SA kauna-unahang pagkakataon ay bomoto kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Punong Ehekutibo ng bansa sa midterm elections na sinasabing magsisilbing referendum para sa kanyang administrasyon. Dakong 4:30 pm, dumating ang Pangulo kasama ang longtime partner na si Honeylet Avanceña sa Precinct 1245A Cluster 361 sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa 1 Aplaya Road, Matina Crossing, Davao City. …
Read More »Digong masayang makasama sa ‘hell’ si Joma Sison (Sa nabinbin na peace talks)
MALIIT na ang tsansa na umusad muli ang peace talks sa kilusang komunista, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangan magpakita ng sinseridad ang kilusang komunista na maisulong ang kapayapaan bago magbalik sa hapag ng negosasyon ang gobyernong Duterte. “Sinasabi niya (Duterte) laging mayroon siyang small window for peace talks provided na ‘yung nasa kabilang mesa …
Read More »John Lloyd ‘lumutang’ sa Palasyo
LUMUTANG ang aktor na si John Lloyd Cruz sa isang pagtitipon sa Malacañang para sa mga artista kamakalawa ng gabi. Si Cruz ay dumalo sa thanksgiving dinner na inihanda ng longtime partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña para sa mga taga-showbiz na tumulong sa presidential campaign noong 2016. Kabilang sa mga bisita sa pagtitipon ay sina Alex at …
Read More »Duterte nakiramay sa pamilya Nograles
NAGPAHAYAG ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ni dating House Speaker Prospero Nograles na pumanaw noong Biyernes sa edad na 71. Ayon kay Pangulong Duterte, ikinalungkot niya ang pagyao ni Nograles at nakikidalamhati siya sa buong pamilya. “His legacy as a leader who used his voice to speak on behalf of the Filipino people will continue to inspire …
Read More »Panelo ‘sintonado’ sa ouster plot matrix
NAG-IBA ng tono ang Palasyo sa naunang ipinangalandakan na “oust Duterte plot matrix.” Todo-tanggi na si Presidential Spokesman Salvador Panelo na galing kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ouster plot matrix. Sa press briefing sa Malacañang, inilinaw ni Panelo na natanggap lamang niya ito galing sa hindi kilalang source. Aniya, ipinalagay niya na ang natanggap na matrix at ang tinutukoy sa inilathalang balita …
Read More »Sa Araw ng Paggawa: Security of tenure, karapatang mag-unyon iniutos ipasa ng Kongreso
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa ang mga panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga karapatan ng mga manggagawa lalo na ang “security of tenure and self-organization.” “I remain optimistic that one year since I issued Executive Order No. 51, implementing existing constitutional and statutory provisions against illegal contracting, my counterparts in Congress will consider passing much …
Read More »Sa Araw ng Paggawa… Obrero tablado sa pangulo
WALANG maasahang Labor Day package ang mga obrero mula sa administrasyong Duterte sa pagdiriwang ngayon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa kamay ng regional wage boards ang usapin ng umento sa suweldo. Ayon kay Panelo, batid ng regional wage boards kung ano ang makabubuti sa panig ng …
Read More »Kalagayan ng kalusugan isinapubliko ni Duterte
ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumasalang siya sa blood test kada ikalawang araw. Sa talumpati ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa 7th Union Asia Pacific Regional Conference sa PICC, inamin niyang dahil sa kanyang sakit na buerger’s disease na nakuha dahil sa paninigarilyo noon. Ayon sa pangulo, dahil sa buerger’s disease, palagi na niyang kasama sa mga lakad ang …
Read More »Rebelde hayaang mabaon sa lindol — Duterte
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na hayaang mabaon nang buhay ang mga rebeldeng komunista kasunod ng 6.5 magnitude lindol na yumanig sa Eastern Samar kamakalawa. Sa situation briefing sa San Fernando, Pampanga kamakalawa, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat na aabot sa sampu hanggang dalawampung miyembro ng NPA ang nabaon sa lupa. Hindi aniya pag-aaksayahan ng …
Read More »16 death toll sa lindol sa Luzon
UMAKYAT na sa 16 ang bilang ng mga kompirmadong binawian ng buhay matapos ang magnitude 6.1 lindol na yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Luzon kamakalawa nang hapon. Pinakamalaking pinsala ang dinanas ng lalawigan ng Pampanga na naitala ang karamihan ng nasawi. Lima sa 16 namatay ay mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa bayan ng Porac; pito mula sa iba …
Read More »Mahinang pundasyon ng Chuzon supermarket sinisi ng pangulo
HINDI sapat ang pundasyon ng Chuzon Supermarket dahil dalawang palapag lamang dapat ito ngunit ginawang apat na palapag. Ito ang sanhi nang pagguho ng naturang establisimyento, batay sa inisyal na ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Interior Secretary Eduardo Año sa ginanap na briefing sa kapitolyo ng Pampanga kahapon. Inatasan ni Pangulong Duterte ang pulisya at DPWH na imbestigahan ang …
Read More »Asunto vs destabilizers malabo pa
HINDI pa idedemanda ng Malacañang ang mga personalidad na nabisto nilang nagsabwatan para pabagsakin ang administrasyong Duterte. “Wala, hahayaan lang namin sila… sa ngayon ha, sa ngayon. Kasi if the plot thickens and they perform acts which are already violation of the penal laws, that’s a different story,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kahapon. …
Read More »Kapayapaan sa Pasko ng Pagkabuhay — Duterte
MAGING instrumento ng kapayapaan at piliin ang mabuti at makapagpapaunlad sa pananampalatayang Kristiyano at ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa kanyang Easter Sunday message kahapon. Hinimok niya ang lahat na gawing inspirasyon ang sakripisyo ng Tagapagligtas sa krus at pagsagip sa kasalanan ng sanlibutan. “May this time of new beginnings …
