Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

Clemency kay Veloso hirit sa Palasyo

HUMIRIT ang pamilya Veloso kay Pangulong Rodrigo Duterte, na tulungan silang tuluyang isalba sa kamatayan at hilingin kay Inodenesian President Joko Widodo na gawaran ng clemency ang kaanak na death convict na si Mary Jane Veloso. Nagtungo kahapon sa Palasyo si Celia Veloso, ina ni Mary Jane, mga kinatawan ng Migrante International group, at iba pang pamilya ng overseas Filipino …

Read More »

Babala ng Palasyo: Gascon ‘wag sumawsaw sa reklamo sa ICC vs Duterte

HINDI dapat magpadalos-dalos si Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon sa pagtulong sa International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga insidente ng extrajudicial killings (EJKs) dulot ng drug war. Nanindigan si Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang inihaing reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ng abogadong si Jude Sabio, ay walang basehan kaya hindi kailangan agad …

Read More »

Editoryal ng NYT ‘kontaminadong’ opinyon

KONTAMINADO ang opinyon ng editorial ng New York Times laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil ibinase ito sa salaysay ng isang tao na ibinasura ng Senado ang testimonya bunsod ng kasinungalingan. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang basehan, iresponsable at padalos-dalos ang editorial ng NYT na “let the world condemn Duterte.” Aniya, mismong Philippine Senate ay ibinasura …

Read More »

PNP palpak, Nobleza ‘di dumaan sa debriefing (Relasyon sa ASG umusbong sa interogasyon)

HINDI dumaan sa ‘debriefing’ ang lady police colonel makaraan niyang isailalim sa interorgasyon ang terorista kaya umusbong ang kanilang relas-yon, na hindi na-monitor ng Philippine National Police (PNP). Ang debriefing ay prosesong pinagdaraanan ng isang kagawad ng pulis o militar, makaraan ang isang misyon upang makilatis siya, pati ang mga nakalap niyang impormasyon, bago bumalik sa regular duty. Nabatid na …

Read More »

PNA gagawing high-tech propaganda arm ng gov’t

MAKIKIPAGSABAYAN na sa mga makabagong state-run news agency ng mga karatig bansa ang Philippine News Agency (PNA). Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, bahagi na lang ng kasaysayan ang pagpapabaya ng gobyerno sa PNA dahil bubuhusan ng administrasyon ng makabagong kagamitan at teknolohiya ang pangunahing propagandista ng pamahalaan. “The neglect of the PNA is a thing of the past. Now, …

Read More »

Piñol nag-sorry kay Andanar (Sa pintas sa Palace Comgroup)

NAG-SORRY si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kay Communications Secretary Martin Andanar dahil sa pagtawag niyang mabagal ang media operations sa Palasyo. Sa panayam kay Andanar kahapon, isiniwalat niya na tinawagan siya sa telepono ni Piñol makaraan pintasan ang trabaho ng Communications group ng Malacañang. ”I spoke with him on the phone. Actually, he called me up, after that remark that …

Read More »

Honeylet official hostess ng ASEAN leaders’ spouses

HINIRANG ng Palasyo si Honeylet Avanceña bilang “official hostess” ng ASEAN leaders’ spouses. Sa panayam kay ASEAN 2017 Director-General for Operations Ambassador Marciano Paynor, Jr., kahapon, sinabi niya na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa magiging papel ni Honeylet, kanyang common-law wife, sa ASEAN. Aniya, magiging abala si Honeylet sa mga nakalinyang spouses’ program gaya nang pagpunta sa Metropolitan …

Read More »

ICC ginagamit sa black prop vs Duterte

GINAGAMIT ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) bilang lunsaran ng black propaganda at para ipinta siya bilang mamamatay tao sa mata ng buong mundo dahil sa drug war ng kanyang administrasyon. Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang kasong “crime against humanity” na inihain sa ICC laban kay Pangulong Duterte ni Atty. …

Read More »

LP ‘di suportado impeachment complaint vs Duterte

IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ng Liberal Party, na hindi susuportahan ang ano mang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Pangulong Duterte ay inihalal ng 16 milyong Filipino para mamuno sa bansa at ano mang hakbang para patalsikin siya sa poder ay pagtatangka na pigilan ang kagustuhan ng mga mamamayan. Naniniwala ang …

Read More »

Pag-asa Island visit ni Lorenzana legal – Palasyo

LEGAL ang pagbisita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea nitong Biyernes, bahagi ito ng obligasyon ng gobyerno sa isla na bahagi ng Filipinas. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagpunta ni Lorenzana sa Pag-asa Island ay parte ng pagsusumikap ng administrasyong Duterte na ayusin ang kaligtasan, kabuhayan, kapakanan ng mga residente ng isla …

Read More »

Kasangga ko ang Russia — Digong

WALANG kinatatakutan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kasangga niya ang Russia. “The Russians are with me so I shall not be afraid,” sabi ng Pangulo nang bumisita kahapon sa Russian guided missile cruiser “Varyag” na nakadaong sa Pier 15, Port of Manila. Binigyan ng arrival honors si Pangulong Duterte ng Russian Navy Contingent. Kasama ng Pangulo na nag-ikot sa loob …

Read More »

US nakoryente sa EJKs sa PH

KORYENTE ang balitang lumobo sa 9,000 ang kaso ng extrajudicial killings sa bansa bunsod ng drug war ng administrasyong Duterte na pinaniniwalan ni Uncle Sam. Sinabi Presidential Spokesman Ernesto Abella, peke ang ulat na halos 9,000 katao ang namatay dahil sa drug war at nag-ugat ito sa masugid at paulit-ulit na pagbabalita na 7,000 ang napaslang. Batay aniya sa record …

