Sunday , December 22 2024

Vim Nadera

Mga larawan ng alagad ng sining bilang bayani (3)

Kumusta? Noong Mayo 5, tumigil sa pag-iral ng ABS-CBN. Tila huminto rin sa pag-inog ang mundo na katatapos pa lamang magdiwang ng World Press Freedom Day noong Mayo 3. Idineklara kasi ng United Nations General Assembly ang araw na ito upang itaguyod at ipaglaban ang isang nagsasarili, pluralistiko, at malayang pagpapahayag na mahalaga sa pag-unlad at pananatili ng demokrasya ng …

Read More »

Mga larawan ng Alagad ng Sining bilang Bayani (2)

KUMUSTA? Pagdating sa musika, nagsimula ang lahat noong 1984 pa. Makaraang mapanood sa BBC News ang report ni Michael Buerk tungkol sa “biblical famine in the 20th century” sa Ethiopia, si Bob Geldof ng Boomtown Rats ay nahikayat tumulong sa paraang alam niya — ang sumulat ng kanta. Dinala niya ang orihinal na It’s My World kay Midge Ure ng …

Read More »

Mga larawan ng alagad ng sining bilang bayani (1)

ISA ang Republic sa pinakanakababahalang aklat sa buong mundo. Dahil nga sa paniniwala ng sumulat nito. Para kay Plato, ang ideyal na lungsod ay walang sining. Aniya, ito ay nagtitiwalag at nanlíligaw o nanlilisya. Dahil ang tingin niya sa sining ay simpleng “imitasyon,” ginagawa raw nito na ikabit o idikit tayo sa mga bagay na mali, o mga bagay sa …

Read More »

Dahil sa iyo, COVID-19

KUMUSTA? Isa ito sa mga umaga nating makulimlim. Kaya lang, kailangan nating gumising. Harapin ang maghapon habang pinupuno natin ito ng kulay at kahulugan hanggang gabi o hating-gabi o madaling-araw upang ulitin na naman ito sa susunod sa araw. Ganito nang ganito. Kapag wala tayong layon, wala rin tayong hayon. Daig pa tayo ng mga masarap tadyakan. Mas malayo ang …

Read More »

Pandaigdigang Araw ng Tula

KUMUSTA? Katatapos lamang ng Pandaigdigang Araw ng Tula noong Marso 21. At hindi ito kayang hadlangan ng Corona Virus Disease (COVID). Katunayan, inuyam pa natin ito para gawin ang COVID na Corona Virus DionaTweet sa tulong ng Rappler. Magpapatuloy ito hanggang Marso 31 kaya may panahon at pagkakataon pa kayong mag-tweet ng diona — ang katutubong uri ng tula na …

Read More »

Walang trabaho, walang suweldo?

KUMUSTA? Noong Marso 10, nagpugay sina Pambansang Alagad ng Sining Amelia Lapeña Bonifacio, kasama sina Dr. Gemino Abad, Dr. Romulo Baquiran, Dr. Jose Dalisay, Dr. Vladimeir Gonzales, Dr. Ramon Guillermo, Prof. Loujaye Sonido, Dr. Roland Tolentino, at ang inyong abang lingkod kay Chancellor Fidel Nemenzo ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Likhaan o U.P. Institute of Creative Writing lamang dapat ang …

Read More »

I.T.A.L.Y.

KUMUSTA? Sa pagpasok ng linggong ito, sabay putok ng balita na umabot na sa 9,172 ang pinatunayang kaso ng coronavirus disease (COVID 19) sa Italya. O, mula sa 97, umabot sa 463 ang nama­matay na Italyano. O 60% sa kanila ang pumapanaw araw-araw. Dinaig na nga nila ang mga taga-South Korea. Kaya, nagpasiya ang Prime Minister ng Italya na si …

Read More »

Kape’t Ka Pete

KUMUSTA? Noong 1999, idineklara ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na World Poetry Day tuwing Marso 21. Naniniwala kasi ang UNESCO sa kapang­yarihan ng tula upang katawanin ang malikhaing kaluluwa ng diwa ng tao. Tula ang patotoo sa pagiging tao ng bawat isa sa pamamagitan ng pahayag o pagpa­pahayag na ang tao, saan mang sulok ng mundo, …

Read More »

Ang aga ni A.G.A.

