Sunday , December 22 2024

Rommel Gonzales

Rayver at Rodjun, nagpatalbugan sa pagsasayaw

IKINATUWA ng netizens ang latest dance duet ng magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz na sinayaw nila ang Binibining Marikit sa TikTok. Bukod sa nakaaaliw nilang steps, nagpaalala rin sila sa followers nila na mag-ingat pa rin sa Covid-19. Nakasuot ang dalawa ng face masks at nag-remind na sumunod pa rin sa basic protocols kahit naka-general community quarantine na. Samantala, on-going pa rin hanggang June 28 ang online …

Read More »

Yasser, na-miss ang pagmo-motor

SA Press Play video ni Kapuso PR Girl sa YouTube, sinagot ng  Bilangin Ang Bituin Sa Langit stars na sina Kyline Alcantara at Yasser Marta kung ano ang mga bagay na excited silang gawin at gustong puntahan after ng quarantine. Paalala ng dalawa, dapat ay manatili pa ring maingat at bawasan ang paglabas para maiwasan ang Covid-19. “Siguro ngayon work lang, and then paminsan-minsan na lang ‘yung labas …

Read More »

Alden Richards, Thai skincare endorser na

MAY bagong endorsement ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Siya lang naman ang bagong mukha ng Thai dermo-cosmetic skincare brand na Oxecure. Noong June 4 ay naglabas na ng teaser ang skincare brand na mayroon silang bagong endorser. “Aside from discovering a new solution for his body acne, this multi-hyphenate is full of that boy-next-door charm, has starred in …

Read More »

Will Ashley, ‘di naging madali ang pagpasok sa showbiz

SA kanyang bagong vlog, ibinahagi ng young Kapuso actor na si Will Ashley ang mga pinagdaanang hirap makapasok lang ng showbiz. Kuwento ni Will, ang role niya bilang Young Isagani sa show na Villa Quintana ang unang proyekto sa GMA Network. Pagkatapos niyon ay naging parte naman siya ng Innamorata, Niño, My BFF, Little Nanay, at iba pang Kapuso shows. Ngayon ay napapanood na si Will sa top-rating serye na Prima Donnas. …

Read More »

Bianca, may miss na miss nang mayakap

SA pamamagitan ng e-mail ay nakapanayam namin si Bianca Umali. Isa sa naging topic namin ay kung ano ang limang bagay na ipinagpapasalamat niya ngayon sa kabila ng Covid-19 pandemic. “Love. Family. Work. Time. Self-love,” ang pag-e-enumerate ng magandang Kapuso actress. Sino ang una niyang yayakapin pagkatapos ng community quarantine at hindi na ipinaiiral ang social distancing? “My lolas :)” Ano ang una niyang …

Read More »

Roi Vinzon, ‘binugbog’ si Keempee de Leon

SA mga naka-miss at gusto muling makapanood kina Carla Abellana,  Tom Rodriguez, at Dennis Trillo, ito nap o ang inyong pagkakataon dahil muling mapapanood ang My Husband’s Lover tuwing Linggo, 11:15 p.m. sa GMA Network. Handa nang bitiwan at kalimutan ni Vincent ang mga alaalang naiwan ng makasalanan niyang nakaraan para na rin payapa siyang makapagsimulang muli kasama si Lally. Matapos masaksihan ang walang-awang pangungutya at pambubugbog ng …

Read More »

Chris Tiu, may mask na 50 times puwedeng gamitin

BUKOD sa masasayang science experiments sa award-winning infotainment show na iBILIB, busy Din si Chris Tiu sa kanyang duties bilang brand ambassador ng Department of Science and Technology (DOST). Masayang ibinahagi ni Chris sa isang promotional video ng DOST ang  binuong sustainable mask na importante bilang panangga sa Covid-19. Ayon kay Chris, ang REweark mask ay coated with liquid repellency finish na nagbibigay …

Read More »

Aicelle Santos, nag-aalala sa kapatid na nasa UK

SOBRA-SOBRA ang pag-aalala ni Aicele Santos sa kanyang kapatid na frontliner. Kuwento ni Aicelle, isang healthcare worker ang kapatid niya sa UK kaya naman hindi maiaalis sa kanilang pamilya na mag-alala. “Hindi maalis sa amin, sa buong pamilya namin na mag-alala. Kumusta ba ‘yung kalagayan niya? Halos araw-araw ipinapaalala namin na doble ingat. We’re very very proud kasi ‘pag sinabi mong frontliner, …

Read More »

