Sunday , December 22 2024

Robert B. Roque, Jr.

Ang panganib ng Alert Level 2

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA nitong Biyernes, nang ibaba sa mas maluwag na Alert Level 2 ang quarantine status sa Metro Manila, kapansin-pansin ang dami ng taong nagtitipon-tipon sa mga malls at sa iba pang pasyalan. Ang dagsa ng mga motorista sa paligid ng mga commercial centers ay patunay kung gaano karaming Filipino ang atat nang makabalik sa …

Read More »

In aid of publications

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SANDAMAKMAK ang kuwento tungkol sa mga hamong hinaharap ng industriya ng print media sa ika-21 siglo. Bago ko pa man nilisan ang pagiging editor ng Tempo siyam na taon na ang nakalipas, isa-isa nang naglalaho ang mga tindahan ng diyaryo sa mga kanto at eskinita. Salamat na lang sa mga may edad nang tulad …

Read More »

‘No jab, no work, no pay’

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA LOOB ng mahigit isang linggo, nalito tayo sa mga naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III. Sa buong panahon ng pandemya, pinaniwala niya ang lahat na siya ang pangunahing nagpoprotekta sa mga manggagawa, paulit-ulit na tiniyak sa kanilang hindi maaapektohan ang kanilang trabaho kahit pa hindi sila magpabakuna. Inilinaw din ng kanyang …

Read More »

Balik-negosyo na

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAMIT na sa wakas ng sektor ng negosyo ang ninanais nito – ang maibaba ang pandemic risk classification sa Metro Manila sa mas maluwag na Alert Level 3 upang payagan ang mas maraming negosyo na mag-operate at dagdagan ang kapasidad ng kanilang serbisyo. Higit sa lahat, ang bagong sistema ng quarantine na granular lockdowns, …

Read More »

Handa na sa gera ang Taiwan, tayo ba?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAAALIW ang mga palitan ng kuro-kuro sa social media ng Filipinas sa nakalipas na mga linggo, nagpalisaw-lisaw sa iba’t ibang direksiyon dahil sa sari-saring kaganapan sa bansa. Tinutukan nating lahat ang imbestigasyon ng Senado, ang sitwasyon ng CoVid-19 at lahat ng may kaugnayan dito, at siyempre pa, ang mga nais maging susunod na pangulo. …

Read More »

‘Di masisisi ang nagsialisang nurses

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING update, sinabi ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na 40 porsiyento ng kanilang nurses ay nagsipag-resign na sa kasagsagan ng pandemya. Hindi natin sila masisisi. Ginawa ng mga nurses ang kanilang tungkulin sa mga maysakit, pero sa kabila ng matinding pagod, kakaunti pa rin ang kanilang kinikita para sa …

Read More »

Ipinagluluksa ang Kamara

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KASABAY ng matinding kalungkutang idinulot ng CoVid-19 pandemic sa pinakamahihina nating kababayan, ipinagluluksa ko ang pagpanaw ng Kamara de Representantes. Totoo, makukumpirma ko base sa mga pangunahing senyales na nilisan na ng Batasan ang daigdig. Paanong hindi, kung ang katawa-tawang bersiyon ng fact-finding panel nito sa anomalya sa Pharmally ay tuluyan nang nawalan ng …

Read More »

Ayuda at contact tracing

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NOONG nakaraang linggo, pinuna ng Firing Line ang Department of Budget and Management (DBM) sa hindi paglalaan ng kahit isang sentimo sa contract tracing at ayuda sa 2022 National Expenditure Program (NEP) na isinumite nito sa Kongreso. Ngayon, kasabay ng deliberasyon ng Kamara sa record na panukalang P5.024-trilyon pambansang budget para sa 2022, hinihimok …

Read More »

Mga balitang dalawahan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG nagpahayag na si Inday Sara ng kawalang interes sa pagkandidato sa pagkapangulo sa 2022, nakaligtas na ang bansa sa pagkakaroon ng dalawang Duterte na umaasinta sa dalawang pinakamatataas na posisyon sa bansa. Mayroon akong mga kaibigan na naniniwalang ang kanyang naging deklarasyon ay palabas lamang sa tunay na ultimate goal ng isang mag-amang …

