Monday , November 18 2024

Tracy Cabrera

Garin bakit atat sa dengue vaccine?

ITO ang katanungan ng ilang mga eksperto sa paglulunsad ng programang pagbabakuna laban sa dengue ng may isang milyong mag-aaral sa Grade IV sa mga pampublikong paaralan sa Calabarzon, National Capital Region at Central Luzon. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, inihayag ni Dr. Antonio Miguel Dans ng University of the Philippines (UP) College of Medicine ang mga punto kung …

Read More »

Pangako ng mga politiko babantayan

PANGAKO, pangako at pangako pa—iyan ang madalas na naririnig sa mga politiko at kandidato, lalo na dahil malapit na ang eleksiyon sa buwan ng Mayo. Ito na ang normal na kalakaran sa pangangampanya at maging sa panunungkulan. Ngunit madalas na hindi natutupad ang sinasabing mga pangako kaya nga ang pabirong pahayag bilang katuwiran o palusot ay “nangako na, tutuparin pa …

Read More »

‘Car of the Future’ ng BMW

WELCOME to the future! PINASINAYANAN ng mga enhinyero ng BMW ang kanilang ‘vehicle of the future’—isang shape-shifting na konsepto ng kotse na maaaring paandarin ng auto-pilot, at may nagbabagong interior at sarili nitong ‘balat.’ Parang nagmula sa isang sci-fi movie, ang sasakyan ay mayroong ‘virtual reality’ windscreen, space age steering wheel at nagsasabi rin sa nagmamaneho nito ng pinakamainam na …

Read More »

Walang atrasan na para sa mga Pinoy boxer (Sa Asia-Oceania Tournament)

GUTOM na gutom sa panalo ang 6 na Pinoy boxer na lalahok simula ngayong Marso 23 sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Qian’-An, China para makuwalipika sa Rio Olympics. Iniayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson ang  line-up na kinabibilangan nina Rogen Ladon (light flyweight, 49 kg.) Roldan Boncales (flyweight, 52 kg.), Mario …

Read More »

Teenager pinakain ng 30 goldfish

SAPILITANG pinakain ng isang ina ang kanyang anak na dalaga ng mahigit 30 goldfish bilang parusa, ayon sa lokal na pulisya sa Fukuoka, Japan. Ang insidente ay sa kabila ng pagharap ng nasa-bing bansa sa tumataas na bilang ng mga kaso ng child abuse. Sinasabi na pinilit nina Yuko Ogata at kanyang boyfriend na si Takeshi Egami ang biktima na …

Read More »

Sariling korona Ninakaw ng Beauty queen

NINAKAW ng kauna-unahang international beauty queen ng Myanmar ang sariling korona na nagkakahalaga ng US$100,000 matapos bawiin sa kanya ang kanyang titulo dahil sa pagiging bastos at sinungaling, ayon sa mga organizer ng patimpalak. Binura ang larawan ni May Myat Noe sa Miss Asia Pacific World website, habang tinatakan ng katagang ‘dethroned’ sa tabi ng kanyang pangalan. “Akala niya hangang …

Read More »

Kalaban natataranta kay Amado Bagatsing?

We’d all like to vote for the best man, but he’s never a candidate. — Kin Hubbard NATATARANTA na raw ang mga kalaban ni Cong. Amado Bagatsing. Ngayon, si Congressman Amado Bagatsing ang “apple of the eye” ng mga taong nasa kampo ng kanyang mga kalaban. Si Bagatsing na anak ng dating alkalde ng Maynila na si Mayor Ramon D. …

Read More »

Child labor laganap pa rin sa PH

PATULOY pa rin ang paglaganap ng child labor sa Filipinas, batay sa datos ng Philippines Country Country Report na kina-lap ng Philippines 2011 Survey on Children at Philippines 2013 Labour Force Survey na isinagawa ng magkasanib na mga team ng International Labor Organization (ILO), United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) at World Bank (WB). Sa report, hindi kukula-ngin sa …

Read More »

Vagina kayak artist sa Japan pinagmulta

PATULOY ang mga kritiko sa pagtatangkang ‘palubugin’ ang vagina kayak ng isang artist sa Japan. Sa nagpapatuloy na Japanese obscenity case, si Megumi Igarashi ay nilitis nitong Lunes sa Tokyo District Court. Nais ng mga prosecutor na siya ay pagmultahin ng 800,000-yen (tinatayang $6,600) bunsod nang pag-transmit ng imahe ng kanyang genitals na maaaring ireprodyus sa 3D objects, ayon sa …