Sa 12 anak ni Jay, walang gustong mag-artista

PANTASYA pa rin ng mga bading si Jay Manalo kahit tatay na.   Sa tunay na buhay ay may anak na lalaki si Jay at sa isang panayam namin sa aktor ay naitanong namin kung sa tunay na buhay at magkaroon siya ng anak na bading, ano ang magiging reaksiyon niya?   “Tanggap ko,” ang mabilis na sagot ni Jay.   “Tatanggapin ko. …

Read More »

Dingdong at Zia, nagkaroon ng jamming session

PINASAYA ni Dingdong Dantes ang kanyang followers nang mag-post ng videos nila ng panganay na si Zia habang kumakanta. Sa Instagram stories ng aktor, ipinakita niya ang duet nila ni Zia sa kantang Stand By Me. Tumutugtog ng gitara si Dingdong na sinabayan naman ni Zia ng  pagkanta. Talagang lumalaking very talented si Zia.   RATED R ni Rommel Gonzales

Read More »

Derek at Andrea, sobra-sobra ang saya nang magkita

MATAPOS ang ilang buwang hindi pagkikita ng personal dahil sa lockdown, muling nag-reunite ang Kapuso couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Ito ay matapos bisitahin ng aktor ang kanyang nobya sa bahay nito. Sa Instagram ni Andrea, makikita ang larawan nilang dalawa na magkayakap at masayang-masaya. Paglalarawan ni Andrea sa photo nila ni Derek, “My little piece of heaven.”   Hindi maikakaila ang matatamis na ngiti …

Read More »

Mark Herras, may 1 million TikTok followers na

ENJOY na enjoy ang fans sa bawat upload ng tinaguriang Bad Boy of the Dancefloor na si Mark Herras sa social media platform na TikTok! Hindi nawawala sa mga trending video ang mga covers niya ng iba’t ibang hit na sayaw. Sa ngayon, pumalo na ng mahigit sa one million ang kanyang followers. Pinasalamatan naman niya ang mga tagahanga sa isang post sa Instagram at ibinahagi ang …

Read More »

Netizens, na-excite sa pagbabalik-serye ng Magkaagaw

SA Magkaagaw teaser na inilabas ng GMA Network, muling binalikan ng cast members ang huling eksenang napanood sa TV bago ito pansamantalang nagpahinga sa ere dahil sa enhanced community quarantine. Sa video, naglaan ng boses ang apat na GMA stars para i-dub ang intense na eksena na nabisto ni Clarisse (Klea Pineda) na ang kabit ng asawang si Jio (Jeric Gonzales) ay ang …

Read More »

Pagiging varsity player ni Christian, ikinagulat ni Chris

SINONG mag-aakala na ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ay dati palang varsity player ng table tennis noong nag-aaral pa  sa UP Diliman. Sa kanyang YouTube vlog na What makes you tick? Talk, masayang nakipag-chikahan si Christian sa guests niya at kapwa mahilig sa sports na sina iBilib host Chris Tiu at sports commentator Mark Zambrano. Pagbabahagi ni Christian, marami ang nagugulat sa tuwing ikinukuwento niya ang pagiging …

Read More »

Cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, sasabak sa vlogging

MASAYA at relatable vlogs ang hatid ng cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, at Benedict Cua na swak para sa mga naka-quarantine at stuck at home pa rin na viewers ng Kapuso primetime soap. Bago suspindehin ang taping ng mga programa bunsod ng Covid-19 pandemic, pinakatinutukan ng netizens ang naganap na alitan ng magkaibigang Ginalyn (Barbie) …

Read More »

Saksi, balik-telebisyon na

KAHIT inilagay na sa general community quarantine o GCQ ang maraming lugar sa bansa, kasama na ang Metro Manila,  patuloy pa ring lumalaki ang pangangailangan natin sa mga reliable news source. Kaya naman magandang balita ang pagbabalik ng late-night newscast na Saksi anchored by Arnold Clavio at Pia Arcangel simula noong Lunes, June 1. Marami nga ang natuwa sa announcement ng GMA News sa Facebook page nito last weekend tungkol sa …

Read More »

Dokyu ni Atom, pinag-usapan

HINANGAAN ang pagkakagawa ng The Atom Araullo Specials episode noong Linggo, ang Covid-19: Nang Tumigil ang Mundo. Naging top trending topic pa nga sa Twitter ang #NangTumigilAngMundo. Pinuri ng netizens ang dokyu ni Atom Araullo tungkol sa iba’t ibang mukha ng Covid-19 at kung paano nito naaapektuhan nang husto ang buhay ng mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap at frontliners. Nailahad nang maayos ng Kapuso journalist ang “mukha” ng …

