TINIYAK ng Palasyo, pagbabayarin ang mga dating opisyal ng administrasyong Aquino na sanhi ng pagdurusa ng mga pasahero ng MRT 3. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan managot ang mga nasa likod nang nararanasang inhustisya ni Juan dela Cruz na pumapasan sa P54-M kada buwan at P1.8 bilyon fixed fee na ibinayad ng mga opisyal ng gobyernong Aquino para …
Read More »CPP-NPA terrorist group — Duterte (Crackdown vs leftist group)
IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang terrorist organization at kasong paglabag sa Anti-Terror Law o Human Security Act at mga kasong kriminal ang isasampa laban sa mga pinuno at kasapi nito. “I’ll be issuing a proclamation. I’ll remove them from the category of a legal entity or at …
Read More »Digong nag-sorry sa MRT commuters
HUMINGI ng paumnahin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasahero dahil sa prehuwisyong pagsakay sa MRT-3. May indikasyon aniya nang sabotahe kaya kumalas ang isang bagon mula sa karugtong na bagon kaya’t iniimbestigahan ang insidente. “It would indicate sabotage or something did it intentionally. So maybe the connecting mechanisms there or equipment seems to be — they could not locate …
Read More »Food security kaysa popularity (Kung pipili ng senatorial bets) — Duterte
DUMISTANSYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang pag-endoso kay Communications Assistant Secretary for Social Media Mocha Uson sa 2019 senatorial race ngunit tahasang tinukoy sina Agriculture Secretary Manny Piñol at Undersecretary Berna Romulo Puyat bilang mga kursunada niyang maupo sa Senado. Sa press conference sa Davao City, inihayag ng Pangulo ang nais niyang maluklok sa Senado na kaalyado ay …
Read More »Roque purdoy ‘di ubra sa 2019 senatorial race
BUTAS ang bulsa ni Presidential Spokesman Harry Roque kaya hindi ubrang tumakbo sa senatorial race sa 2019 midterm elections. “Don’t have P500-M needed to run,” text message ni Roque hinggil sa pahayag ni PDP-Laban secretary-general Pantaleon Alvarez, na kasama siya sa senatorial line-up ng partido sa 2019 polls. Sinabi ni Alvarez, bukod kay Roque, isa rin si Communications Assistant Secretary …
Read More »Padrino ng drug queen & princess lagot kay Digong (Gov’t official ‘lumalakad’)
LAGOT kay Pangulong Rodrigo Duterte ang maimpluwensiyang opisyal ng gobyerno na nagtangkang umarbor sa mag-inang drug queen at princess na dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon, paiimbestigahan ni Pangulong Duterte ang padrino nina Yu Yuk Lai at Diana Yu Uy, ang mag-inang drug queen at princess, para …
Read More »Duopoly ng Telcos sa PH giba kay Digong
BILANG na ang maliligayang araw ng “duopoly” ng Globe at Smart sa industriya ng telekomunikasyon sa Filipinas. Nilagdaan kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at Facebook ang Landing Party Agreement (LPA) na magtatayo ng “ultra high speed information highway” sa layuning magkaroon nang mabilis, abot-kaya at maasahang broadband internet sa buong …
Read More »‘Karisma’ ni Trudeau supalpal kay Duterte (Sa pag-ungkat ng EJKs)
HINDI umubra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang karisma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau nang tangkaing talakayin ang isyu ng extrajudicial killings sa bansa bunsod ng drug war ng kanyang administrasyon. Deretsahang sinabi ni Pangulong Duterte kay Trudeau na hindi siya magpapaliwanag sa Canadian Prime Minister hinggil sa EJKs dahil wala siyang pakialam bilang isang dayuhan. Aminado ang Pangulo na …
Read More »Drug-free ASEAN, hirit ni Duterte
WELCOME kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kooperasyon alinsunod sa prinsipyo nang ganap na paggalang sa soberanya at hindi pakikialam sa panloob na usapin ng estado. Ito ang inihayag niya sa ASEAN – European Union (EU) Summit kahapon. Ibinahagi ng Pangulo ang kanyang mga kaisipan, lalo ang malapit sa kanyang puso, ang makipagtulungan upang maging drug-free ang ASEAN. “We wish to …
Read More »Canada tumutok din sa HR at EJKs
NABABAHALA ang Canada sa isyu ng human rights at extrajudicial killing sa Filipinas, ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau. Sa press briefing makaraan ang bilateral meeting nina Trudeau at Duterte, sinabi ng Canadian Prime Minister, binanggit niya sa Pangulo ang kahalagahan ng paggalang sa pag-iral ng batas sa pagpapatupad ng drug war at kahandaan ng kanyang bansa na tumulong …
Read More »HR tinalakay nina Duterte at Trump — White House
NAGKASUNDO sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump na mahalaga ang karapatang pantao at dignidad ng buhay ng nilalang sa pagsusulong ng mga pambansang programa para isulong ang kapakanan ng lahat ng sektor, lalo ang mga napapariwara. “The two sides underscored that human rights and the dignity of human life are essential, and agreed to continue mainstreaming the …
Read More »PH inilako ni Duterte sa ASEAN partners
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katambal na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na maglagak ng puhunan sa Filipinas, makipagtulungan sa paglaban sa terorismo, patatagin ang kooperasyon sa komunikasyon, edukasyon, transportasyon, at enerhiya. Sa bilateral meeting kamakalawa kay Indian Prime Minister Narendra Modi kamakalawa ng gabi, inanyayahan ni Pangulong Duterte ang mga negosyanteng Indian na magtayo …
Read More »Trump umalma sa mataas na taripa ng PH sa US cars
