‘HINIHIMAS’ ni Sen. Leila de Lima ang mga beteranong aktibista para paniwalain na walang katotohanan na siya ay narco-politician at pabulaanan ang mga testimonya na nakikiapid siya sa mga lalaking may asawa. Sinabi ng isang political activist na tumangging magpabanggit ng pangalan na nagtungo kamakailan si De Lima sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City at nakipag-dialogo sa mga …
Read More »US troops pinakain ng sawa ng Pinoy
IPINAGMALAKI ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Maj. Gen. Ricardo Visaya, natutong kumain ng sawa ang mga tropang Amerikano sa joint military exercises kasama ang mga sundalong Filipino. Sa isang chance interview sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 bago ang send-off ceremony kay Pangulong Rodrigo Duterte patungong Japan, sinabi ni Visaya, pareho nakinabang ang …
Read More »Digong sa US: Nerbiyoso kasi guilty
KINABOG si Uncle Sam sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya natarantang isinugo si US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel sa bansa para awatin sana ang Punong Ehekutibo. Sinabi ng Pangulo kahapon sa NAIA Terminal 2 bago siya nagpunta sa official visit sa Japan, ninerbisyos ang Amerika sa mga sinabi niya habang …
Read More »Ex-DSWD Sec Dinky Soliman sisingilin (Sabit sa multi-bilyong Yolanda fund scam)
MAY tsansa na mapabilang sa “brigada” ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City si dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman kapag napatunayang sabit siya sa pagkawala ng bilyon-bilyong pisong pondong pang-ayuda ng administrasyong Aquino sa 200,000 biktima ng supertyphoon Yolanda. Sa ginanap na press briefing kahapon sa Palasyo, isiniwalat ni Department of …
Read More »Foreign aid dapat walang kondisyon — Taguiwalo
WALANG tatatanggihang tulong ang administrasyong Duterte mula sa ibang bansa para sa mga biktima ng kalamidad ngunit kailangang walang kondisyon na kaakibat. Ito ang nilinaw ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo kahapon kaugnay sa naging viral sa social media na komento niya na hindi nanghihingi ng foreign aid ang Filipinas para mga naging pinsala ng mga bagyong Karen at Lawin …
Read More »Duterte ginagamit na ‘langgas’ ni Erap (Sa paninindigang anti-US)
GINAGAMIT ni ousted president at convicted plunderer Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang paninindigang kontra-Amerika ni Pangulong Rodrigo Duterte para palabasin na ang US ang nagpakana ng EDSA 2 at ilihis sa katotohanan na serye ng anomalyang kinasangkutan niya ang tunay na dahilan. Ito ang pahayag ng isang political observer kaugnay sa warning ni Erap kay Duterte na baka magpakana …
Read More »Digong bumisita sa Cagayan at Isabela
BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Tuguegarao City, Cagayan, isa sa mga lalawigan sa northern Luzon na sinalanta nang husto ng supertyphoon Lawin. Pinangunahan ng Pangulo, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, ang pamamahagi ng ayuda sa mga biktima ni Lawin. Nagpunta rin sa Ilagan, Isabela ang Pangulo para tingnan ang sitwasyon …
Read More »US may pakana ng terorismo sa PH — Digong
KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang may kamay ang Amerika sa paghahasik ng terorismo sa Filipinas, partikular sa Mindanao, na lalong nagpaningas ng galit niya kay Uncle Sam. Sa press conference kamakalawa ng gabi sa Davao City Airport, tahasang tinukoy ng Pangulo na limang taon na naglabas-masok sa Davao City ang Amerikanong si Michael Terrence Meiring, isang Central …
Read More »Terorismo inimporta ng Amerika (Digong kay Trump)
INIMPORTA ng Amerika ang terorismo sa kanilang bansa kaya dapat aminin ito sa sarili ni Republican presidential bet Donald Trump, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo sa press conference sa Davao City Airport kamakalawa ng gabi, bagama’t wasto ang pagkabahala ni Trump sa terorismo sa Amerika ngunit kailangan suriin ang isyu nang malaliman upang mabatid ng presidential bet …
Read More »RELASYON SA US ‘DI PUPUTULIN — DUTERTE
DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “separation of relation/ties” ang kanyang naging deklarasyon sa state visit sa China laban sa Amerika kundi “separation of foreign policy” lamang. Ito ang sagot ng Pangulo nang tanungin kung tatapusin na ng Filipinas ang relasyon sa Estados Unidos makaraan ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng kalituhan. Ayon kay Pangulong Duterte, …
Read More »Mamasapano incident bubusisiin muli — PRRD
PAIIMBESTIGAHAN muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF) sa Maguindanao noong Enero 25, 2015. Sa kanyang talumpati sa Philippines-China Trade and Investment Forum sa Great Hall of the People sa Beijing, China kamakalawa, sinabi ng Pangulo nais niyang mabatid ng samba-yanang Filipino ang mga tunay na detalye sa pagkamatay ng SAF …
Read More »Visa sa kano isusulong ni Digong
HINDI na magiging madali para sa mga Kano ang pumasok sa Filipinas dahil gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng visa requirement sa mga US citizen na bibiyahe sa bansa. Sa kanyang pagharap sa mga negosyanteng Filipino at Chinese sa Beijing, China kamakalawa ng gabi, binigyang-diin ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe na dapat ay maging patas ang labanan …
Read More »Babay US hindi pa opisyal
WALA pang basehan ang ano mang pangamba ng iba’t ibang sektor sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang kumalas sa relasyon sa Amerika at makipag-alyansa sa China at Russia. Ayon kay Communications Assistant Secretary Marie Banaag, wala pang dahilan para maalarma sa sinabi ng Pangulo dahil wala pang opisyal na papel o hindi pa dokumentado at maaaring …