Read More »

Mel at Mike, balik-24 Oras

GOOD news para sa mga naka-miss sa trio nina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales dahil simula noong Lunes, June 1, nagbalik na sina Mel at Mike sa 24 Oras. Hindi naman nahirapan si Vicky sa mga panahong wala sina Mel at Mike, dahil sina Jessica Soho at Atom Araullo ang pansamantalang nakasama sa primetime newscast ng GMA. Sa pagbabalik ng triumvirate na Mel-Mike-Vicky, asahan na nga na patuloy ang 24 Oras sa …

Read More »

Garrett, pinag-tripan sina Lani at Christian

KAKAIBA ang gimik ng The Clash Season 1 alumnus na si Garrett Bolden sa kanyang TikTok account.   Kinaaliwan ng followers niya ang two-step tutorial kung paano gayahin ang boses ng The Clash panelists na sina Lani Misalucha at Christian Bautista.   Tip ni Garrett, dapat may kaunting nginig ang boses at maayos itong ma-modulate para maging katunog ng Asia’s Nightingale. Para naman magaya si Christian, ang pabirong hirit ni Garrett ay, “Step …

Read More »

Migo Adecer, ‘nakulong’ sa Hong Kong

ISANG araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa ay lumipad pa-Hong Kong si Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star, Migo Adecer. At doon na siya naabutan ng lockdown. “Nandito ako sa Hong Kong. Lately, I came out here and had a coffee or just breathe without the mask,” ani Migo. Hindi naman alintana ni Migo ang pagsasara ng mga gym …

Read More »

Sofia Pablo, milyonaryo na

OPISYAL nang Instagram millionaire ang Prima Donnas star na si Sofia Pablo.   Umabot na kasi sa isang milyon ang followers ng aktres sa photo and video social networking service. Kaya naman masayang-masaya si Sofia sa panibagong milestone na ito sa kanyang career.   Aniya, “Sobra po akong masaya lalo na noong unang kita ko na 1M, kay mommy ko una ipinakita.”   Hindi rin napigilan …

Read More »

Janine, pinasasaya ni Ponche

MALAKI ang pasasalamat ni Janine Gutierrez na mayroon siyang sariling tahanan ngayong nasa gitna pa rin ng Covid-19 crisis ang ating bansa. Lumipat na kasi si Janine sa kanyang sariling condo noong 2016.   “Na-appreciate ko ‘yung bahay ko ngayon. Whatever I can find here na can be of use to someone else, I’m grateful that I have that,” pahayag niya.   Bukod dito, …

Read More »

#UsapangArtista, ilulunsad ng GMA Artist Center

SASAGUTIN ng Kapuso artists na sina Chynna Ortaleza, Benjamin Alves, Gabby Eigenmann, Psalms David, Elle Villanueva, at Sophia Senoron ang tanong na How Do You Feel? sa bagong online show ng GMA Artist Center (GMAAC) na tatawaging #UsapangArtista.   Abangan sa Hunyo 6, 8:00 p.m. sa opisyal na Facebook page ng GMAAC ang mga makabuluhan at masayang talakayan ng mga Kapuso star na sasabak sa unang episode nito.   Ano-ano kaya ang mapag-uusapan nila? Huwag …

Read More »

Aiko, binuweltahan ang mga basher—Picture ko ine-edit?! I’m too old for that

SINAGOT ni Aiko Melendez ang mga basher na nagsabing edited o photo shopped ang mga larawan niya sa Instagram at Facebook account. Sa mga larawan kasi ni Aiko ay kitang-kita ang kanyang kaseksihan at may mga taong walang magawa na nag-comment na peke ang mga  larawan at hindi totoong ganoon kapayat. Sa buwelta ni Aiko sa mga basher, walang in-edit sa kanyang mga larawan; diet, pag-inom …

Read More »

Nganga sa bus girl, tampok sa Magpakailanman

LUMAKI si Franz sa isang magulong pamilya. Hindi sila magkakasundong magkakapatid at ang tatay nilang si Mang Iko ang nagbubuklod sa kanila. Kaya nang mamatay ito noong 1st year high school pa lang siya, ay nagkaroon na silang magkakapatid ng sari-sariling buhay kahit magkakasama sila sa iisang bahay. Ang nanay naman nilang si Malou ay nakatuon sa pagraket sa pagbebenta ng iba’t ibang …

Read More »