Monday , June 24 2024

Pangako ng mga politiko babantayan

PANGAKO, pangako at pangako pa—iyan ang madalas na naririnig sa mga politiko at kandidato, lalo na dahil malapit na ang eleksiyon sa buwan ng Mayo.

Ito na ang normal na kalakaran sa pangangampanya at maging sa panunungkulan. Ngunit madalas na hindi natutupad ang sinasabing mga pangako kaya nga ang pabirong pahayag bilang katuwiran o palusot ay “nangako na, tutuparin pa ba?”

Ito ang binigyang pansin ni dating University of the Philippines (UP) Los Baños student council chairperson at Student Council Alliance of the Philippines national secretary general Ernest Francis Calayag na dapat umanong magkaroon ng plataporma para gawing accountable o responsable ang mga politiko sa kanilang  mga binitiwang pangako.

“Lagi tayong nakalilimot. Inihahalal natin ang parehong mga tao sa pamahalaan na hinatulan sa katiwalian. Ipinagkakaloob natin ang kapangyarihan sa mga taong hindi makasagot sa mga alegasyong ibinabato sa kanila,” wika ng 26-anyos na technopreneur mula San Pedro, Laguna.

“Hinahanagaan natin ang parehong mga pangako, kahit na recycled ang ibinibigay sa atin ng dating mga kandidato o kapangalang kandidato. Sa paggamit ng aking application, magagawa nating tandaan ang mga pangako nila at kung epektibo nga sila sa pagtupad ng kanilang mandato at gayon din sa kanilang mga pangako,” aniya.

Sinimulan ni Calayag ang WikiPangako para dito noong 2013 pero opisyal na inilunsad kamakailan lamang. Isinilang ito sanhi ng personal na karanasan sa pagtanaw ng mga politikal na mga advertisement, partikular ang mga pangako ng mga kandidato.

Sa paggamit ng WikiPangako mobile application—na available sa web, at gayon din sa Apple App Store at Google Play—maaaring i-upload ng mga user ang pangakong binitawan ng isang politiko, at kung possible, ikabit dito ang larawan o video habang nangangako.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Beautéderm founder Rhea Tan pinagtibay partnership sa Bb. Pilipinas

PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership …

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

Dr RMU Roma Ulama Claudine Barretto

Dr RMU ng Cebu at talent ng Entablado excited makatrabaho si Claudine

SOBRANG excited at masayang-masaya ang doktor na expert sa non-surgical beauty enhancements sa pagkakasama niya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *