Friday , November 22 2024

Rose Novenario

Backchannel talks may basbas ni Digong (Para sa usapang pangkapayapaan)

MALAKI ang tsansa na lumargang muli ang negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), dahil hinihintay na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng backchannel talks sa kilusang komunista. “Well, ano lang, hang on, hang on kasi… do not spoil. We have… well I must admit nasa backchanneling,” anang Pa-ngulo na hanggang tainga ang …

Read More »

Mighty Corp. markado kay Digong (Eksperto sa suhulan at economic sabotage)

NAPUNDI si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananabotahe sa ekonomiya ng Mighty Corp., kaya’t iniutos ang pagdakip sa may-ari ng korporasyon, na si Alex Wochung-king lalo na’t markado sa kanya na nagtangkang suhulan siya ng kuwarta noong mayor pa siya ng Davao City. Sa panayam sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inatasan niya ang mga awtoridad na arestohin ang may-ari ng Mighty …

Read More »

22 new pres’l appointees itinalaga

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Samule Martires bilang bagong associate justice ng Korte Suprema. Papalitan ni Martires si Justice Jose Perez, ang kauna- una-hang homegrown justice ng Supreme Court. Inihayag din kahapon ng Palasyo, ang pangalan ng 21 appointee na itinalaga ni Duterte sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan. Nangunguna sa listahan ang kontrobersiyal na dating …

Read More »

Nat’l broadband plan aprub kay Duterte (Internet hanggang sa liblib na lugar)

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagbuo ng national broadband network, upang magkaroon nang mabilis na internet sa mga liblib na lugar sa bansa. “President Rody Duterte has approved the establishment of a National Government Portal and a National Broadband Plan during the 13th Cabinet Meeting in Malacañang today. After a presentation made by Department of Information and Communications Technology …

Read More »

Bomba ni Lascañas ‘supot’ (Kredebilidad sumablay)

MISTULANG ‘supot’ na kuwitis ang inaasahang pasabog ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman retired SPO3 Arturo Lascañas, nang humarap sa pagdinig ng Senado, nang sumablay ang kanyang mga pahayag sa realidad. Parang pelikula na nag-first and last day showing ang pagharap ni Lascañas nang hindi na nagtakda ng kasunod na Senate Committee on Public Order hearing si Sen. Panfilo …

Read More »

P47-M budget ng KWF kapos

KAPOS ang budget ng Komisyon sa Wikang Fi-lipino (KWF) na P47 mil-yon kada taon para paunlarin at linangin ang 133 wika sa Filipinas. Ito ang nabatid sa inilunsad na Kapihang Wika ng KWF kamakai-lan sa Gusaling Watson, Malacañang Complex, Maynila. Sinabi n Lourdes Zorilla-Hinampas, ang P47-milyong budget ng KWF ay nagmumula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), …

Read More »

Lascañas journal peke — Palasyo (Isinulat ng FLAG lawyer?)

PEKE ang journal ni retired PO3 Arturo Lascañas, nagdetalye ng umano’y mga krimeng ginawa ng kinabibilangan niyang Davao Death Squad (DDS), sa pagmamando raw ni noo’y Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang text message sa Palace reporters, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang hindi pagpresenta nang sinasabing journal ni Lascañas nang una siyang …

Read More »

‘Patayan’ sa drug war tuloy (HRW panis kay Duterte)

DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon, sa kabila nang matinding pagbatikos ng Simba-hang Katolika at human rights advocates. Sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway groundbreaking ceremony sa Cebu kahapon, tahasang sinabi ni Pangulong Duterte, ang pagpatay sa mga kriminal ay hindi krimen sa sangkatauhan, taliwas sa 124-pahinang ulat ng New York-based …

Read More »

Jeepney drivers haharapin ni Digong

HAHARAPIN  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep, na naglunsad ng tigil-pasada nitong Lunes, bilang pagkondena sa planong modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nais mapakinggan ng Pangulo ang pagtutol ng mga jeepney driver sa panukalang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan o phaseout ng mga lumang modelo. Sinabi ni …

Read More »

Koalisyon ng NDFP at Duterte admin epektibo

WALANG kagyat na pangangailangan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan dahil maayos naman ang takbo ng gobyernong Duterte sa tulong ng tatlong miyembro ng gabinete na inirekomenda ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Sa press conference sa Malacañang kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang libong beses niyang pag-iisipan kung babalik sa hapag ng negosasyon ang gobyerno sa …

Read More »

Laviña sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Irrigation Admi-nistration (NIA) admi-nistrator Peter Laviña noong nakaraang linggo . “When I said there will be no corruption, there will be no corruption. As a matter of fact, I fired last night one taga-Davao na… for simply making a remark about — sabi ko he’s out and I told him even a whiff …

Read More »

8-anyos ‘pare’ ni Digong pinalaya ng ASG

LIGTAS na nakabalik sa kanyang pamilya kahapon, ang 8-anyos batang lalaking binihag ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG), sa nakalipas na pitong buwan. Iniharap ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang biktimang si Rexon Romoc, at ang kanyang mga magulang na sina Nora at Elmer. Nabatid kay Dureza, tatlong linggo ang nakalipas bago …

Read More »

Rekrutment ng ‘tibak’ sa PNP bukas na (Para isabak sa Oplan Tokhang)

MAY tsansa nang ipakita ng mga kabataang aktibista ang kanilang pagmamahal sa bayan, kapag nagpasya na silang iwan ang kilusang protesta at pumasok sa Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa press conference kahapon sa Palasyo, inutusan niya si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, na mag-recruit ng mga bata at makabayang pulis para isabak …

Read More »

Publiko mas gustong makulong si De Lima (Kaysa makitang bangkay) — Duterte

MAS gugustuhin ng publiko na nakapiit si Sen. Leila de Lima para pagbayaran ang kanyang kasalanan, kaysa makita siyang nakabulagtang bangkay. Ito ang sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng media sa Malacañang, kasabay ng launching ceremony ng Philippine-manufactured Mirage G4 alinsunod sa Comprehesive Automotive Resurgence Strategy o CARS program ng pamahalaan. Tiniyak ni Pangulong Duterte ang kaligtasan …

Read More »

German pinugutan ng ASG

NAKIISA ang Palasyo sa pagdadalamhati at mariing kinondena ang nakapanghihilakbot na pagpugot sa German kidnap victim ng barbarong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu kahapon. Inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, hanggang sa hu-ling sandali ay nagtulong-tulong ang iba’t ibang sektor kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mailigtas ang German national na si …

Read More »

EDSA 1 ng dilawan nilangaw

TALAGANG patay na ang ‘demokrasya’ sa bansa base sa pananaw ng Liberal Party o mga tinaguriang ‘dilawan’ dahil nilangaw ang itinambol nilang malaking kilos-protesta kontra sa umano’y talamak na extrajudicial killings kasabay, nang pagdiriwang sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power 1 revolution kamakalawa. Batay sa kalkulasyon ng mga awtoridad, umabot lamang sa 1,200 ang nagpunta sa rally na inorganisa …

Read More »

Resbak ni Sara: Archbishop Soc Villegas masahol pa sa 100 Duterte

MAS masahol pa si Lingayen Archbishop Soc Villegas sa mahigit 100 Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang buwelta ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa open letter ni Villegas sa namayapang Jaime Cardinal Sin, na inakusahan ang kanyang ama na dinungisan ang alaala ng EDSA People Power 1 revolution. Ani Sara, mula noong 1986 hanggang bago maluklok ang …

Read More »

Aresto sa senadora patunay ng demokrasya — Palasyo

MATAGUMPAY na nagningning ang batas nang arestohin kahapon si Sen. Leila de Lima, para panagutin sa kasong kriminal, at ito ang patunay na umiiral ang demokrasya sa Filipinas, ayon sa Palasyo. “The majesty of the law shines triumphantly when a Senator of a Republic is arrested and detained on account of a criminal charge. Such is the working of a …

Read More »

Leila kinarma — Palasyo

KINARMA si Sen. Leila de Lima, ayon sa Malacañang. “The law of karma has finally caught up with the Senator in terms of being arrested and detained. She, however, remains constitutionally presumed innocent until proven guilty beyond a reasonable doubt, a presumption she viciously denied the critics of the previous administration,” pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Aniya, …

Read More »

People power malabo (Para ipagtanggol si De Lima) — Esperon

  NANINIWALA ang top spook ng bansa, na matalino ang mga Filipino, at hindi magpapagamit sa isang taong akusado sa drug trafficking. Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., sa panayam kamakalawa ng gabi, makaraan ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Asian Development Bank (ADB), mas mataas ang pangarap ng mga Filipino para sa bansa kaysa malubog sa illegal …

Read More »

Bloggers press corps binuo ng Palasyo

MAKARAAN ‘makipagsalpokan’ sa mga reporter sa Palasyo at Senado, plano ni Communications Secretary Martin Andanar na magtayo ng isang organisasyon na gaya ng isang press corps para sa pro-administration bloggers. Sa isang draft memorandum kahapon, na ipinamahagi sa Malacañang Press Corps (MPC), ipinanukala ni Andanar na magkaroon ng “social media press corps” na bubuuin ng online propagandists na nangampanya para …

Read More »

Duterte bumalik sa peace talks

NAGBAGO ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang peace talks, at tiniyak na magkakaroon ng estratehikong pagbabago sa landas tungo sa kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista sa panahon ng kanyang administrasyon. Ito ang resulta ng pulong ni Pangulong Duterte sa National Democratic Front (NDF) – recommended cabinet members na sina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, …

Read More »

P277-M gastos ni Duterte sa foreign trips

UMABOT  sa P277 milyon ang ginatos ng pamahalaan  sa pitong foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa 12 bansa na binisita ng Pangulo, gumastos ang pamahalaan ng P277 milyon at nakakuha ang bansa ng 5.85 bilyong dolyar na foreign investment, at makalilikha nang mahigit 350,000 trabaho. Pinakamalaki aniya ang nakuhang foreign investment ng pangulo …

Read More »

Andanar inilaglag ng AFP

INILAGLAG ng militar si Communications Secretary Martin Andanar nang ikaila ang pahayag niya na may mga pagkilos para pabagsakin ang administrasyong Duterte. Sa press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Edgard Arevalo, wala silang na-monitor na anomang pakana para patalsikin ang pamahalaang Duterte. “Based on our monitoring, negative. We have not monitored …

Read More »