Wednesday , March 11 2026

Teddy Brul

Walang Gawain na nakatali sa kasarian
Mga babae, binabasag mga hadlang sa kasanayan sa konstruksyon

PADAYON logo ni Teddy Brul

PADAYONni Teddy Brul SA PAGDIRIWANG ng National Women’s Month, isinusulong ng Association of Women Workers in the Construction Industry (AWWCI) ang malinaw na mensahe: “Dapat walang gawain na nakatali sa kasarian.” Sa buong Filipinas, ang buwan ng Marso ay minamarkahan ng iba’t ibang aktibidad na kumikilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagbubuo ng bansa at nagpapatibay sa patuloy na …

Read More »

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni Senador Bam Aquino na suspendihin ang fuel excise tax sa inaasahang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa lumalalang sigalot sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, na ngayon ay kinasasangkutan na ng ilang bansa sa Gitnang Silangan. Sa isang pahayag, sinabi …

Read More »

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa mga panukalang batas na mag-aalis sa provincial wage rate system, magwawakas sa Regional Wage Boards, at magtatatag ng iisang pambansang sahod para sa lahat ng manggagawang Filipino. Pinapurihan ni POLPHIL Secretary General Ric Serrano si Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando sa pangunguna sa makasaysayang hakbang …

Read More »

Fossil fuels itigil
Katarungan para sa Mindoro, Oil spill pangutin sa polusyon

P4P DENR Mindoro Oil Spill

QUEZON CITY — Nagmartsa patungong tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Power for People Coalition (P4P) sa paggunita sa ikatlong anibersaryo ng mapaminsalang oil spill sa Mindoro noong 28 Pebrero 2023. Kinondena ng grupo ang kawalan ng pananagutan sa unang malawakang sakunang pangkapaligiran sa ilalim ng administrasyong Marcos. Nagbabala ang P4P sa patuloy na paglawak ng …

Read More »

Ang Pag-IBIG at ang P6-B pamumuhunan

PADAYON logo ni Teddy Brul

PADAYONni Teddy Brul ISANG kolum ng pagsusuri at pananagutan Ayon sa mga ulat at impormasyong lumabas sa publiko, muling napapagitna sa kontrobersiya ang isang ahensiya ng gobyerno—ang Pag-IBIG Fund—kaugnay ng isang pamumuhunang tinatayang umaabot sa ₱6 bilyon.  Ang naturang pondo umano’y inilagak sa EEI Corporation, isang construction company na ilang taon nang humaharap sa paghina ng kita at mabigat na …

Read More »

“Minahal kita” – Si Kristo sa panig ng Anakpawis (Dilexi Te – Book of Revelation 3:9)

PADAYON logo ni Teddy Brul

PADAYONni Teddy Brul SA PAGLULUNSAD ng Labor Consultative Assembly na inisyatiba ni Bishop Gerardo “Gerry” Alminaza, Pangulo ng Caritas Philippines, binigyang-diin ang isang matigas na katotohanan: labor is not just economic issue — ito ang araw-araw na arena kung saan iginagalang o nilalapastangan ang human dignity. Sa mensahe ng Dilexi Te (Book of Revelation 3:9) — “I have loved you” …

Read More »

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Party-List ang pamamahagi ng New Year food packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau (LSB) sa House of Representatives. Kabuuang 178 na LSB personnel ang nabigyan ng tulong-handog bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod sa seguridad at …

Read More »

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

BARMM BTA BEC rally protest

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) na busisiin at ibasura ang mga probisyong anila’y diskriminatoryo sa panukalang amyenda sa Bangsamoro Electoral Code (BEC). Sa petisyong isinumite sa BTA, iginiit ng 54 organisasyon na ang BTA Bill 149 ay naglalaman ng mga probisyong “lubhang katutol-tutol, ilegal, …

Read More »

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYON logo ni Teddy Brul

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo at mga rare earth elements. (Retrato mula sa alcircle.com) TUWING sumasabay ako sa kapuwa siklista, hindi maiiwasang humanga ako sa tibay at ganda ng kanilang  bisikleta. Sa mahahabang biyahe, madalas akong mahuli. Akala ko noon ay dahil sa edad o kakulangan sa ensayo. Ngunit ayon …

Read More »