Read More »Babay Uncle Sam — Digong
BEIJING — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, panahon na para sabihing “Goodbye”sa US, sa ginanap na state visit sa China nitong Miyerkoles, sa gitna nang pagnanais niyang palitan ang diplomatic alliances ng Filipinas. Si Duterte ay nasa China para sa apat na araw na inaasahang magkokompirma sa kanyang pakikipaghiwalay sa Washington at pakikipaglapit sa Beijing. Sa kanyang pahayag sa harap …
Read More »Violent dispersal sinadya — Intel
SINADYA ang madugong pagbuwag sa rally sa harap ng US Embassy upang lalong sirain ang imahe ng administrasyong Duterte sa mata ng buong mundo habang nasa state visit sa China ang Punong Ehekutibo. Ito ang initial assessment ng source sa intelligence community makaraan ang marahas na dispersal ng Manila Police District (MPD) sa kilos-suporta ng Moro at indigenous people sa …
Read More »Resbak ng ‘ninja cops’ (Violent dispersal sa US Embassy)
INIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang anggulong buwelta ng sindikato ng ‘ninja cops’ ang madugong pagbuwag ng mga pulis sa kilos-protesta ng mga Moro at katutubo sa harap ng US Embassy kahapon na ikinasugat ng mahigit sa 120 rallyista at maraming iba ang nadakip. Isang source sa intelligence community, bineberipika nila ang impormasyon na sinasabotahe ng sindikato ng ninja cops ang administrasyong …
Read More »Kompirmado! Barangay elections kanselado
PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na unang itinakda ngayong ika-31 ng Oktubre. Sa press briefing sa palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Ana Marie Banaag na hinihintay na lang nila ang kopya nang nalagdaang batas. Ito ang kauna-unahang Republic Act na pinirmahan ni Pangulong Duterte simula …
Read More »Buang sa shabu delikado — Palasyo (QRF ng DoH gagastusin sa mental health)
NAALARMA ang Malacañang sa paglobo ng bilang ng mga nabuang dahil sa shabu kaya itinuturing ito ng administrasyong Duterte na emergency situation kaya ginamit ang Quick Response Funds ng Department of Health (DOH). “The fund is actually used for any public health emergency and the surrenderees that we have now is considered a public health emergency. It’s a mental health …
Read More »Isyung EJKs demolisyon ng ‘dilawan’ vs Digong (Tumining na)
PAKANA ng ‘dilawan’ ang pagdawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings sa bansa na sinakyan ng US, Eupropen Union at United Nations bilang ganti sa pangungulelat noong nakalipas na eleksiyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inumpisahan ng mga ‘dilawan’ ang demolition campaign laban sa kanya nang tumaas nang todo ang kanyang ratings noong nakalipas na presidential elections na …
Read More »Sindikato sa judiciary binalaan ni Digong
BILANG na ang araw ng judiciary fixer at bentahan ng kaso sa panahon ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng Al-Jazeera, naniniwala siya sa judicial system dahil ginagarantiya niya na masusunod ang mga batas habang siya ang nakaupo sa Palasyo. “Right now, I still believe in the system because I will guarantee this time that the …
Read More »Wala akong utang na loob sa business sector — Digong
ISINANLA ni Finance Secretary Sonny Dominguez ang kanyang hotel na Marco Polo sa Davao City para pondohan ang kanyang kandidatura sa katatapos na May 2016 presdiential elections. Sa talumpati ng Pangulo kagabi sa Philippine Business Conference and Expo, sinabi niya na umaasa siya na matutubos na ni Dominguez ang naturang hotel. Ayon sa pangulo, isa si Dominguez sa iilang kaibigan …
Read More »EJKs walang basbas ng estado — Palasyo
(Tugon sa babala ng ICC) WALANG basbas ng estado ang patayang may kaugnayan sa illegal drugs, kasama ang vigilante killings. Ito ang tugon ng Palasyo sa babala ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na posibleng dinggin o litisin ang matataas na opisyal ng Filipinas dahil sa ulat na may kinalaman sila sa paglobo ng bilang ng extrajudicial killings …
Read More »Chinese drug agency rehab centers bibisitahin (Sa China trip)
POSIBLENG bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Chinese Drug Agency at rehabilitation centers sa kanyang State Visit sa Beijing, China sa Oktubre 18-21. Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Asec. Charles Jose, nakapaloob ito sa official program o schedule ng Pangulong Duterte. Ayon kay Jose, haharapin din ni Pangulong Duterte ang Filipino community at magiging keynote speaker sa Trade and Investment …
Read More »Nagugutom na Pinoy nabawasan
MAS ganadong magtrabaho si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta nang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nabawasan ang bilang ng mga Filipino na nagugutom. Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, magsisilbing inspirasyon ito sa Pangulong Duterte para malabanan ang kahirapan sa bansa. Sinabi ni Andanar, sa nakalipas na 100 araw na panunungkulan ng Pangulo sa Palasyo ay tinutukan niya …
Read More »Pres’l Task Force vs media killings binuhay ni Duterte
BINUHAY ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Task Force Against Media Killings na dating Task Force Usig noong administrasyong Arroyo, nang lagdaan kahapon ang Administrative Order Number 1. “The reason why the President wanted this administrative order or AO No. 1 is because he cares for you (media), for us. And he believes in the freedom of the press,” ayon …
Read More »