Tuesday , September 27 2022

Courtesy call ng Olympian skater inayos ng Palasyo

INAAYOS na ang courtesy call ni Olympian figure skater Michael Christian Martinez kay Pangulong Benigno Aquino III sa Palasyo makaraang magbigay ng karangalan sa bansa sa Sochi Winter Olympics.

Ngunit ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hectic ang schedule ng Pangulo ngayong Linggo dahil sa pagdiriwang ng EDSA 1 anniversary at pupunta pa sa Malaysia para sa state visit kaya kailangang alamin kung kailan pwedeng maganap ang courtesy call.

“Ang batid ko, nagpadala ng request ang Philippine Sports Commission. Inaalam na natin sa Tanggapan ng Pangulo kung kailan ang mainam na panahon para sa pagkakaroon ng courtesy call ni G. Michael Martinez,” sabi pa niya.

Nauna nang itinanggi ng Palasyo na nakarating sa Tanggapan ng Pangulo ang email message ng ina ni Martinez na humihiling ng tulong pinansyal para sa paglahok ni Michael sa Winter Olympics.

Katwiran ni Coloma, posibleng napunta sa spam mail ang naturang liham.

Dumating sa bansa kahapon si Martinez na sinalubong ng motorcade na naghatid sa kanya sa Mall of Asia sa Pasay City.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pitmaster Foundation National Climate and Disaster Emergency Forum

Pitmaster Foundation-sponsored Nat’l Climate Change Summit kasado na

KAISA ang Pitmaster Foundation sa National Climate and Disaster Emergency Forum na nakatakda sa Huwebes, …

SM 100 days of hapiness

SM SUPERMALLS BEGINS 100 DAYS OF HAPPINESS  
Officially starts the Christmas countdown by creating a circle of happiness among Filipinos

To kickstart the Christmas countdown, SM Supermalls began its 100 Days of Happiness today, September …

PAGCOR online sabong

Sanib-puwersa ng operators, regulators sa pagbuo ng mga polisiya para sa e-sabong iminungkahi

HIGIT na magiging pulido ang mga polisiya para sa e-sabong kung magiging magkatuwang ang mga …

Face Mask

Mandatory facemask sa senior citizens,  immunocompromised sa indoor places, labag sa Bill of Rights — KSMBPI

NANINIWALA si Dr. Mike Aragon, Chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. …

UFFC: PROTEKSIYON NG ERC UNA DAPAT SA CONSUMERS

DAPAT protektahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga consumer laban sa banta ng pagtataas …

Leave a Reply