Thursday , December 19 2024

Breaking News

Pasyente tumalon mula 5/f ng St. Lukes todas

ISANG lalaki ang tumalon mula sa hagdan sa pagitan ng ikalima at ikaanim na palapag ng Medical Arts Building sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, Miyerkoles ng hapon. Kinilala ni PO2 Lucy Paradero ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11 ang biktima na si Jose Bordeos, Jr., 31-anyos at galing ng Masbate. Nabatid na naghihintay ng orthopedic …

Read More »

Pinoys sa US hirap na sa nagyeyelong panahon

APEKTADO na rin ang mga Filipino sa Estados Unidos bunsod ng nararanasang matinding lamig ng panahon na bumagsak sa -51 degrees Celcius ang temperatura. Ayon kay Via Duterte Johnson, taga-General Santos City at nakapag-asawa ng Amerikano, binalot sila ng matinding lamig nang nasiraan ang kanilang sasakyan sa gitna ng biyahe sa nasabing estado. Ayon kay Johnson, kasama niya ang kanyang …

Read More »

Walang terorismo sa Pista ng Nazareno (Tiniyak ng Palasyo)

UMABOT hanggang T.M. Kalaw St., ang pila ng mga debotong nais makahalik at makapagpunas sa Itim na Nazareno habang nasa Quirino Grandstands at nakatakdang iparada sa Maynila bilang pagdiriwang ng pista ng Poon sa Quiapo, Manila. (BONG SON) WALANG banta ng terorismo sa isasagawang prusisyon sa pista ng Poong Nazareno ngayon. Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda. …

Read More »

Bagong Toro ‘reporter’ nangotong sa tserman (ALAM, Hataw ginamit)

MAG-INGAT sa taong ito (kaliwa) nagpakilalang si Edwin Sarmiento at Calabarzon reporter ng Bagong Toro pero ang lakad ay mangikil sa mga barangay chairman. Ginamit ni Sarmiento ang pekeng Alab ng Mamamahayag (ALAM) identification card na may nakalagay na party-list (gitna). Ang original ay ID ni Bilasano (kanan) na walang nakasulat na party-list. (BRIAN BILASANO) ISANG  nagpakilalang CALABARZON reporter ng …

Read More »

Buntis, 8 pa kinagat ng asong ulol

CEBU CITY – Inoobserbahan ang kondisyon ng siyam katao matapos silang makagat ng asong ulol na nagpagala-gala lang sa kalsada sa lungsod ng Cebu. Ayon kay Brgy. Malubog Councilor Boy Bulacano, nakababahala ang sitwasyon ng mga biktima matapos lumabas sa eksaminasyon sa aso na positibo sa rabies. Dagdag ng konsehal, tinurukan na ng anti-rabies ang mga biktima. Ang mga biktima …

Read More »

No second chance — Lacson (Sa overpriced/substandard bunkhouses)

TINIYAK ni Presidential Assistance for Rehabilitation and Recovery head, Sec. Ping Lacson na agad isasampa sa Office of the Ombudsman ang kasong graft sakaling makompleto na ang imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang pagpapatayo ng bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas. Nilinaw ni Lacson, hindi na dapat bigyan ng isa pang pagkakataon ang sino mang mapatutunayan na …

Read More »

Replika ng Nazareno ipinarada na

ISANG araw bago ang malaking prusisyon para sa Poong Nazareno, ipinarada na ang replica ng imahe bilang hudyat at pagpapakita ng kahandaan ng mga awtoridad  para sa Pista bukas, Enero 9. (BONG SON) Dalawang araw bago ang Pista ng Itim na Nazareno, dumagsa na ang maraming deboto sa loob at labas ng Quiapo Church. Sinimulan  na  rin  iprusisyon sa iba’t …

Read More »

Bunkhouses overpriced (Singson magbibitiw)

HANDANG magbitiw si Public Works Sec. Rogelio Singson sa kanyang pwesto kung may naganap na overpricing sa ipinatayong bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Una nang napaulat na overpriced ang 200 bunkhouses na itinatayo sa mga lalawigan ng Leyte at Eastern Samar. Sinabi ni Singson na hindi overpricing ang nangyari kundi nagkaroon ng mga substandard na materyales sa …