Read More »

PH pumangatlo sa 1 ginto, 1 pilak at 2 tanso (Sa 2nd South East Asia Cup Squash Championship)

DALA ng bagong pamunuan ng Squash Rackets Association of the Philippines (SRAP), pumangatlo ang Filipinas sa medal standings sa 2nd South East Asian Cup Squash Championship sa Nay Phi Taw, Myanmar matapos magwagi ng apat na medalya, kabilang ang isang ginto, isang pilak at dalawang tanso. Nanguna ang mga Pinoy sa pagwawagi ng ginto ng koponan nina Jamyca Aribado at …

Read More »

Sa China, sex doll ginawang pa-bonus sa mga empleyado

HINDI masisisi kung bakit masigasig sa kanilang trabaho ang mga trabahador sa China. Lumilitaw na may ibang dahilan dito bukod sa pagiging masipag makaraang baguhin ng isang employer ang ibi-nibigay na annual bonus para sa kanila ngayong taon. Sa nakaraan, karamihan sa kanyang mga binatang kawani ay tumatanggap ng cash bonus, na para sa iba’y katumbas ng anim na beses …

Read More »

Lalaki nag-recruit ng pekeng hukbo

KAKAIBANG uri ng scammer, o manloloko, si David Deng—ang binibiktima niya’y mga Chinese immigrant sa San Gabriel Valley na desperadong maging US citizen. Binansagan ang sarili bilang ‘supreme commander’ ng isang ‘special forces reserve’ nahaharap ngayon si Deng sa pag-operate ng bogus military recruitment facility sa Temple City, na sinisingil niya ang ilang Chinese national nang malaking halaga bilang kabayaran …

Read More »

Pia Wurtzbach kontra din sa cyberbullying

PINILING adhikain dati ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang AIDS awareness at relief operations sa mga lugar na tinamaan ng sakuna, ngunit ngayon ay isinusulong ngayon ang kampanya laban sa cyberbullying. Ayon sa ulat ng PEP News, kasalukuyang naghahanap si Wurtzbach ng mga establisadong organisasyon na may adhikaing labanan ang paglaganap kundi man mapatigil ang problema ng cyberbullying. Gayon pa …

Read More »

78th Season ng UAAP Women’s Volleyball

SINIMULAN na ang ika-78 season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament, na bahagi ng sports advocacy ng Philippine Long Distance Telecom (PLDT) Home Ultera. Sina star spikers Alyssa Valdez ng Ateneo Lady Eagles, Mika Reyes at Ara Galang ng DLSU Lady Spikers at Jaja Santiago ng NU Lady Bulldogs ang itinanghal na brand ambassadors ng …

Read More »

Todo kampanya  kahit hindi pa panahon

In my defense, I didn’t know I was being reviewed. I thought I was getting some PR advice to help my career.  — Comedian Ed Byne, on being called ‘underwhelming’ PASAKALYE: LOVE month na! Panahon ng lambingan at pagmamahalan. Sana’y limutin na sa buwang ito ang alitan at ihalili ang pagpapairal ng pag-ibig sa lahat—sa ating mga magulang at pamilya, …

Read More »

SMLEI nagwagi ng ginto sa World Sports Industry Awards 2015

NAPANALUNAN ng SM Lifestyle Entertainment, Inc. (SMLEI) ang ginto para sa Mall of Asia (MoA) Arena at tanso para sa Universal Fighting Championship (UFC) Fight Night Manila sa ginanap na Sports Industry Awards 2015 nitong nakaraang linggo. Iniuwi ng entertainment arm ng pinakamalaking mall at retail operator sa Filipinas ang iba’t ibang award para sa world-class venue at internationally acclaimed …

Read More »

Sandata ni Spiderman ibinebenta sa Japan

ANG japan ay isa sa pinakaligtas na lugar sa planeta. Halos wala ritong nagaganap na krimen sa mga lansangan at ang murder rate sa nasabing bansa ay pangatlo sa pinakamababa sa buong mundo. Ang estadistika sa murder ay tunay na kamangha-mangha, lalo na kung ikokonsidera ang pinagsamang populasyon ng dalawang bansang may mas mababang homicide rate na Monaco at Palau …

