IKINATUWA ng dating leftist solon at Presidential Commission for the Urban Poor chairman Terry Ridon, ang pag-upo ni Roque bilang presidential mouthpiece, at si-nabing magkakaroon ng malinaw na direksiyon ang komunikasyon ng presidential policy at programa ng administrasyon. Malaki aniya ang maiaambag ni Roque sa pagpapayo sa Pangulo sa isyu ng human rights at maaari rin maging mukha ng administrasyon …
Read More »Oportunidad sa pagsusulong ng human rights — Roque (Sa bagong posisyon sa Duterte admin)
NANINIWALA si incoming Presidential Spokesman Harry Roque, ang kanyang bagong papel sa administrasyong Duterte ay magiging oportunidad upang tiyakin na sumusunod ang estado sa responsibilidad na itaguyod ang karapatang pantao. Sinabi ni Roque, sa kabila nang pagpigil sa kanya ng mga kasama-han sa human rights movement na huwag tanggapin ang alok na maging presidential spokesman, mas nanaig ang kanyang desisyon …
Read More »‘Red warning’ ng PTFoMS ‘di nakarating kay Navarro (Sa pagpaslang kay Lozada)
BUHAY pa kaya ang radio anchor na si Christopher Lozada kung maagang nakarating kay Bislig Mayor Librado Navarro ang red warning letter ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)? Ito ang katanungan sa hanay ng mga mamamahayag na nakapansing anim na araw nakatengga sa tanggapan ng PTFoMS ang “strongly worded letter” ng task force kay Navarro bilang babala na …
Read More »Lisensiyadong boga 15 araw bawal dalhin (Kahit may permit to carry)
KALAHATING buwan hindi puwedeng dalhin ang mga lisensiyadong armas sa labas ng tahanan sa Metro Manila at Region 3, bilang paghihigpit sa seguridad sa pagdaraos ng 31st ASEAN Summit sa susunod na buwan sa bansa. “The Chief PNP has already approved the suspension of permit to carry firearms at least from November 1 to 15. That’s part of our target …
Read More »Martial law kailangan ng administrasyon (Para sa 5 layunin)
NANINIWALA ang top spook ng bansa na dapat mapalawig ang martial law sa Mindanao para makamit ang limang pangunahing layunin ng administrasyong Duterte. Ngunit sa kasalukuyan, ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang umiiral na batas militar sa Mindanao hanggang 31 Disyembre 2017 ay sapat na bilang tuntungan sa pagpapatupad ng mga adhikain ng administrasyon. “Yes. But for …
Read More »VP Leni sinopla Preserbasyon ng ‘Marawi ruins’ monumento ng katapangan
AYAW ng mga residente ng Marawi City na panatilihin ang wasak na anyo ng lungsod taliwas sa hirit ni Vice President Leni Robredo na i-preserve ang “ruins” ng siyudad matapos mapalaya mula sa ISIS-inspired Maute terrorist group. Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi dapat isantabi ang damdamin ng mga taga-Marawi na tutol na manatili ang wasak na anyo ng …
Read More »Duterte: Mabilog the next
BINANTAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na siya na ang susunod sa mga alkaldeng sangkot sa illegal drugs na ‘haharapin’ ng mga awtoridad. “The mayor of Iloilo City, I identified him. This was broadcast. I said, ‘You are next. You’re next,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Lawyers Association (ALA) Council Meeting sa Palasyo …
Read More »‘Unli queen’ ng PCOO (The Who? Scandal)
ISANG kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang isinusuka ng mga empleyado ng Palasyo dahil mistulang anay na sumisira sa kanilang institusyon mapagtakpan lang ang sariling mga anomalya. Kung tawagin siya ng kanyang mga kasamahan ay “Unli Queen” dahil napakalaki ng kanyang ‘unliquidated funds’ na umano’y umaabot sa kalahating milyong piso, ayon sa source sa Palasyo. Lumobo nang husto …
Read More »Kilusan kontra kaaway ng Pinoy inilunsad ni Sara
NANAWAGAN si presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa sambayanang Filipino, magtulungan upang makatakas sa kahirapan para hindi na mapagsamantalahan ng narco-politicians. Davao Mayor Inday Sarah Duterte graces the launching of Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines , being held in BGC Taguig City on Monday (October 23,2017) (PNA photo by Avito C. Dalan) Sa kanyang …
Read More »Simbahan, gov’t magkatuwang sa rehab ng drug addicts
UMAASA ang Malacañang, susunod ang ilang religious groups sa inisyatiba ng Simbahang Katolika na makipagtulungan sa pagpapatupad ng community-based drug rehabilitation program. President Rodrigo Roa Duterte pays his last respects to the late former Archbishop of Cebu Ricardo Vidal during the President’s visit to the wake at the Cebu Metropolitan Cathedral on October 23, 2017. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO Pinuri ng …
Read More »Tagumpay ng PH gov’t sa Marawi dagok sa global terrorism
President Rodrigo Roa Duterte expresses his high praises to the troops of the 1st Infantry Battalion (1IB) who were preparing to leave at the Laguindingan Airport in Cagayan de Oro City on October 20, 2017. The 1IB were among the first units deployed in Marawi City when the battle against the terrorists broke out almost five months ago. ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL …
Read More »Bautista pinalayas ni Digong sa Comelec
PINAG-EMPAKE ora mismo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si outgoing Comelec Chairman Andres Bautista kahapon makaraan tanggapin ang kanyang pagbibitiw bilang poll body chief. Sa liham na ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Bautista dakong 2:00 pm kahapon, nakasaad na ang pagbibitiw sa puwesto ni Bautista ay “effective immediately.” Matatandaan, nakasaad sa resignation letter ni Bautista na ipina-dala sa …
Read More »Media ‘patola’ kay Trillanes (Kaya putak nang putak)