KUMUSTA? Lahat ng kalsada ay papunta, wika nga, sa Pinnacle Hotel and Suites sa Lungsod Davao sa Pebrero 28 at 29. Doon kasi magdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining ang National Committee for Literary Arts (NCLA), ang isa sa 19 na pambansang sub-komite ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Bilang selebrasyon ng tradisyong kung tawagin ay Ani …

Read More »

Batang Ina

KUMUSTA? Nitong Enero, nagpasabog ng bomba ang World Health Organization (WHO). Parang babala sa pagdating ng Pebrero. Pero, hindi dahil lampas na ang Araw ng mga Puso, lipas na. Ngayon, higit kailan pa man, mas lalo natin itong dapat alamin. Ngayong Taon ng Daga na, para sa mga Tsino, ay simbolo ng reproduksiyon. Ngayon pang inaasahang umarangkada ang ating populasyon …

Read More »

Pag-ibig sa panahon ng coronavirus (2)

KUMUSTA? Kamakailan, naging viral ang video ng isang babaeng nakasuot ng uniporme, katerno ng puting pantalon ang kaniyang pantaas na mahaba ang manggas at may bulsa sa kaliwang dibdib at sa gawing baywang sa magkabilang panig. Ang takip niya sa ulo’t bibig na tila kupas na asul. Hindi ito ang Pantone 19-4052 – o Classic Blue – pero, sa ganang-akin, …

Read More »

Pag-ibig sa panahon ng coronavirus

KUMUSTA? Sa wakas, Pebrero na! Nakaraos na rin tayo sa pinakamahaba na yatang Enero sa kasaysayan! Daig pa tayong nalunod sa baha ng mga balita. Masama na, mali pa. Ngayon, wika nga, panahon na naman ng pag-ibig. Sa kabilang banda, ngayon din ang Pambansang Buwan ng Sining. Kamakailan, binuksan ito nang formal sa National Commission for Culture and the Arts …

Read More »

Anong K ni Kobe?

KUMUSTA? Noong Lunes, 27 Enero, makulimlim ang mundo. May lambong ang madaling-araw sa madaliang pagpanaw ni Kobe Bean Bryant. Tapos tinalo pa ang Lakers ng Sixers. Naalala ko bigla ang National Basketball Association (NBA) Finals noong 2001 kung kailan itinapat sa kaniya si Allen Iverson ang Philadelphia, ang mismong sinilangang estado ni Kobe ng Los Angeles. Ni hindi man lang …

Read More »

Bangon, Batangas!

KUMUSTA? Nang maiwan ko ang backpack ko sa isang kambingan, iba’t ibang eksena ang naglaro sa isip ko habang nakaangkas sa motorsiklo para balikan ito. Walang iniwan sa pagbabalikbayan. Halo-halong emosyon sa habal-habal. Maliban sa takot. Alam kong wala akong helmet dahil nga biglaan. Pinara lamang namin kasi ang isang binatang nagmo-motor noon sa kalye at karaka naman siyang pumayag. …

Read More »

Taal

KUMUSTA? Alam ba ninyo, sa taong ito, tatlong bulkan ang sumabog sa loob nang halos tatlong araw? Noong 9 Enero, nagparamdam ang Popocatepetl — o “smoking mountain”  sa wikang Nahuatl – sa Mexico. Umabot ito sa antas na Yellow Phase 2 o ang yugtong pinagbabawalan ang lahat na lumapit sa bunganga ni “El Popo” na isa sa pinaka­peligrosong bulkan sa …

Read More »

Mabuhay!

BAGONG taon na naman. Panahon muli ng mga resolusyon. At traslacion. Oras na ng mga pansariling batas na napipintong labagin. Ayon sa www.top10richest.com, ang mga sumusunod daw ang nangungunang 10 pangarap na ibig matupad sa buong daigdig para sa 2018: Ikasampu ang asintahing mabuti ang target. Ikasiyam ang galugarin pa ang iba-ibang bagay at iba’t ibang lugar. Ikawalo ang tiyakin …

Read More »

Maligayang Pasko po, lola! (3)

MALILIGAYA lahat ang Pasko sa Lila Pilipina na ipinagdiwang namin mula pa noong 1998. Opo, nag-umpisa kami noong sentenaryo ng Kalayaang Filipino. Dalawang dekada’t isang taon na pala. Parang kailan lang. Tinitiyak ko kasing makilala ang mga lola ng lahat ng magiging estudyante ko. Lalo na noong unti-unting namamaalam at nagkakasakit sila – ginawa ko nang bawat semestre ang pagdalaw …