UMALMA si US President Donald Trump sa mataas na taripang ipinapataw ng Filipinas sa mga sasakyang mula sa Amerika habang ang mula sa Japan ay hindi naman sinisingil. “President Trump singled out the issue on tariffs being imposed on US automobiles while these tariffs are not being imposed on Japanese cars,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa bilateral …
Read More »Duterte pinuri ng Australia (Sa pagbuo ng Code of Conduct sa SCS )
PINURI ng Australia ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbuo ng “binding code of conduct” sa isyu ng agawan sa teritoryo sa South China Sea (SCS). Sa bilateral meeting kamakalawa ng gabi nina Pangulong Duterte at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, binati ng Aussie PM ang tagumpay ng administrasyon sa paggapi sa ISIS-inspired Maute terrorist group sa Marawi City. …
Read More »Violent dispersal sa anti-ASEAN rally kinondena
KINONDENA ng Asean Civil Society Conference/ASEAN People’s Forum ang marahas na paglansag ng pulisya sa demonstrasyon kontra sa idinaraos na ASEAN Summit sa bansa kahapon. “We condemn the violent dispersal of a peaceful demonstration by people’s organizations and social movements against the ASEAN Summit and East Asia Summit as represented by Heads of States and governments that have imposed on …
Read More »EJKs sa PH non-issue kay Trump
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magiging bahagi ng kanilang agenda ni US President Donald Trump ang isyu ng extrajudicial killings dulot ng drug war ng kanyang administrasyon. “I’m sure he will not take it up,” anang Pangulo sa press briefing nang dumating siya kahapon mula sa APEC Summit sa Da Nang, Vietnam. Naniniwala ang Pangulo na ang ilang …
Read More »Target ni Duterte: ASEAN sasabay sa globalisasyon
NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na patatagin at pagbuklurin ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang isang ekonomiya na ma-kikipagsabayan sa globa-lisasyon gaya ng European Union. “I will bring this matter forcefully in the ASEAN Summit. We have to have integration, cohesiveness, and we must act as one. Europe can do it with its union and America is starting …
Read More »Palawan alas ng PH sa South China Sea
KOMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ganap na makapupuntos ang China laban sa Filipinas sa isyu ng militarisasyon sa West Philippine Sea (WPS). Ang estratehikong lokasyon ng isla ng Palawan ang alas ng Filipinas kontra sa lumalakas na presensiyang militar ng Beijing sa WPS. “Ours is strategic in the sense that facing all the armaments there and the bodies, …
Read More »‘Bigas’ prente ng anak ni Yu Yuk Lai
BIGAS ang gamit na prente ng prinsesa ng drug queen at may VIP police security ang anak ng drug-dealing convict na tinagurian ng mga awtoridad bilang “drug queen,” bago arestohin, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Martes. Inaresto ng mga ahente ng PDEA ang suspek na si Diane Yu Uy makaraan matagpuan ang P10 milyon halaga ng shabu sa …
Read More »Brgy. ‘bostsips’ (Sa pinto ng Palasyo) tropa ng prinsesa ng drug queen
‘MAGANDANG relasyon’ sa mga opisyal ng barangay ang pinaniniwalaang nasa likod nang matagal na pananatili ng nadakip na anak ng drug queen sa tungki ng Malacañang. Ito ang isa sa mga anggulong sinisipat ng mga awtoridad sa kaso ni Diane Yu, anak ng convicted druglord na si Taiwanese Yu Yuk Lai na nakapiit sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City. Ayon …
Read More »P6-Bilyon ibinayad ng PAL
IKINAGALAK ng Palasyo ang pagbabayad nang buo ng Philippine Airlines (PAL) ng kanilang pagkakautang na P6-B sa gobyerno kahapon. “We are pleased to announce that PAL’s financial obligations to the government amounting to P6 billion, which were incurred since 1970s up to July 2017, have finally been settled,” sabi sa kalatas ni incoming Presidential Spokesman Harry Roque. https://www.facebook.com/notes/ptv/presidential-spokesperson-on-pals-settlement-of-outstanding-balance-with-the-gov/1867011346692860/ Ayon kay …
Read More »Tipo ni Roque guwaping na millenial
GUWAPO, magaling magsalita at kahuhumalingan ng kababaihan ang kursunadang deputy na italaga ni incoming Presidential Spokesperson Harry Roque. “I want a millennial. I want someone better looking than me, so that the women will fall in love with him; and I want someone who speaks better than me. I promised the women, you will like the person I have in …
Read More »SSS actuary & investment officials lagot — Roque
WALA pang isang taon sa puwesto ay nasangkot na sa isyu ng insider tra-ding sa stock market ang ilang opisyal ng Social Security System (SSS). Tiniyak ni incoming Presidential Spokesperson Harry Roque, base sa pahayag ni SSS chairman Amado Valdez, hindi palalampasin ang ano mang kalokohan sa pananalapi ng government-run pension fund. “Chairman Valdez has ordered an investigation. There will …
Read More »Localized peace talks isinulong ni Sara
PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa lokal na antas sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ang pagsang-ayon ng Punong Ehekutibo sa nasabing hakbang ay inihayag makaraan magbuo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara, ng Davao City Peace Committee na magpupursige ng peace talks sa …
Read More »Badoy bagong tulay ni Digong
TINIYAK ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) undersecretary for new media Lorraine Badoy, magsisilbi siyang tulay ng media at ng mga mamamayan kay Pangulong Rodrigo Duterte. “I give you my pro-mise that my office will be open and I will be listening and I am your bridge to the President and to our people,” ani Badoy sa panayam sa Palasyo …
Read More »