Read More »

Bagong estratehiya vs CoVid-19

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SIMULA bukas, papalitan na ng gobyerno ang estratehiya nito sa pagkontrol sa hawaan ng CoVid-19. Kontra sa pinakamabangis sa lahat ng CoVid variants – ang “Delta,” ipapahinga na ng mga tumutugon sa pandemya ang “complete-lockdown formula” ng ECQ o enhance community quarantine. Dahil sa “solusyong ECQ,” maraming negosyo ang nagkandalugi at dumami pa ang …

Read More »

Duque, nagsosolo na

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA WAKAS, mukhang ‘di na maliligtasan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga alegasyon ng grabeng pagpapabaya, palpak na pamumuno, at matinding korupsiyon na matagal nang ibinabato sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na pinuna ng kolum na ito si Sec. Duque dahil sa mga katiwalian sa Department of Health …

Read More »

Ang ugnayang Duterte-Uy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAYROONG bulung-bulungan tungkol sa pagkakaloob ng Commission on Elections (Comelec) ng logistical contract para sa eleksiyon sa 9 Mayo 2022 sa kompanya na ang malaking bahagi ay kontrolado ng negosyanteng Davaoeño na si Dennis Uy. Bagamat wala pang pinal sa transaksiyong ito, naroroon at umaalingasaw ang kawalan ng katiyakan, tulad ng lumang amoy ng …

Read More »

In denial ang gobyerno

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI pa rin magkamayaw ang mga Filipino kay Hidilyn Diaz hanggang ngayon – at ito ay dahil sa mabuting dahilan. Pagkatapos niyang tuldukan ang 97-taong pagkauhaw ng bansa sa gintong medalya mula sa Olympics sa isang paraang record-breaking, karapat-dapat lang siya sa lahat ng pagmamahal at paghangang natatanggap niya sa ngayon.      Ang kanyang …

Read More »

Pacman vs Du30: Scripted o tunay?

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr. PARA sa marami sa ating nagbabayad ng buwis at nagmamalasakit sa bayan, ang ibinunyag ni Sen. Manny Pacquiao nitong Sabado ay tungkol sa korupsiyon at kung paano ito matutuldukan.   Nakaaalarma ang pagharap niya sa mga mamamahayag habang nasa mesa sa harap niya ang sangkaterbang dokumento na sumusuporta sa akusasyon niyang P10.4 bilyon …

Read More »

Pinabuting protocols para sa matatanda

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr. SA PANINIRAHAN kasama ang 84-anyos kong tiyahin, lahat kami sa bahay ay itinuturing na pinakamahalaga ang kanyang kalusugan ngayong may pandemya. Tulad ng maraming lampas 65 anyos, maghapon lang siyang nasa bahay upang maiwasang mahawahan ng COVID-19. Iyon ang proteksiyong ipinagkakaloob ng mapagmahal niyang pamilya. Para sa kanyang kapakanan, hindi kami tumatanggap ng …

Read More »

1Sambayan kinapos sa inaasahan

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr. SINABI ko na ito noon at muli ko itong sasabihin: Mabuti ang intensiyon ng 1Sambayan pero sadyang napakahirap ng inaambisyon nito. Hindi ko tinutukoy dito ang kahahantungan ng anim na nominado ng koalisyon para sa tambalang tatapat sa Duterte wrecking train sa E-Day 2022. Nang una kong marinig ang tungkol sa 1Sambayan noong …

Read More »

Galaw galaw, IATF

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr. GAYA ng pinangambahan ng kolum na ito noong nakaraang linggo, dumami ang naitatalang bagong kaso ng CoVid-19 sa bansa nitong nakalipas na linggo. At ang hawaan sa mga probinsiya, bagamat limitado sa mga munisipalidad, ay nakapag-ambag sa paglobo ng mga kaso.   Pinupuri natin ang mga lokal na pamahalaan ng Iloilo City, Baguio …

Read More »

Super-spreader event sa QC

MATITINDING banta ang pinakawalan ng mga taga-gobyerno laban sa mga lumalabag sa health protocols. Malinaw ang direktiba ng Pangulo: Arestohin ang mga pasaway at damputin ang konsintidor nilang kapitan ng barangay.   Kung kayo’y napabilib, magmasid sa inyong barangay kung may epekto ito sa kaligtasan ng mga pampublikong lugar laban sa CoVid-19. Mabuti pa, suriin ang bilang ng bagong nahawaan, …

Read More »

‘Walang pilian,’ na naman?