Hindi Pasisiil: Manindigan, demokrasiya’y ipagtanggol – LP Acting President Tañada

Erin Tañada Liberal

IPINAGDIWANG kahapon, 19 Enero ng Liberal Party of the Philippines ang kanilang ika-80 anibersaryo bilang pagpupugay sa mga Filipino na tumulong humubog ng isang malaya at demokratikong bansa. Itinatag noong 1946, naging bahagi ang Partido ng mahahalagang yugto ng kasaysayan—mula sa muling pagbangon matapos ang digmaan hanggang sa patuloy na pakikibaka para sa kalayaan at demokrasya. “Hindi basta ibinagsak mula …

Read More »

Salibanda sa Pakil 2026

Salibanda sa Pakil 2026 Sto Niño

SA BISPERAS ng Kapistahan ng Santo Niño, muling ipinagdiwang sa bayan ng Pakil ang Salibanda bilang pagpupugay sa Mahal na Poong Santo Niño. Ang Salibanda ay nagmula sa salitang “Saliw sa Banda” at unang umusbong sa karatig-bayang Paete. Daan-daang deboto ang nakilahok sa prusisyon—nagbabasaan, nagsasayawan, at sabay-sabay na sumisigaw ng “Viva Santo Niño!” Malaki ang papel ng tubig sa buhay …

Read More »

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYON logo ni Teddy Brul

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang tagpo ng kahirapan, kababaang-loob, at pag-asa. Ngunit sa bawat taon na lumilipas, tila lalo atang lumalayo ang diwa ng Pasko sa tunay nitong kahulugan. Sa gitna ng karangyaan at komersiyalisasyon, nananatiling hungkag ang sabsaban ng katarungan para sa masa. Isinilang si Kristo hindi sa palasyo …

Read More »

Modernong Panunuluyan: Maralita naghahanap pa rin ng matatag na tahanan

NHA SJDM

MAHIGIT 500 maralitang residente at mga tagapagtanggol ng karapatang pantirahan ang nagmartsa patungong National Housing Authority (NHA) para sa Panunuluyan 2025, isang simbolikong pag-alala sa paghahanap ng tirahan nina Maria at Jose. Layunin nitong ilantad ang patuloy na displacement at kawalan ng seguridad na dinaranas ng mga Informal Settler Families (ISFs). Mula sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila at …

Read More »

Rep. Brian Poe nanawagan ng masusing pagsisiyasat sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod

Brian Poe Llamanzares 2

QUEZON CITY — Iginiit ni FPJ Panday Bayanihan Party-List Representative Brian Poe, PhD, MNSA ang agarang pagrepaso sa kalagayan ng mga relokasyon para sa maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng kanyang inihain na House Resolution No. 560 na nag-uutos sa Committee on Housing and Urban Development na magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa habitability at sustainability ng mga kasalukuyang resettlement sites sa …

Read More »

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang parokya sa bansa at mga pag-aari ng  iba’t ibang pamilya ang ilalahok sa 44th Grand Marian Procession (GMP) sa Linggo (Disyembre 7) sa Intramuros, Manila. Ginaganap taon-taon ang prusisyon tuwing Unang Linggo ng Disyembre sa Plaza de Roma sa harapan ng Manila Cathedral sa Intramuros, …

Read More »

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

Grace Poe

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey para sa 2028 vice presidential race ay naitala ni dating Senador Grace Poe, na ngayon ay kaagapay na ni Sen. Robin Padilla sa ikalawang puwesto sa 8.4% (+2). Nangunguna pa rin si Sen. Bong Go (19.1%, +3), ngunit malinaw ang paglapit ng suporta kay Poe …

Read More »

Gobyernong corrupt ipinabubuwag pamahalaang masa hinikayat itatag

SOCiALiSTA

MAHIGIT 300 militanteng manggagawa na pinangungunahan ng Kilusang Manggagawang Socialista (SOCiALiSTA) ang nagsagawa ngayong umaga ng kilos-protesta na nagtipon sa University of Santo Tomas (UST sa España Blvd., Sampaloc, Maynila at magmamartsa patungong Mendiola upang igiit ang anila’y pagbuwag sa bulok at elitistang sistema at ang pagtatatag ng tunay na gobywrno ng masa. Bahagi ng pagkilos ang simbolikong pagbuwag sa …