Read More »

P4-M iPhone, cash ‘hinoldap’ sa negosyante ng BoC agent

NATANGAY ang mahigit P4 milyong halaga ng cellular phones at cash, sa mag-asawang negosyante, ng grupong nagpakilalang ahente ng Bureau of Customs, noong nakaraang linggo, sa Pasay City. Sa reklamo ng mag-asawang Lovely Choi, 33, at Evan Choi, ng 2 Barangay Capitol Hills, Quezon City, kamakalawa lamang natapos ang imbestigasyon ng Pasay police, natangayan sila ng 80-pirasong bagong iPhone 5s, …

Read More »

NFA nagbabala vs artificial rice shortage

TINIYAK ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas sa buong bansa at walang dahilan para gumalaw pataas ang kasalukuyang presyo nito na maaaring magdulot ng kalitohan sa publiko. Ang pagtitiyak ay ginawa ng pamunuan ng ahensiya matapos silang makatanggap ng ulat na ilang indibidwal at grupo ang nagbabalak na naman magpakalat ng maling impormasyon at lumikha …

Read More »

Canadian, anak swak sa open manhole sa TIEZA

KALIBO, Aklan – Sugatan ang mag-amang Canadian nationals matapos mahulog sa ginagawang manhole sa isang access road sa isla ng Boracay. Kinilala ang mga biktimang sina Shaun Gray, 28, at Ashley Gray, 3-anyos, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Ba-labag sa isla. Base sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), naglalakad si Gray habang karga ang kanyang anak sa nabanggit na …

Read More »

Magtiyahin nagtagaan bulagta pareho

PATAY ang 44-anyos ginang at ang kanyang 23-anyos pamangkin matapos silang mag-duelo upang solusyonan ang gusot nila sa lupa sa Bansalan, Davao del Sur, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang magtiyahin na sina Esterlita Landas Tumunas at Jeffrey Lantingan Tumunas, kapwa residente sa bayan ng Sta. Cruz. Batay sa ulat, dakong 6:30 a.m. nang maganap ang duelo sa Sitio Malipayon sa …

Read More »

Palasyo dedma sa DBM usec na sangkot sa pekeng SARO

HINDI pa rin kinakastigo ng Palasyo si Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos sa kabila nang pagtanggal sa kontrobersyal na special allotment release order (SARO) na natuklasang ginawang raket ng malalapit na tauhan niya. Ni hindi pinagbakasyon ng Malacañang si Relampagos kahit isa siya sa mga kinasuhan ng plunder case kaugnay sa paglulustay sa P900-M Malampaya funds …

Read More »

Nene lapnos sa kumukulong Goto

  SAN FERNANDO CITY, La Union – Patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang 6-anyos batang babae matapos mapaupo sa isang malaking kawa na may kumukulo pa at bagong lutong goto sa isang kasalan sa Brgy. Butubot Este sa bayan ng Balaoan, La Union kamakalawa. Nabatid na nagtungo ang hindi na pinangalanang biktima sa kanyang ina na nasa kusina …

Read More »

23 sugatan sa palpak na fireworks sa SM MoA

to MINALAS na maging biktima ng pagsabog ng fireworks ang 23 katao na nanonood sa pagsalubong sa Bagong Taon sa SM Mall of Asia (MOA) kamakalawa ng hatinggabi sa lungsod ng Pasay. Nagpahayag ang pamunuan ng MOA na nakahnda silang balikatin ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng 23 katao biktima ng pagsabog ng fireworks. Tanging ang guro na si …

Read More »

6 patay, 5 sugatan sa bus vs SUV sa Sorsogon

LEGAZPI CITY – Anim katao ang patay habang lima ang sugatan sa banggaan ng bus at sport utility vehicle (SUV) sa Juban, Sorsogon kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga namatay ang bus driver na si Danilo Montefalcon y Zafra, ng Sampaloc, Maynila; Rosalito Malig y Bobadilla, driver ng SUV; Alfredo Manansala y Manapol; Jaime Malabanan y Javier; Levy Erasga …