Read More »

Maligayang Pasko po, lola! (2)

SA FILIPINAS, narinig ang tinig ng mga lola pagkatapos ng 40-taong katahimikan. Naganap ito dahil panahon na. Bumuo ang Asian Women’s Human Rights Council (AWHRC) ng isang task force noong 8 Enero 1992. Dahil sa pakikipagtulungan ng Gabriela at Bayan naging bukambibig na ang salitang “comfort woman.” At nagtagumpay sila nang di-kaginsa-ginsa’y lumitaw isang Agosto ang isang lola. Animnapu’t apat …

Read More »

Maligayang Pasko po, lola!

PITUMPU’T isang taon nang ipinagdiriwang ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao. Isa itong dokumentong nagpapahayag ng di-maipagkakait na mga karapatan ng kahit sino bilang isang tao anuman ang lahi, kulay, kasarian, wika, politika, bansa, pag-aari, o kapanganakan. Mula noon, taon-taon nang ipinagdiriwang ang Araw ng Karapatang Pantao tuwing ika-10 ng Disyembre. Ngayong taong ito, matapos ang isang taong mga selebrasyon …

Read More »

Diplomasyang Pangkultura

KUMUSTA? Kailan kaya raw magiging handa ang Rizal Memorial Stadium para sa South East Asian (SEA) Games? Bakit daw ‘di agad nasundo ang koponan ng polo ng Indonesia nang tatlong oras sa NAIA? Limang oras daw namang natulog sa sahig ng hotel ang mga Cambodian bago sila nakapasok sa kani-kanilang kuwarto? Baka sinadya raw ito pagkat makakalaban natin noon ang …

Read More »

Ang Pagbabaliktanaw sa Unang Hari ng Balagtasan

KUMUSTA? Sa Biyernes, 22 Nobyembre, ika-125 kaarawan ni Jose Corazon de Jesus. Ipinagdiwang ito ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Puerto Princesa, Palawan. Sa balikatan ng CCP Office of the President at Provincial Government of Palawan, ito ay idinaos noong 12-13 Nobyembre sa VJR Hall sa loob ng Capitol Compound. Pinamagatang Ang Pagbabaliktanaw sa Unang Hari ng Balagtasan, …

Read More »

May Palanca ka na ba?

KUMUSTA? Sa kauna-unahang pagkakataon idinaos nang Nobyembre ang pinaka-prestihiyosong gantimpalang pampanitikan sa bansa. Dati-rati, tuwing Setyembre kasi ginaganap ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Sino nga ba si Carlos Palanca Sr.? Ang tunay niyang pangalan ay Tan Quin Lay noong isinilang noong 1869 sa Xiamen, Fujian, Tsina. Nagbakasakali sila ng kaniyang pamilya noong 1884, noong siya ay 15 taong …

Read More »

Talon ni Hermisanto

KUMUSTA? Kahapon, 5 Nobyembre, binuksan ang bagong solong eksibisyon ni Hermisanto. Gaya nang dati, ang kaniyang midyum ay palay. Kaya, ang kaniyang mga panauhing pandangal, bukod kay G. Al Ryan Alejandre, ang bagong Executive Director ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ay si Atty. Argel Balatbat, ang Kinatawan ng Magsasaka Partly-list; Dr. John de Leon at Dr. …

Read More »

Literatura at Lusog-Isip (2)

BILANG pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Lusog-Isip, ipinalabas muli ng Philippine Psychiatric Association (PPA) ang PELI-ISIPAN (Pelikula at Isipan: Sulyap sa Isip sa Likod ng Lente) sa tulong ng Hiraya at Sining at ng Cope UP kamakailan sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) Auditorium sa UP Diliman, Lungsod Quezon. Ito ang pinakaunang pista ng mga pelikulang may kinalaman …

Read More »

Batas militar sa mata ng historyador at ng kuwentista

KUMUSTA? Bukas, 24 Oktubre, si Dr. Galileo Zafra ay magbibigay ng panayam na pinamagatang Ang Balagtasan: Kasaysayan at Transpor­masyon ng Isang Anyo ng Panganga­witran. Pinakiusapan niya kami ni Dr. Michael Coroza na magtanghal kahit wala ang T – na si Teo Antonio na ngayo’y nasa California – sa grupo naming kung tawagin ay MTV. Upang maging napapanahon, ang pinili naming …

Read More »