOS ihatid sa huling hantungan si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa, ang alkaldeng pinaslang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Biyernes, may binitiwang hamon ang anak niyang si Rayamm kay Pangulong PNoy . Ngayong ulila  na sa mga magulang sina Rayamm Talumpa, mariin niyang hinamon ang Punong Ehekutibo na mabigyan ng hustisya ang marahas na …

Read More »

Parak utas sa kabaro sa ‘recycled’ na Shabu (Sa Maynila)

PATAY ang bagitong pulis-Maynila, matapos barilin ng kanyang matalik na kaibigan nang magkapikonan  dahil sa ‘bukulan’ sa  ipinabentang kompiskadong shabu, sa  Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang  biktimang si PO1 Anthony Alagde, 31, nakatalaga sa Manila Police District – Special Operation Unit, sanhi ng isang tama ng bala sa ulo na na …

Read More »

P2.265-T 2014 pork less budget pirmado na ni PNoy

NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ang kauna-unahang “pork less” budget sa kanyang administrasyon na P2.265 trilyon o ang 2014 General Appropriations Act Nakapaloob sa P2.265 trilyong budget ang P841.8 bilyon para sa social services; P593.1 bilyon para sa economic services; P377.6 bilyon para sa debt service; P362.6 bilyon para sa general public services; at P89.9 bilyon sa …

Read More »

Pakistani pinatay ng kapitbahay (Alagang aso maingay)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang Pakistani national makaraang barilin ng nakaalitang kapitbahay dahil sa maingay na alagang aso sa City of San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng hapon . Kinilala ang biktimang si Chaudry Hussain y Sabir, negosyanteng Pakistani, nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital, pero agad nasakote ang tumakas na suspek na si …

Read More »

JDF bubusisiin ng Kongreso (Resbak sa SC)

BUKAS sa publiko ang detalye ng ulat hinggil sa paggamit ng Korte Suprema sa Judiciary Development Fund (JDF). Sa twitter account ng Supreme Court Public Information Office, inihayag ng Kataas-Taasang Hukuman na ang kompletong ulat ay maaaring makita sa website ng Korte Suprema na sc.judiciary.gov.ph na naka-upload ang quarterly report hinggil sa pondo mula 2012 hanggang nitong unang bahagi ng …

Read More »

2 Pinoy kulong sa Money Laundering sa Hong Kong

DALAWANG Filipino ang ikinulong sa Hong Kong sa kasong money laundering, ayon sa ulat ng Konsulado ng Filipinas. Sa isang babala sa website nitong Disyembre 17, pinaalalahanan ng Consulate General ang mga Filipino sa Hong Kong na huwag hahayaang magamit ng ibang tao ang kanilang bank accounts sa pagpapadala ng pera. “At present, two Filipinos are serving time in Hong …

Read More »

Pinay, Miss International 2013

KASAMA ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago sina Miss Netherlands (kaliwa) at Miss New Zealand (kanan). (via REUTERS/Yuya Shino) Kinoronahan ang pambato ng Filipinas na si Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 sa katatapos na pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi. Tinalo ng 21-anyos Pinay beauty ang 71 kandidata sa 53rd Miss International beauty pageant. Umangat si …

Read More »

Wage hike suspendido sa Region 6

ILOILO CITY – Kasunod nang nangyaring kalamidad dahil sa pananalasa ni super typhoon Yolanda, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages Productivity Board sa Region 6 ang hinihiling na pagpapaliban sa pagpapatupad ng P10 na wage increase sa minimum wage earners sa private sector sa Western Visayas. Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Reg. 6 Director Ponciano Ligutom, ipinagpaliban muna …

Read More »

‘Skyway incident’ bubusisiin sa Kamara

BINAWIAN ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng prankisa ang Don Mariano Transit Corporation makaraan masangkot sa aksidente na ikinamatay ng 18 katao at marami ang sugatan. (RAMON ESTABAYA) PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil ang malagim na aksidente ng Don Mariano bus transit sa House committee on transportation na ikinamatay ng maraming pasahero. Ayon kay Bataoil, layunin …

Read More »

Sabwatan sa power hike bubusisiin (Meralco, ERC, power suppliers lagot)

Sabay-sabay na igigisa ngayon sa Senado ang mga pinagdudahang nagsabwatan para patawan simula ngayong Disyembre hanggang Marso ng karagdagang singil na P4.15/kwh ang milyon-milyong electricity consumers sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. Nanguna sa listahan ng mga ipinatawag ng Senate energy committe na pinamunuan ni Sen. Sergio Osmena ang hepe ng Energy Regulatory Commission na si Zenaida Ducut …

Read More »

Sibakan sa DepEd banta sa Pasko (Libo-libong empleyado apektado)

HINDI magiging masaya ang Pasko para sa libo-libong empleyado ng Department of Education (DepEd) na mawawalan ng trabaho bago matapos ang taon, pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list. Sinabi ni ACT Rep. Antonio Tinio, ang malawakang sibakan sa trabaho ay bunsod ng pag-iisyu ng panuntunan na nagpapatupad sa rationalization plan ng DepEd nitong Disyembre 3. Sa rationalization plan, …

