HINDI lang mga terorista, target na rin ng martial law sa Mindanao ang narco-politicians na nagpopondo ng kanilang mga pag-atake sa rehiyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu kamakalawa, maglalabas siya ng isa pang general order na magsasali sa illegal drugs sa susugpuin ng batas militar na kanyang idineklara sa Mindanao noong 23 Mayo. Matatandaan, …
Read More »Hapilon ‘nakorner’ sa US$5-M patong sa ulo
MARAMING grupo ang nag-uunahan na makakobra ng $5-M reward kaya hindi makalabas ng Marawi City si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon, ang isa sa mga itinutu-ring na Most Wanted Terrorist ng Amerika. “The Rewards For Justice Program, United States Department of State, is offering a reward of up to $5 million for information leading directly to the apprehension …
Read More »New Palace Maranao spokesperson itatalaga ng Pangulo
MAGTATALAGA ang Palasyo ng bagong Maranao spokesperson upang sagutin ang mga isyu kaugnay sa mga opensiba ng pamahalaan laban sa Maute terror group sa Marawi City. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, ang hakbang ay kaugnay sa inilunsad na “Mindanao Hour” Communications Center sa Davao City, na magsisilbing pa-ngunahing source ng tumpak at maasahang impormasyon hinggil sa Mindanao na isinailalim …
Read More »Prenteng NGOs ng ISIS buking na
PRENTE ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang ilang non-go-vernment organizations (NGOs) na nakapasok sa bansa na nagpapanggap na nagbibigay ayuda at nagsasagawa ng mga proyekto. Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman B/Gen Restituto Padilla sa press briefing sa Davao City kamakalawa, kaugnay sa presensiya ng fo-reign terrorists sa Marawi City. Aniya, …
Read More »Nuclear energy ituturo sa PH ng ROSATOM (10 PH-Russia agreements nilagdaan)
MOSCOW, Russia – Sampung kasunduan ang pinagtibay ng Filipinas at Russia kaugnay ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte rito. Bago bumalik sa Fili-pinas, nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin. “We thank His Excellency President Putin for most graciously adjusting his schedule. He flew back to Moscow and met with President Duterte. The …
Read More »Martial law gagamiting proteksiyon ni Duterte para sa bayan
HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa martial law ang buong bansa kapag hindi naglubay sa pag-atake ang teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). “If I think that the ISIS has already taken foothold also in Luzon, and terrorism is not really far behind, I might declare martial law throughout the country to protect the people,” …
Read More »Pagsugpo sa ISIS ‘di madali — Digong
MOSCOW, Russia – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi madali ang paglaban sa teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at kailangan ang matinding pagkombinsi sa mga mamamayan upang hindi malason ang isipan at lumahok sa terorismo. Sa panayam ni Marina Finoshina ng Russian TV, sinabi ng Pangulo, hindi nabigo ang pamahalaan sa kampanya kontra-terorismo nang magkaroon ng …
Read More »Surgical ops, gagamitin vs Maute sa Marawi City
MOSCOW, Russia – HINDI mangingimi ang militar na maglunsad ng “surgical operations” laban sa teroristang Maute Group na kumubkob sa Marawi City kahapon. Ito ang sinabi kahapon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod nang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City. “When opportunity presents itself,” ani Esperon. Ang ”surgical operation” ay nangangahulugan na tukoy ang targets at babagsakan …
Read More »Pakikiramay sa UK ipinarating ni Duterte
MOSCOW, Russia – Nagpahatid ng taos-pusong pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay sa pagsabog sa Ariana Grande concert sa Manchester, United Kingdom, kamakalawa. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinangaan ni Pangulong Duterte ang maayos na pagtugon ng mga awtoridad sa madugong insidente. “Philippine President Rodrigo R. Duterte sends his deepest sympathies and concern to …
Read More »Duterte itutumba ng CIA (Dahil sa independent foreign policy)
MOSCOW, Russia – INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na may plano ang Central Inteligence Agency (CIA) ng Amerika na ipatumba siya dahil sa pagpapatupad ng independent foreign policy na mas nakakiling sa China at Russia kaysa Uncle Sam. “They do it. Does it surprise you? They can even take the president out of his country for him to face trial …
Read More »Duterte nag-sorry sa Quiapo blasts
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa prehuwisyong dulot nang tatlong pagsabog sa Quaipo, Maynila kamakailan. Sa pilot episode ng kanyang programa sa PTV4 “Mula sa Masa, Para sa Masa” noong Biyernes, tiniyak ni Pangulong Duterte na ang pagsabog ng pipe bombs sa Quiapo ay walang kinalaman sa te-roristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). …
Read More »Callamard sinungaling (Hihilahin sa kulungan) — Digong
IPADARAKIP ni Pangulong Rodrigo Duterte si UN Special Rapporteur Agnes Callamard pagbalik sa bansa sa kasong perjury o pagsisinungaling. Anang Pangulo, titiya-kin niyang babagsak sa kulungan si Callamard dahil sa paglalako ng maling impormasyon sa Filipinas na walang masamang epekto sa isipan ang paggamit ng shabu. Kung nais aniya ni Callamard na tumestigo laban sa kanya sa kahit anong kaso, …
Read More »Gen. Danny Lim bagong MMDA chair
ITATALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired military general Danilo Lim bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Kinompirma ni Exe-cutive Secretary Salvador Medialdea kahapon, lalagdaan bukas ni Pangulong Duterte ang appointment papers ni Lim bago magtungo sa official visit sa Russia. Mananatiling general manager ng MMDA si Thomas Orbos na nagsilbing acting chairman nang ilang buwan. Natalo …