ANG utos ni Pangulong Duterte na huwag isapubliko ang brand ng bakuna na gagamitin sa mga inoculation centers ang marahil ay pinakamalaking kasiraan sa libreng pagbabakuna ng gobyerno laban sa CoVid-19. Dinaig nito ang “walang pilian” na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr., noong Enero, na sumasalamin sa grabeng kawalang pasintabi sa karapatan ng bawat Filipino na pumili.   …

Read More »

Bad manners at racist conduct

“KAMUKHA mo si Paraluman…” marahil ang pinakaakmang linya ng kanta na puwedeng maging simbolo ng pagsikat ng mga Pinoy alternative band sa pagpapalit ng milenyo. Duda ako kung may isa man sa henerasyong iyon ang nakakkikilala kay Paraluman, maliban sa sinasabi ng kanta na isa siyang napakagandang babae.   Si Paraluman, siyempre pa, ay totoong napakagandang dilag; isang German-Filipino actress …

Read More »

PH puwedeng magsalba vs doomsday scenario

BILANG isa sa pinakamahuhusay sa larangan ng estratehiya sa nakalipas na anim na dekada, nakikinita ni dating US Secretary of State Henry Kissinger ang isang doomsday scenario sakaling lumala ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China. Hindi kinakailangan ng minimum IQ ng mga Filipino para maintindihang napagigitna tayo sa panganib na ito.   Nitong weekend, nagbabala sa mundo ang …

Read More »

Bigyan ng silencer si ‘Machine-gun Tony’

HINDI ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang mga mata ni Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., para makita ko sana kung gaano kalawak niyang sinasalamin ang kanyang kaluluwa. Ang tiyak ko lang, kinakatawan ng kanyang maruming bunganga ang marumi rin niyang pag-iisip.   Hindi ko na kailangang tanungin pa ang mga senador, na tinawag niyang “stupid” kung sumasang-ayon ba sila sa …

Read More »

China umatras sa WPS

KAKAUNTI lang, kung mayroon man, ang impormasyong naka­rating sa mga lokal na mamamahayag tungkol sa kinahinatnan ng ma­init na usapin sa seguri­dad na pangkaragatan at pagtatalo sa kontrol sa West Philippine Sea nitong weekend. Nabasa ko lamang ang mga artikulo ng Forbes at Esquire kung paano ang naging pagtugon ng militar ng Filipinas at ng pinakamakapangyarihan nitong tagapagtanggol, ang Amerika, …

Read More »

Dapat i-donate ng US ang sobrang bakuna

KUNG mayroon mang isang mabuting ginawa si Donald Trump bago siya umalis sa White House, iyon ay ang America First-style ng pagbili ng anti-CoVid vaccines ng kanyang administrasyon. Nagbigay-daan ito para sa epektibong CoVid-19 immunization program na mabilis na naaabot ang mga target nito sa iba’t ibang dako ng Amerika, ang puntirya man ay herd immunity o turukan ang bawat …

Read More »

Bakuna para sa mga mayor; isang sampal para sa China

GAYA ng babala ko noong nakaraang linggo, ang panibagong lockdown ay posibleng mapalawig pa. At tulad ng pagtaya ng OCTA Research Group tatlong linggo na ang nakalipas, ang mga bagong nahawaan ng CoVid-19 ay totoong umabot — at lumampas pa nga —sa mahigit 11,000 kaso kada araw, kaya naman punuan na ngayon ang mga pasilidad pangkalusugan sa Metro Manila at …

Read More »