Read More »

Panganib sa mga magulang at mag-aaral:
BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

ni TEDDY BRUL PATULOY na nalalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga magulang at batang nag-aaral mula sa Sitio Dagat-Dagatan sa Cainta tuwing tatawid sila ng ilog upang makarating sa Muntingdilaw Elementary at High School sa Sitio Bulao, Barangay Muntingdilaw, Antipolo City. Noong 29 Setyembre, isang lokal na vlogger na kilala bilang A.N. Vlog mula Cainta ang nagbahagi …

Read More »

Turumba: Ang Pinakamahabang Marian Festival sa Filipinas

Turumba Ang Pinakamahabang Marian Festival sa Filipinas

ni TEDDY BRUL INAASAHANG dadagsa ang libo-libong deboto sa Saint Peter of Alcantara Parish Church  sa bayan ng Pakil, Laguna, sa darating na Linggo (14 Setyembre) para ipagdiwang ang kapistahan ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba (Mahal na Birhen ng Hapis ng Turumba) — na kinikilalang pinakamahaba at pinakamatagal na Marian Festival sa buong bansa. Simula ng Debosyon …

Read More »

Serbisyo publiko ‘wag ibenta
Alyansa tutol sa NAIA fee hike

PUSO ng NAIA

PINALAGANAP ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero ng NAIA (PUSO ng NAIA) ang isang petisyon na nananawagan ng agarang suspensiyon sa nakaambang pagtaas ng terminal fee at iba pang bayarin sa paliparan na nakatakdang ipatupad sa 15 Setyembre sa ilalim ng bagong pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nakalikom ang National Confederation of Labor (NCL), kasaping organisasyon …

Read More »

Nagsabado sa Pasig: Unang Sigaw ng Katipunan

Valentin Cruz Manuel Bernal Sityar Nagsabado sa Pasig Unang Sigaw ng Katipunan Virgilio Almario Ric Reyes

ni TEDDY BRUL ANG pariralang “Nagsabado sa Pasig” ay tumutukoy sa dakilang pag-aalsang naganap noong Sabado, 29 Agosto 1896 sa bayan ng Pasig. Pinamunuan ito ng Anak-Pasig na si Heneral Valentin A. Cruz, at nilahukan ng halos 2,000 Katipunero — armado ng itak, sibat, karit at ilang ripple — na sabay-sabay nagbangon laban sa kapangyarihan ng Kastila. Mula sa mga …

Read More »

Torre knockout sa loob ng 85 Araw

PADAYON logo ni Teddy Brul

PADAYONni Teddy Brul NAKAGUGULAT ang biglaang pagkakatanggal kay General Nicolas Torre III bilang hepe ng PNP. Tatlong araw na lang para makompleto sana niya ang ikatlong buwan sa puwesto. Itinalaga siya ni Pangulong Marcos noong Mayo, pero sa loob lang ng 85 araw, natapos agad ang kanyang panunungkulan. Isa ito sa pinakamaikling termino ng isang PNP chief sa kasaysayan. Gayunman, …

Read More »

PNP pinaigting E911: Mas mabilis, mas malapit sa tao

PNP E911 Nicolas Torre III

BINIGYANG-DIIN ni PNP Chief Gen. Nicolas D. Torre III ang kahalagahan ng E911 system bilang tulay ng publiko sa agarang tulong ng pulisya. “Sa isang tawag lang sa 911, agad nang darating ang saklolo. Mas mabilis, mas maayos ang koordinasyon, at may pananagutan ang mga tumutugon,” ani Torre. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, muling pinalakas at inilipat ang E911 sa …

Read More »

‘PUSO ng NAIA’ naghain ng petisyon sa Supreme Court vs mega hike fees

PUSO NAIA

ISANG koalisyon ng airport workers, socio-civic organizations, at non-government groups ang naghain ng petisyon sa Supreme Court upang ipatigil ang pagtaas ng lahat ng airport-related fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Tinutulan ng Pagkakaisa ng Users, Stakeholders at Obrero ng NAIA (PUSO ng NAIA) ang implementasyon ng Manila International Airport Authority’s (MIAA) Revised Administrative Order No. 1, Series of …

Read More »