Read More »

Parusa vs fireworks’ violators tiniyak ng PNP

HINIGPITAN pa ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa illegal na paputok habang nalalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon. Matapos siyasatin ang pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, pinatitiyak ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang RA 7183 o ang batas laban sa illegal firecrackers. Binigyang-diin ni Purisima na hindi lang …

Read More »

Petilla protektor ng Power Cartel — Bayan Muna

TINAWAG na protektor ng power cartel nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate si Energy Sec. Carlos Jericho Petilla matapos magpahayag ang kalihim nang pabor sa Meralco. Ang banat ng dalawang mambabatas ay kaugnay sa napaulat na paghimok ni Sec. Petilla sa Meralco na i-apela nito ang 60 days temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court hinggil sa …

Read More »

Soltero itinapon sa sementeryo (Kritikal sa bundol ng jeepney)

SA pagnanais na maitago ang kanyang kasalanan, itinapon na lang  ng isang jeepney driver  matapos itakas sa pagamutan ang bangkay ng kanyang nabundol na  matandang binata sa loob ng sementeryo sa Malabon City kahapon ng tanghali. Kinilala ang bangkay na si Rodolfo de Vera, 54-anyos, ng #132-1 Rodriguez St., Sangandaan, Caloocan, nang ma-rekober ng  mga awtoridad matapos ituro ng isang …

Read More »

Sabong, karera, Jai-Alai bawal sa Rizal Day

IPINAALAALA ng Malacañang sa publiko na ipinagbabawal ang sabong, karera  at jai-alai sa paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal sa Disyembre 30, alinsunod sa Republic Act 229. “The law strictly forbids cockfighting, horse racing, and Jai Alai games on this day, with criminal punishment in the form of fines or imprisonment, or both, for any official, citizen, or public …

Read More »

Tsekwang casino player timbog sa bala, baril at droga

Arestado ang isang Chinese national dahil sa pagdadala ng sangkaterbang baril, bala, granada at isang sachet na shabu sa isang casino sa Pasay City, Huwebes ng umaga. Kinilala ni Pasay City Police Chief S/Supt. Florencio Ortilla ang suspek sa pamamagitan ng nakuhang identification card, na si Jerry Sy, 42, negosyante,  ng 48 Fugoso Street, Tondo, Maynila. Sa inisyal na ulat …

Read More »

Ina, 3 paslit na anak patay sa sunog (Bunsong anak yakap)

YAKAP pa ng ina ang bunsong anak nang magkakasamang nalitson ang apat na miyembro ng pamilya matapos makulong sa loob ng banyo sa nasusunog nilang bahay kamakalawa ng gabi, sa Mandaluyong City. Kinilala ni Bureau of Fire Marshal Inspector Nahuma Tarroza, ang mag-iinang namatay na sina Andrei Calunsod, 4-anyos; Yui, 2; Chelsea, isang taon gulang at ang kanilang nanay, si …

Read More »

TRO vs Power Rate Hike iniutos ng SC

el; NAGPALABAS ng 60-day temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) laban sa power rate hike ng Manila Electric Company (Meralco). Bagamat naka-break ang session ng SC, may kapangyarihan si Chief Justice Maria Lourdes-Sereno na magpalabas ng TRO na kukumpirmahin ng Supreme Court en banc sa pagbubukas ng kanilang sesyon sa Enero 2014. Iniutos din ng SC ang oral …

Read More »

Balikbayan agrabyado sa trafik

Sa kabila ng malaking ambag ng overseas Filipino workers (OFWs) sa ekonomiya ng bansa, “hindi makatarungang buhol-buhol na trapik ang isasalubong natin sa mga umuuwing manggagawang Pinoy mula sa ibang bansa,” ayon sa mga kasapi ng The RED Advocates, isang kilusang nagsusulong ng respeto at disiplina sa mga lansangan ng bansa. Hinikayat ni RED Advocates President Brian Galagnara, sa isang …

Read More »