Read More »Sunod na Speaker dapat ‘alyado’ ng Pangulo — solon
DAPAT kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehislatura ay maipasa. Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco importante ang pamumuno pero dapat naman, aniyang, walang ambisyong pampolitika ang susunod na speaker. “Leadership is important, but it’s equally important that the next speaker is free from political ambition to …
Read More »Pirma ni Digong sa nat’l budget binura sa iskedyul
MAUUDLOT ang nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes sa P3.7 trilyong national budget para sa 2019. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aaralan ng Pangulo ang mga detalye ng panukalang 2019 national budget kaya inalis sa opisyal niyang aktibidad ang ceremonial signing ng 2019 General Appropriations Act. “Naka-calendar tapos tinanggal sa calendar ‘e ‘di puwede rin ibalik ‘di …
Read More »2019 nat’l budget aprobado bago Semana Santa
INAASAHANG malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 pambansang budget sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo, bago ang Semana Santa. Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa harap nang patuloy na paggamit ngayon ng pamahalaan sa reenacted budget ng 2018. Sa isang panayam sa Malacañang, sinabi ni Nograles na isinasapinal na lamang ito. Kasabay …
Read More »Sibilyan o sundalo… Bayaning Filipino ‘di dapat limutin — Duterte
IPINAALALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng matatapang na Filipino at Amerikanong sundalo na nagtulungan upang ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya ng bansa habang nagbabantay sa masusukal na kagubatan ng Bataan. Sa kanyang mensahe sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, sinabi ng Pangulo na hindi dapat malimutan ang ating mga kababayang sibilyan na tumulong sa ating mga kawal upang …
Read More »Palasyo sa 5 US senators: ‘Wag n’yo kami pakialaman
MIND your own business. Ito ang buwelta ng Malacañang sa limang Amerikanong senador na nanawagan na palayain si Sen. Leila de Lima at ibasura ang kaso laban kay Rappler chief executive officer Maria Ressa pati na ang pagsusulong na imbestigahan ng international community ang extrajudicial killings sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may sapat na suliranin ang Amerika …
Read More »31 artista sa narco-list sasampahan ng kaso pero ‘di ibubunyag (Base sa ebidensiya)
KAKASUHAN ang mga artistang sangkot sa illegal drugs pero hindi ibubulgar ang mga pangalan nila sa narco-list gaya nang nakagawian ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangan isapubliko ang listahan dahil hindi naman public officials at malalagay lang sa kahihiyan ang mga artistang sabit sa illegal drugs. “Ito ba ‘yung mga artistang gusto ninyong ilabas. You …
Read More »Murder vs pulis-Maynila aprub sa Palasyo
WELCOME sa Palasyo ang desisyon ng Ombudsman na sibakin at sampahan ng kasong murder ang pulis-Maynila na pumatay sa isang 23-anyos epileptic sa anti-illegal drugs operation sa Tondo, Maynila noong 2017. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailanma’y hindi kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pang-aabuso ng mga awtoridad. “We welcome it as PRRD says his administration will not …
Read More »Tokhang-style execution… Negros 14 nanlaban — Palasyo
NANLABAN ang Negros 14 kaya napatay ng mga awtoridad sa mga lehitimong police operation sa Negros Oriental kamakalawa. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pagpaslang sa 14 katao sa Negros Oriental, walo sa kanila’y mga magsasaka, habang isinisilbi ng mga pulis ang search warrants. “It’s a legitimate police operation. Search warrants were issued by competent court, …
Read More »Acierto ginagamit ng dilawan vs Duterte
GINAGAMIT ng dilawan si dating police colonel Eduardo Acierto para batikusin ang administrasyon, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. “Ito ‘yung involvement ng ibigay ko sa’yo — ng pulis kasi ginagamit sa mga yellow ngayon. Pero nandiyan lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Cotabato. Anang Pangulo, kabilang si Acierto sa mga ninja cop o mga pulis na …
Read More »Dinismis ng piskalya… Suspek sa Silawan ‘murder’ hulihin — Digong
IPINAAARESTO muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspe sa pagpatay kay Christine Silawan na pinalaya ng piskalya. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Cotabato kamakalawa ng gabi na tinawagan niya ang fiscal sa Cebu City na nagpasya na pakawalan ang suspek sa pagpatay sa dalagitang binalatan ang mukha. Ayon sa Pangulo, binigyang diin niya sa fiscal na dapat …
Read More »31 artista sa narco-list ilantad at kasuhan
DAPAT ilantad at kasuhan ng mga awtoridad ang 31 artista na nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung may sapat na ebidensiyang magsasangkot sa kanila sa illegal drugs. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pagsasapubliko ng mga pangalan sa nasabing narco-list ay dapat munang ipagpaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte. Tiniyak ni Panelo na hindi makikialam ang Palasyo …
Read More »Kontrata ni Yang bilang economic adviser tapos na — Medialdea
HINDI na economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kontrobersiyal na Chinese businessman na si Michael Yang. Inihayag kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtapos ang kontrata ni Yang bilang economic adviser noong 31 Disyembre 2018. “Michael Yang’s One Peso per annum contract expired on December 31, 2018,” ani Medialdea sa text message sa mga reporter. Si Yang ay …
Read More »