Read More »

Bea Tan at bagong partner sasabak sa Ilocos Sur

MULING mapapalaban si Bea Tan sa paglahok sa Beach Volleyball Republic Tour na gaganapin sa Enero 30-31 sa Cabugao, Ilocos Sur. Ito ang ikalawang yugto ng torneo, na namayani ang tambalan nina Tan at Rupia Inck ng Brazil sa nakaraang sagupaan ng mga pangunahing koponan sa beach volley na itinanghal sa SM Mall of Asia nitong nakaraang Disyembre. Makakatambal ngayon …

Read More »

Restawran inakyat ng mga higanteng hubad na Buddha

SA nakaraan, tanging mga dambuhalang halimaw lang ang umaakyat sa gilid ng gusali tulad ni King Kong at Godzilla. Ngunit sa China, isang restawran sa Jinan City, sa dalawang sunod na taon ang bumago sa nasabing script sa pelikula. Sa halip na si King Kong o alin mang giant monster, dalawang hubad na higanteng Buddha ang lumitaw na naghuhuntahan habang …

Read More »

Babaeng pintor naghubad sa harap ng hubad na obra

INARESTO ang isang babae sa kasong ‘indecent exposure’ makaraang humiga nang hubo’t hubad sa harapan ng hubad ding obra maestro ng prostitute na si Olympia na ipininta ni Edouard Manet sa Musee d’Orsay sa Paris, France. Masayang pinagmamasdan ng mga museum-goer ang exhibition na may titulong ‘Splendour and Misery: Images of Prostitution 1850-1910’ nang bigla na lamang naghubad ng kanyang …

Read More »

Underground Battle Mixed Martial Arts 13: Foreign Invasion

INIHAYAG kamakailan ng World Series of Fighting – Global Championship (WSoF-GC) ang pagkakaroon ng kasunduan para sa pagtatanghal ng mga pandaigdigang laban sa mixed martial arts na gagamitin ang Filipinas bilang basehan ng kanilang promotion. Kasunod nito, itatanghal ngayong araw ng Biyernes (Enero 22) ang kauna-unahang regional event sa ilalim ng WSoF-GC promotional banner sa pagtatanghal ng Underground Battle mixed …

Read More »

Donaire mapapalaban sa The Big Dome

MAPAPALABAN na naman si Nonito Donaire Jr., at ngayo’y sa Smart Araneta Coliseum tatangkain ng Pinoy champ na mapatunayang muli ang kanyang husay bilang kampeon sa buong mundo. Kinompirma ito ni Top Rank promoter Bob Arum makaraang matagumpay na mapanalunan ng 33-anyos na alaga sa kanyang comeback fight ang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight title nitong nakaraang Disyembre kontra …

Read More »

Magnanakaw ng mga panty inaresto sa Japan

INARESTO ng Osaka Prefectural Police ang isang 54-taon gulang na lalaki na umaming ninakaw niya ang mga underwear ng kababaihan at dinilaan ang mga ito bago ibinalik sa mga may-ari na kanyang biniktima, ulat ng pahayagang Sankei Shimbun. Noong Abril hanggang Mayo ng nakaraang taon, ninakawa umano ng suspek ang limang panty, kabilang na ang brassiere, mula sa balkonahe sa …

Read More »

Libu-libong biik dumagsa sa highway

DUMAGSA ang libo-libong mga biik sa North Carolina highway makaraang bumangga ang sinasakyan nilang truck, ayon sa pulisya. Sa ulat ng mga awtoridad, bumaligtad ang tractor-trailer na lulan ang libo-libong mga biik sa Interstate 40 sa katimugan ng downtown Raleigh, na naging sanhi ng pagkabalam ng trapiko ng ilang oras. Sinabi pa na ilan sa mga biik ang namatay, ngunit …

Read More »

Mansanas na hinalikan ng stewardess mabili sa mga Intsik

MAY kasabihang “an apple a day keeps the doctor away”—kaya kung tunay nga na ganito ang katangian ng mansanas, ano naman kaya ang maibibigay na benepisyo nito kung hinalikan ng magandang flight attendant ang paboritong prutas? Salamat sa effort ng Sichuan Southwest Vocational College of Civil Aviation, hindi na kailangan pang magtaka o tanungin ito. Sa pagnanais na makalikom ng …

Read More »