Read More »

P2 Trilyon pagkalugi isinisi sa trapiko

TUMATAGINTING na P2 trilyon ang nalugi sa Filipinas mula 1999 hanggang kasalukuyan dala na rin ng lumalalang lagay ng trapiko sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa bansa ayon sa Red Advocates, bagong tatag na multisectoral group na tumututok sa pagkakaroon ng tamang disiplina ng mga motorista sa lansangan. Ani Brian Galagnara, presidente ng grupo, sa pag-aaral ng …

Read More »

Paslit patay 2 utol sugatan sa sunog

Nalitson nang buhay ang isang 6-anyos nene habang sugatan ang dalawa niyang kapatid nang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Parian, Cebu City. Tostado ang buong katawan ng biktimang si Maria Alexa Botoc, 6, nang madiskubre ang kanyang bangkay matapos maapula ang sunog na tumagal ng 30 minuto. Dinala sa ospital ang dalawa niyang kapatid na sanhi ng first degree …

Read More »

Buntis, magulang patay sa ratrat ng ex-BF

PATAY ang  anim-buwan buntis  at kanyang mga magulang nang magwala at mamaril ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan, sa Navotas City kahapon ng umaga. Dead on the spot ang mga biktimang  sina Jocelle Dinolang at mag-asawang Rosa at Cecilio Dinolang, nasa hustong gulang, mga residente ng Kalye Impiyerno, Tabing-Dagat, Brgy. San Roque. Sa ulat,  mga tama ng bala ng …

Read More »

Pamilya isinumpa ng Japanese na nagbigti

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nagbigti sa tabi ng kanilang hagdan ang isang 66-anyos Japanese national makaraang hiwalayan ng asawa at isinama ang kanilang mga anak, sa Phase 3, Blk. 11, Lot 72-73, Highview Hills, Brgy. Sampaloc, bayan ng Apalit. Matigas nang bangkay nang matagpuan kamakalawa ang biktimang si Yoshio Ueba nang tunguhin ng mga barangay official ang nasabing bahay dahil …

Read More »

Estudyante comatose sa DepEd boxing match

NA-COMATOSE ang isang 16-anyos high school student makaraang lumaban sa  boxing match sa regional athletics tournament ng Department of Education sa Iba, Zambales nitong Lunes. Sa inisyal na ulat, si Jonas Joshua Garcia, 16, ng San Miguel, Bulacan ay lumaban sa boxing match sa Central Luzon Regional Athletic Association meet ngunit dumaing ng pagkahilo sa ikalawang round. Agad ipinatigil ang …

Read More »

73-anyos landlord niratrat sa internet shop

Patay ang 73 -anyos landlord, matapos pagbabarilin  sa tapat ng internet shop ng dalawang lalaki na nakasakay sa tricycle, sa Pasig City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB ng Pasig City Police ang biktimang si Rodolfo Oregas, negosyante, residente ng  #176 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, sa nasabing lungsod. Tumakas ang mga suspek …

Read More »

Parole ni Leviste gustong bawiin ni PNoy

IKINAGULAT ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang parole na ipinagkaloob ng Board of Parole and Pardons (BPP) kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste. Sinabi ni Pangulong Aquino, bagama’t sinasabing nasunod ang proseso at nilalaman ng batas ngunit baka may mali sa pagpapatupad ng “spirit of the law.” Ayon sa Pangulong Aquino, paano masasabing nagpakita ng “good conduct” si Leviste …

Read More »

ECE stude dumayb sa pool mula sa 24/f lasog

PATAY ang 20-anyos college student  matapos tumalon sa swimming pool mula sa sa kanyang inookupahang kwarto sa 24th floor ng Grand Tower II Condominium, Taft Avenue, Malate, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jethro Mark Pechon, 1st year college sa Technological Institute of the Philippines (TIP), kumukuha ng kursong  Electronics Communication Engineering (ECE), nanunuluyan sa Unit 2423 ng …

Read More »

Testigo ni A1 tinodas sa tabi ng 3 anak

PINATAY kahapon si Elena Miranda (babae sa larawan), ang prime witness sa pagpaslang kay Domingo “A1” Ramirez noong May0 26. Si Ramirez ay kilalang leader ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa Baseco na nakatakdang tumakbo sa halalang pambarangay nitong nakaraang Oktubre bago siya pinaslang. Humalili sa kanyang pagtakbo ang anak na si Aljon “A1” Ramirez (ang lalaki sa larawan), masugid …

Read More »

7 Pinoy patay, 11 sugatan sa Yemen suicide attack

KINONDENA ng Palasyo kahapon ang naganap na suicide bombing sa Yemen na ikinamatay ng pitong Filipino at ikinasugat ng 11 kababayan natin kamakalawa. Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., na ang mga opisyal ng gobyerno ay nakikipagtulungan sa mga opisyal sa Yemen upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino sa naturang bansa. Hinimok …

Read More »

Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)

KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam. Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño. Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng pekeng …

Read More »