HABANG abala sa pirmahan ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Universal Health Care Law (UHC) – o ang Republic Act No. 11223 — ang Kalihim ng Department of Health (DOH) na si Dr. Francisco Duque III, nasa ikasampung palapag naman ang kaniyang mga kawani upang ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Lusog-Isip. Ginanap ang dalawang makasaysayang okasyong ito noong 10 Oktubre …
Read More »Nasaan ang Mindanao sa sining Filipino?
KUMUSTA? Kapag panitikang Mindanao ang pag-uusapan, Darangen ng mga Maranao agad ang maaalala dahil sa napabilang ito noong 2005 sa Listahan ng Di-nahahawakang Pamanang Pangkultura ng Sangkatauhan ng United Nations Education, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO). Kapag sayaw Mindanao, singkil ang sasagi sa isip. Kapag musikang Mindanao, agung o kubing o kulintang ang papasok sa kokote. Kapag teatrong Mindanao, ritwal …
Read More »PAC@PEN
KUMUSTA? Noong Lunes, 30 Setyembre, samantalang suspendido ang mga klase – dahil sa tigil-pasada ng mga sasakyan – pumasok pa rin sa De La Salle University (DLSU) Manila ang humigit-kumulang 200 kasapi ng 120 sentro ng PEN o Poets/Playwrights, Editors/Essayists, Novelists. Mula sa iba’t ibang bansa, ang mga nasabing manunulat ay mula sa organisasyong isinilang sa London, Inglatera noong 1921. …
Read More »Kulturado ka ba?
KUMUSTA? Sa loob ng matagal na panahon, lagi’t laging etsa-puwera ang kultura. Noong 2017, sa wakas, isinama na ito ng National Economic and Development Authority sa kanilang Philippine Development (NEDA) Plan 2017-2022. Kung baga, kinikilala na nila ang kultura sa pag-uswag ng Filipinas. Katunayan, ang Kabanata 7 ay nakatuon ang pansin at pagtataguyod ng kamalayan at pagpapahalaga sa pangkulturang pagkakaiba-iba. …
Read More »Magpapa-concert si Yorme!
KUMUSTA? Kung sakali mang nilindol tayo noong nakaraang Friday the 13th, yayanigin naman tayo sa susunod na Biyernes. Opo, ito ay dahil sa lakas ng dating ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) sa sentro, o episentro, ng Maynila. Magkakaroon po kasi ng pagtatanghal ang PPO sa 27 Setyembre, 5:30 n.h., sa Kartilya ng Katipunan o ang bantayog ni Andres Bonifacio sa …
Read More »Performance? Art?
KUMUSTA? Sa 15 Setyembre, lahat ng daan, wika, nga, ay patungong Sta. Mesa, Maynila. Doon kasi gaganapin ang ikaapat na SIPAF o Solidarity in Performance Art Festival sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Doon magsisimula ang PErformAnCE #1 bago ito lumipat para sa PErformAnCE #2 sa Vargas Museum ng University of the Philippines sa Diliman, Lungsod Quezon sa pamumuno …
Read More »Pandaigdig na Taon ng mga Katutubong Wika
KUMUSTA? Alam mo ba na Pandaigdig na Taon ng mga Katutubong Wika ang 2019? Idineklara ito ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) upang imulat ang lahat sa pangangailangang panatilihin, palakasin, at palaganapin ang mga katutubong wika. Kaya nanawagan ang UNESCO sa mga pamahalaan, ahensiya, organisasyon, sambayanan, akademiya, pampubliko’t pribadong sektor, at iba pang entidad. Isa nga sa …
Read More »Tula mo, tanghal mo!
KUMUSTA? Kamakailan naanyayahan tayong maging hurado sa Kenyo: Tagalog Spoken Word Contest kasama mismo ang mga organisador nito na si Joseph “Sonny” Cristobal, ang direktor ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at si Armand Sta. Ana, ang direktor ng Barasoain Kalinangan Foundation. Unang tinawag bilang Tongue Na New, ito ang di-matatawarang …
Read More »Paalam, Ama ng Philippine Tabloid
Kumusta? Noong Sabado, Agosto 10, ihinatid natin sa Huling Hantugan si Ariel Dim. Borlongan. Isang gabi bago ito maganap, nagpugay kami sa kaniya sa Blessed Memorial Garden sa Balagtas o Bigaa, ang sinilangang bayan mismo ni Francisco Baltazar. Tulad ng inaasahan, lahat ay nagulat. At nanghinayang sa kaniyang trinaydor ng atake sa puso sa edad na 60. At ang pagluha …
Read More »