Thursday , December 19 2024

Breaking News

Mayor buhay sa ambush patay sa atake sa puso

HINDI napuruhan ng mga nanambang pero hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang alkalde ng Maitum, Sarangani Province, nang siya ay atakehin nitong Biyernes ng gabi. Kinompirma ni Sr. Insp. Arnold Montesa ng Maitum PNP, patay na si Mayor George Perrett, matapos ideklara ni Dr. Johnson Wee ng Elizabeth Hospital, General Santos City, dakong 2:50 madaling araw, kahapon. Una rito, nasugatan …

Read More »

Zambo judge todas sa ambush

ZAMBOANGA CITY – Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa pribadong ospital ang isang judge matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek dakong 8 a.m. kahapon, ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay sa Narra Drive, Brgy. Tugbungan sa Zamboanga City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Judge Renerio Estacio, presiding judge ng Branch 14 ng Regional Trial Court (RTC-9) …

Read More »

Piskal sinakal ng pusakal sa justice hall

NAGALUSAN sa leeg si Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon nang sakalin ng convicted kidnapper’killer sa katatapos na promulgasyon sa Justice Hall ng Quezon City, kahapon. Ayon kay Fadullon, palabas na sila ng court room nang atakehin siya ng convicted kidnapper. Kinilala ang umatake na si Onofre Surat, Jr., itinuturong pangunahing responsable sa pagdukot at pagpatay kay Mark Harris …

Read More »

Mindanao ‘nilamon ng dilim’

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Energy ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa nangyaring Mindanao-wide blackout kahaponng madaling araw. Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, ginagawa na nila ngayon ang paraan para maibalik ang normal na suplay sa apektadong mga rehiyon. Una rito, inihayag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na nagkaroon na ng partial restoration ng power supply sa …

Read More »

11-anyos ‘fb hacker’ todas sa 46 saksak ng ‘igan (Account pinakialaman)

PATAY ang 11-anyos totoy makaraang 46 beses saksakin ng kanyang kaibigan bunsod ng alitan sa Facebook nitong nakaraang Linggo. Kinilala ang biktimang si Michael Jericho “MJ” Surio, grade 5 pupil, residente ng Brgy. Barihan sa Malolos, Bulacan. Si Surio ay huling nakitang buhay nitong Linggo kasama ang 16-anyos suspek na kanyang kaibigan. Napag-alaman, nag-alala ang mga magulang ni Surio nang …

Read More »

Bukol ni Napoles nalipat sa matris

AGAD ibinalik sa kanyang detention facility sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa Laguna ang kontrobersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles matapos ang ilang oras na medical check-up sa Camp Crame. Tiniyak ni Chief Supt. Alejandro Advincula, Jr., hepe ng PNP-Health Service, ‘hindi alarming’ ang kondisyon ng kalusugan ni Napoles. Aniya, may cyst si Napoles sa kanyang uterus ngunit hindi …

Read More »

Airport, seaport alisin sa Metro (Para lumuwag ang trapik)

DAHIL sa napipintong paglala ng problema sa trapiko mula sa malalaking proyektong impraestruktura na isasagawa ngayon sa Kamaynilaan, agarang nanawagan ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP) sa pagbabalangkas ng matagalang solusyon sa pamamagitan ng relokasyon ng mga paliparan at daungan sa mga karatig-probinsya gaya ng Cavite. “Sa gitna ng paglobo ng populasyon ng Metro Manila, ang “short-term, …

Read More »

Koleksyon ng Customs bumagsak (Sa ikalawang araw ng truck ban ni Erap)

LUMAGAPAK ang revenue collections ng dalawang port operations ng Bureau  of Customs (BOC) sa unang araw ng implementasyon ng truck ban sa Lungsod ng Maynila. Sinabi ni Customs Commissioner John Sevilla, base sa reports ng Port of Manila (PoM) at Manila International Container Port (MICP) na apat lamang container vans ang nai-release nila sa MICP noong unang araw ng implementasyon …

Read More »

Magsasaka ‘wag gamitin – Economists (Sa isyu ng bigas)

HINDI kinakailangang pumili sa pagitan ng sektor magsasaka at mga mamimili kung tamang ipatutupad ng pamahalaan ang mga polisiya patungkol sa pag-aangkat ng bigas at pagpapainam ng produksyon sa sektor agrikultura, ayon sa anim sa mga pinakamahuhusay na ekonomista sa bansa. Sa harap ng napipintong paggastos ng pamahalaan ng halagang P23.6 bilyon upang mag-angkat ng 800,000 metriko toneladang (MT) bigas, …

Read More »

Courtesy call ng Olympian skater inayos ng Palasyo

INAAYOS na ang courtesy call ni Olympian figure skater Michael Christian Martinez kay Pangulong Benigno Aquino III sa Palasyo makaraang magbigay ng karangalan sa bansa sa Sochi Winter Olympics. Ngunit ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hectic ang schedule ng Pangulo ngayong Linggo dahil sa pagdiriwang ng EDSA 1 anniversary at pupunta pa sa Malaysia para sa state visit …