NAMIHASA si Sen. Antonio Trillanes IV sa pagbatikos sa administrasyong Duterte kahit walang pruweba dahil pinapatulan ng media. Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kamakalawa. Aniya, ginagamit ni Trillanes ang media para laging maging matunog ang kanyang pangalan na animo’y paghahanda sa kandidatura bilang kongresista sa 2019 elections. “Iyang si Trillanes, pinapatulan kasi ng media e, …
Read More »“Home sweet home” sa bakwit ng Marawi (Target hanggang Disyembre)
MAGKAKAROON muli ng sariling tahanan ang mga lumikas na mga pamilya sa Marawi City bago matapos ang taon. “Na-clear na ‘yung… Almost 100% e, sa loob ng war zone. Mas madali na nating masusuyod ‘yung buong Marawi. Rest assured na by December, makaka-deliver na po ‘yung daan-daang temporary shelters para sa ating mga kababayan,” ani Communications Secretary Martin Andanar kahapon. …
Read More »Kalbaryo vs terorismo ‘di pa tapos — AFP
HINDI pa tapos ang kalbaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa terorismo makaraan mapatay ang tatlong matataas na leader ng ISIS-inspired Maute terrorist group at liberasyon ng Marawi City. Kinompirma ni AFP spokesperson Major Gen. Restituto Padilla, pinaghahanap ng tropa ng pamahalaan ang prominenteng Malaysian bomb-maker na si Amin Baco alyas Commander Baco, miyembro ng Darul Islam …
Read More »Pondo para sa terror orgs nakalusot sa gov’t (Padilla aminado)
AMINADO si Padilla, hindi natututukan nang husto ng pamahalaan ang pagpasok ng pondo para sa mga terrorist groups sa bansa. Kailangan aniyang magkaroon ng isang sistema upang masusugan ang pagpapalakas ng kampanya kontra-terorismo dahil may mga iba’t ibang paraang ginagawa upang makalusot sa awtoridad. “There’s so many numerous ways. The innocent donation for a certain project perhaps can be a …
Read More »Epal ng EU pinamukhaan ni Duterte
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinadya niya ang pagmumura sa European Union dahil hindi naman itinanggi na wala silang kinalaman sa pagbatikos sa kanya ng ilang EU parliamentarians sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs). Sa kanyang talumpati sa High Level Forum on ASEAN @50, sinabi ng Pangulo, hindi tama na diktahan ng EU ang gobyerno ng Filipinas dahil hindi sila …
Read More »Suweldo ng sundalo’t pulis sa 2018 doblado
DOBLADO ng kanilang kasalukuyang sahod ang matatanggap ng lahat ng sundalo’t pulis at mga unipormadong puwersa ng pamahalaan simula sa Enero 2018. Ito ang sinabi kagabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagbisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Nauna rito, sa isang press conference kahapon ng umaga, kinompirma ni Budget …
Read More »3 grupong militante prente ng CPP — Duterte
‘NAGSASAGAWA’ ng rebelyon ang tatlong militanteng grupo laban sa gobyerno dahil “legal fronts” sila ng Communist Party of the Philippines (CPP). “It’s one big conspiracy. All of them are right now committing rebellion,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa Pili, Camarines Sur kahapon. Tinukoy ng Pangulo ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), human rights group na …
Read More »100+ terorista nagkalat pa sa Mindanao
INAMIN ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla, mahigit 100 pang terorista ang pinaghahanap ng mga awtoridad na kasama sa Arrest Order na inilabas ni Lorenzana makaraan i-deklara ang martial law. “At doon sa mga arrest order na nailabas, dalawa po ito sa mahigit 300, naaresto po natin ang mahigit 100 at na-filan (file) ng kaso at ngayon ongoing ang …
Read More »‘Liberasyon’ ng Marawi idineklara ni Duterte
IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte, malaya na ang Marawi City sa impluwensiya ng mga terorista kaya’t uusad na ang rehabilitasyon. “Ladies and gentlemen, I hereby declare Marawi City liberated from the terrorist influence. That marks the beginning of rehabilitation,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi City. Tiniyak niya, hindi maiiwan sa ere …
Read More »Hapilon, Maute patay sa bakbakan (Digong nagalak)
LUBOS ang kagalakan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagkamatay ng dalawang lider-terorista sa kamay ng militar sa Marawi City, kahapon ng madaling-araw. Ito ang sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año sa tagumpay ng pamahalaan sa pagpatay sa dalawang lider-terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute. Aniya, 17 hostage ng mga terorista ang nailigtas ng militar, …
Read More »Grupong destab terror org — Sara Duterte
WALANG ipinagkaiba ang banta ng destabilisasyon sa terorismo. Ito ang tinuran ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte bilang tugon sa mga grupo at mga personalidad na bumabatikos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatayo ng revolutionary government sa harap ng mga banta ng destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon. “The threat of destabilization is as real as …
Read More »Walang pasok tugon ng Palasyo sa tigil-pasada
SUSPENSIYON ng mga klase sa lahat ng paaralan at walang trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa, ang tugon ng Palasyo sa malawakang transport strike ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ngayon, bilang pagtutol sa jeepney phaseout program. Batay sa Memorandum Circular 28 na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, …
Read More »Duterte hands-off sa drug war
HANDS-OFF na si Pangulong Rodrigo Duterte sa anti-illegal drugs campaign. Ito ay makaraan iutos ng pangulo na tanging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na lamang ang maaaring magsagawa ng operasyon kontra sa ilegal na droga. Ayon sa pangulo, hindi lang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pa …
Read More »