Read More »

Ex-leftist leader OK sa Oplan Tokhang

KAHIT binabatikos ng ilang human rights groups ang drug war ng administrasyong Duterte, suportado ang OPLAN Tokhang ng dating leftist leader at ngayo’y Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairman Terry Ridon. Kahit marami ang mga napaslang sa pagpapatupad ng drug war o OPLAN Tokhang, kombinsido si Ridon na kailangan ito sa implementasyon ng batas. “In terms of, in …

Read More »

DILG fire truck deal tuloy (Kahit sinibak si Sueno)

KINOMPIRMA ng Palasyo kahapon, ipatutupad ang kontrobersiyal na fire truck deal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Austria, naging dahilan ng pagsibak kay dating Secretary Ismael “Mike” Sueno sa gabinete nitong unang bahagi ng Abril. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pirmadong kontrata ang fire truck deal, at walang temporary restraining order ang hukuman para pigilan ang …

Read More »

Housing execs ng Aquino admin mananagot (Sa bulok na pabahay)

DAPAT managot ang mga opisyal ng administrasyong Aquino sa mga itinayong bulok na pabahay na inagaw ng grupong Kadamay. “Sa totoo lang ho, inikot ho namin ‘yan. Talagang bulok ho ‘yung marami sa mga naitayo ho roon and we really have to be frank with eve-rybody about it. And in fact, some form of accountability needs to be undertaken towards …

Read More »

Erap ibalik sa kulungan — Duterte

IBALIK kita sa kulungan. Ito ang babala ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, na minaliit siya noong kampanya ng 2016 presidential elections. “It’s 8 o’clock. Si Erap, naghihintay na ‘yung buang. Birthday niya ngayon e. Sabi niya, ‘Punta ka talaga ha kasi…?’ Tapos noon sabi niya, ‘Wala ‘yan si Duterte. Ano ‘yan, low …

Read More »

P1-M bawat ulo ng ASG — Digong

ISANG milyong piso ang pabuya sa sino man makapagtuturo o makapa-patay sa anim na teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na pinaghahanap sa Bohol. Sinabi ng Pangulo sa Tagbilaran City, ang utos niya sa pulis at sa lahat ng residente ng lalawigan na intersado na labanan at patayin ang mga tero-ristang nagtatago sa kanilang lugar. “My orders to the police and …

Read More »

Barrio doctor volunteer pinaslang sa klinika (Pangalawang biktima sa loob ng 2 buwan)

ISA na namang volunteer ng “doctor to the barrio” ang pinaslang ng suspek na nagpanggap na pasyente sa loob ng kanyang klinika sa Cotabato City, kahapon. Mariing kinondena ni Health Secretary Paulyn Ubial ang pagpatay kay Dr. Shahid Jaja Sinolinding , ang ikalawang doktor na nasa ilalim ng “doctor to the barrio” na pinatay sa loob ng nakalipas na halos …

Read More »

BBL, GRP-NDFP peace pact muna bago Cha-cha

UUSAD ang Charter change kapag naisabatas na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at napirmahan ang peace agreement ng gobyerno at National Democratic Front (NDF). Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon, hindi siya magtatalaga ng 25 katao na bubuo sa Consultative Committee na mag-aaral sa pag-amyenda sa Konstitusyon hanggang walang BBL at GRP-NDFP peace agreement. “I will not name them until I …

Read More »

Esperon big brother sa Duterte admin

MAGSISILBING “Big Brother” sa administrasyon si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., batay sa nilagdaang Executive Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa EO 16, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kagawaran, ahensiya ng gobyerno, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) at lokal na pamahalaan, na sundin ang National Security Policy 2017-2022 sa pagbalangkas at implementasyon …

Read More »

Rice importation ni Aquino tablado kay Digong (Filipino farmers dapat mauna)

TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pag-angkat ng isang milyong metriko toneladang bigas ni National Food Authority (NFA) Chairman Jason Aquino, sa pamama-gitan ng government-to-government (G2G) transaction. Bago tumulak patu-ngong state visit sa tatlong Gulf states (Saudia Arabia, Bahrain at Qatar), sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Aquino na gamitin ang pondo ng NFA para bilhin ang palay ng …

Read More »

NFAC dialogue kay Duterte hinaharang ni Bong Go

MATAGAL nang humihirit ang NFAC na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco, ng dialogue kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit tila hinaharang sila ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go. Isa ito sa hinaing ni Chavez sa kanyang kalatas. Ngunit sina Agriculture Secretary Emmanuel Pinol at Aquino ay nakadidirekta aniya sa Pangulo. “The NFAC members have also …

Read More »

G2G ng NFA pabor sa rice smugglers

PABOR sa rice smugglers ang government to government (G2G) rice importation na isinusulong ni National Food  Authority (NFA ) Administrator Jason Aquino, ayon kay dating  Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez. Sa kalatas ni Valdez, sinabi niya, ang government to government (G2G) ay hindi saklaw ng procurement law kaya puwedeng magamit sa smuggling at corruption. “It is only G2G that is …

Read More »

Man-made na lindol suspetsa ng Batangueños (Dahil sa PHINMA Geotherman project)

NANGANGAMBA ang mga Batangueño, makararanas pa ng mas maraming pagyanig makaraan ang dalawang malalakas na lindol, na pinaghihinalaan nilang dulot ng itinatayong Geothermal project sa Mabini, Batangas. Ayon sa mga residente ng Mabini,  may 100 taon nang hindi nakararanas ng lindol ang kanilang lugar kaya lubha silang nagulat na sa loob ng limang araw ay dalawang beses niyanig nang malalakas …

Read More »