Read More »Red carpet kay Duterte sa Russia
NAGHIHINTAY ang red carpet sa Russia para sa tatlong araw na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 23-26 Mayo 2017. Sa pre-departure briefing ni Foreign Affairs Secretary Maria Cleofe Natividad kahapon sa Palasyo, sinabi niyang tiyak sisigla ang relasyong Filipinas at Russia sa pagbisita ng Pangulo makaraan ang 41 taon, nga-yong malapit sa isa’t isa sina Pangulong Duterte at …
Read More »Localized peace talks mas kursunada ni Duterte (Usapan habang may bakbakan sayang)
NANGHIHINAYANG si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pagsusumikap ng pamahalaan at liderato ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP- NDFP) sa pagdaraos ng peace talks, gayong tuloy ang bakbakan sa tinaguriang larangang gerilya ng New People’s Army. Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony sa Biyaya ng Pagbabago Housing Project sa Brgy. Los Amigos, Tugbok District, …
Read More »Multiple syndicated estafa vs ABS-CBN (PRRD desidido na)
ILULUNSAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang legal na opensiba laban sa ABS-CBN, sa paghahain ng kasong multiple-syndicated estafa laban sa pamilya Lopez, nang hindi ilabas ang kanyang political advertisement kahit tinanggap ang bayad niya. Paliwanag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police housing design and modalities sa Madayaw Residences, Kadayawan …
Read More »Ayuda ng EU tablado kay Duterte (Utak-pulubi ibinasura)
TAAS-NOO at hindi utak-pulubing mentalidad ang dapat pairalin sa Filipinas bilang malayang bansa. Ito ang inihayag ng Palasyo kahapon, makaraan magpasya na tablahin ang ayudang ipinagkakaloob ng European Union (EU) dahil sa pakikialam sa usaping-panloob ng bansa. “The Philippines no longer accepts aid from EU to enable them not to interfere with our internal affairs. We’re supposed to be an …
Read More »‘Yosi Kadiri’ ban sa buong bansa — EO26 (Pirmado na ni Digong)
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 26, magpapatupad ng nationwide smoking ban. Kinompirma ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial, pinirmahan ng Pangulo ng EO 26, dalawang linggo bago ang World No Tabacco Day sa 31 Mayo. Ibinase aniya ang EO 26 sa Smoking Ban Ordinance sa Davao City. Ngayon aniya ilalabas ng DoH ang opisyal na pahayag kaugnay …
Read More »Napoles ‘di suportado ng Palasyo — Panelo
HINDI naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na inosente si Janet Lim-Napoles sa mga kasong kinakaharap kaugnay sa pork barrel scam. “The President has not made an opinion on that [matter],” ani Chief Pre-sidential Legal Counsel Salvador Panelo. Sa isang panayam, inihayag ni Atty. Stepehen David, abogado ni Napoles, na kombinsido ang Pangulo na inosente si Napoles. Ani Panelo, hindi nakikialam …
Read More »Duterte sa PTV 4 (Mula sa Masa Para sa Masa)
MAHIGIT isang taon mula nang maluklok sa Palasyo, ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang programa sa telebisyon upang direktang maiparating sa publiko ang mga polisiya at programa ng kanyang administrasyon. Kinompirma ni Communications Secretary Martin Andanar, ipalalabas sa susunod na linggo sa government-controlled PTV-4 ang bagong TV show ni Pangulong Duterte na “Mula sa Masa Para sa Masa” kasama …
Read More »Cayetano welcome addition sa gabinete — Palasyo
NANINIWALA ang Palasyo na sisigla ang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa sa pagkompirma ng Commission on Appointments (CA) sa appointment ni Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Secretary Cayetano’s experience and legal acumen shall enrich the leadership of the Department of Foreign Affairs (DFA) and promote and enhance our international relations with the …
Read More »Rice imports sa G2P aprub sa NFA council
INAPROBAHAN ng National Food Authority (NFA) ang importasyon ng NFA sa pamamagitan ng “government to private scheme” upang mapalaki ang buffer stock ng ahensiya para sa nalalapit na lean months ng Hulyo at Setyembre. Gayonman, ang Council ay naghihintay pa sa rekomendasyon ng National Food Security Committee’s (NFSC) kung gaano kalaki ang volume ng rice importation na isasagawa mula sa …
Read More »China bagong supplier ng armas sa PH
NILAGDAAN ang “letter of intent” ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon, bilang pagpapakita ng interes ng Filipinas na mamili ng defense assets sa Poly Technologies, isa sa state-owned defense manufacturing and exporting firms ng China. Aalamin ni Lorezana ang mga pangangaila-ngan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngunit ipinahiwatig niya na maaaring ito’y “airplanes, drones, fast boats.” Gagamitin aniya …
Read More »Relasyong Ph-China pinuri ni Putin (3-4 taon paglilinis hiniling ni Duterte)
HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na bigyan siya ng tatlo hanggang apat taon upang malutas ang mga problema sa graft, korupsiyon, at illegal drugs sa bansa. Sa kanyang talumpati sa libo-libong OFWs sa Hong Kong kamakalawa, tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat upang maengganyo ang Filipino professionals na …
Read More »ASEAN Youth iligtas sa illegal drugs — Duterte
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN leaders na mamuhunan sa kabataan upang mai-layo sila sa banta ng illegal drugs. Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng World Economic Forum (WEF) on ASEAN sa Phnom Penh, Cambodia kahapon, pinuri ng Pangulo ang potensiyalidad ng mga kabataan sa rehiyon kaya dapat silang suportahan upang mapatampok ang kanilang kakayahan, karunungan at iiwas …
Read More »