Read More »

Ukraine President pinatalsik

Pinatalsik  ng parlyamento ng Ukraine ang kanilang presidente na si Viktor Yanukovich. Ito’y sanhi ng sunod-sunod na tatlong araw na patuloy ang madugong karahasan sa kapital nitong Kiev na ikinamatay ng halos 100 katao. Nitong Sabado (oras sa Ukraine), nakalaya na rin mula sa mahigit dalawang-taon pagkaka-hospital arrest ang dating Prime Minister na si Yulia Tymoshenko. Sakay ng kanyang wheelchair, …

Read More »

Mag-asawa niratrat sa Binondo mister todas

PATAY ang isang 31-anyos lalaki,  habang sugatan ang kanyang ka-live in, matapos paulanan ng bala ng hindi nakilalang mga suspek sa  Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Patay na nang idating sa  Justice Jose Abad Santos General  Hospital (JJASGH)  si Hadrahyar Dimatingcal, mananampalataya ng Islam, ng Muelle De Industria St., Binondo,  sanhi ng tama ng bala sa mukha at katawan. Nakaratay …

Read More »

Joma haharapin ni PNoy kung may pirmahan na

MAS gugustuhin ni Pangulong Benigno Aquino III na makaharap si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison, kapag may peace agreement nang pipirmahan ang komunistang grupo at kanyang administrasyon. “You know, I’m trying to recall a particular instance the President said something about this—na kung maganda po ba yatang magkaharap sila kung may peace agreement na. …

Read More »

GRO pinalo ng kaldero mister inutas sa saksak

PATAY ang 30-anyos  mister matapos gantihan ng saksak ng kinakasamang guest relations  officer (GRO), makaraang gulpihin at pagpapaluin ng kaldero, sa Caloocan City,   kamakalawa ng hapon. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Benigno de Pedro, 30, ng Phase 1, Package 13, Block 31, Lot 23, Brgy. 176 ng nasabing lungsod, sanhi ng isang …

Read More »

7 patay, 33 huli sa Davao drug raid

DAVAO CITY – Pitong hinihinalang drug pushers ang patay nang manlaban sa mga awtoridad sa anti-drug operation sa Brgy. Ilang sa lungsod ng Davao kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang lima sa pitong napatay na sina Hainal Solani, Dark Abdul Nawang alyas Ani, alyas Ruel, Musa Sailaman, Faisal Albahi, at dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek. Isinagawa ang drug operation sa …

Read More »

Opinyon ng DoJ itinago (Sa patakaran ng DA at NFA sa importation)

SA patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa, nabunyag sa pangalawang pagkakataon ang umano’y paglilihim at pagpapatumpik-tumpik ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa mga rekomendasyon ng ibang kagawaran ng pamahalaan na ‘di umaayon sa mga polisiya ng dalawang ahensya. Nitong  Miyerkoles, inamin ng isang miyembro ng NFA Council na hindi sila binigyan ng …

Read More »

Importer ng Canadian garbage, kinasuhan ng BoC

Muling pinatunayan ng Bureau of Customs (BoC) na desidido ang ahensiya na panagutin ang mga sangkot sa smuggling sa bansa matapos pormal na kasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang importer ng nasabat na 50 container vans ng basura mula Canada. Ang importer na si Adelfa Eduardo, may-ari ng Chronic Plastics na nakabase sa Canumay, Valenzuela City at ang …

Read More »

Online libel ng SC tutulan — Miriam (Panawagan sa netizens)

NANAWAGAN si Senadora Miriam Defensor-Santiago sa netizens kahapon na umaksyon laban sa aniya’y “erroneous” decision ng Supreme Court na pagpagpapatibay sa konstitusyonalidad ng online libel. Sinabi ni Santiago, dapat maghain ng motion for reconsideration laban sa online libel o magpasa ang Senado ng bagong Anti-Cybercrime measure na magbabaliktad sa epekto ng desisyon ng SC. Alin man sa dalawang ito, tiniyak …

Read More »

DA, NFA puro pangako — KMP (Presyo ng bigas sumirit na sa P40)

Pangakong napapako at kabi-kabilang palusot ang inihahain ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa nagugutom na Filipino sa gitna ng pagkakatala ng bago  na  namang  pinakamataas  na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa, sa pangalawang pagkakataon sa buwan na ito ng Pebrero. Sa kabila ng paulit-ulit na pangakong sapat ang suplay ng bigas, ginagamit ngayon …

Read More »

Biyuda ni tado nagpakalbo vs iregularidad sa Florida, LTFRB

SINUGOD kahapon ng biyuda ni Arvin ‘Tado’  Jimenez, kasama ang Dakila Group, ang opisina ng GV Florida Transport  bilang protesta sa pagpapabaya sa mga biktima ng ‘lumipad’ na bus patungong Bontoc, dalawang linggo na ang nakararaan. Nagpakalbo si Lei Jimenez, bilang protesta laban sa inhustisya sa mga biktima sa nasabing insidente. Habang ginugupit ang buhok ni Lei, isinisigaw ng mga …

Read More »