Thursday , June 4 2026
PUSO ng NAIA
HAWAK ng mga dumalo sa multi-sektoral na forum ukol sa hamon sa industriya ng aviation ang mga plakard na may panawagang “Iligtas ang serbisyo publiko sa tubo at negosyo” matapos lumagda sa petisyon na humihiling ng suspensiyon sa taas-singil sa NAIA. HAWAK ng mga dumalo sa multi-sektoral na forum ukol sa hamon sa industriya ng aviation ang mga plakard na may panawagang “Iligtas ang serbisyo publiko sa tubo at negosyo” matapos lumagda sa petisyon na humihiling ng suspensiyon sa taas-singil sa NAIA. (TEDDY BRUL)

Serbisyo publiko ‘wag ibenta
Alyansa tutol sa NAIA fee hike

PINALAGANAP ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders at Obrero ng NAIA (PUSO ng NAIA) ang isang petisyon na nananawagan ng agarang suspensiyon sa nakaambang pagtaas ng terminal fee at iba pang bayarin sa paliparan na nakatakdang ipatupad sa 15 Setyembre sa ilalim ng bagong pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakalikom ang National Confederation of Labor (NCL), kasaping organisasyon ng alyansa, ng suporta mula sa mahigit 100 overseas Filipino workers (OFWs) sa isinagawang Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) sa KAKAMPPI-PDOS Center sa Maynila.

Bagama’t iginigiit ng Department of Transportation (DOTr) at ng ahensiya nitong Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi saklaw ng taas-singil ang mga OFW, ipinaliwanag ni Glecy Naquita, tagapagsalita ng NCL, na ramdam pa rin ng mga manggagawa ang “chain-reaction” ng dagdag-gastos sa NAIA.

Kasama rito ang pasanin sa mga biyahero at ang pagtaas ng bayad sa mga package at padalang balikbayan box ng mga migranteng manggagawa para sa kanilang pamilya sa bansa.

“Hindi makatarungan na ipapasan sa ordinaryong pasahero at manggagawang migrante ang bilyong pisong pamumuhunan ng pribadong sektor. Ang paliparan ay dapat para sa serbisyo publiko, hindi para sa tubo ng iilan,” saad ni Naquita

Matatandaan na inilagay na sa pribadong pamamahala ang NAIA matapos aprobahan ng pamahalaan ang ₱170.6 bilyong Public-Private Partnership (PPP) kasama ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), isang consortium na pinangungunahan ng San Miguel Corporation. Ipinagkaloob sa kanila ang 15-taong concession agreement (na maaaring palawigin hanggang 25 taon) upang patakbuhin at isaayos ang pangunahing paliparang pandaigdig ng bansa.

Kasabay nito, naglabas ang MIAA ng Administrative Order No. 1 (s.2024), na nagtatakda ng malalaking pagtaas sa mga bayarin sa paliparan. Kabilang dito ang passenger service charge na itataas mula ₱200 tungo sa ₱390 (domestic) at mula ₱550 tungo sa ₱950 (international) sa Setyembre 2025. Tataas din ang landing at take-off fees, cargo charges, at parking rates.

Itinatag noong Hulyo, ang PUSO ng NAIA ay isang malawak na alyansa ng mga manggagawa, pasahero, at iba pang stakeholder na nagkakaisa upang tutulan ang hindi makatarungang taas-singil.

Nanawagan ang alyansa ng tunay at makabuluhang konsultasyon sa lahat ng maaapektohan at iginiit na hindi dapat isakripisyo ang serbisyong panlipunan para sa pribadong tubo. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …