Sunday , December 22 2024

Robert B. Roque, Jr.

Resolusyon sa kaso ng media killings pinamamadali

UMAPELA ang Palasyo sa hudikatura na madaliin umano ang pagbibigay ng resolusyon sa mga  kaso ng media killings sa bansa. Ito ay bunga ng pinakahuling pamamaslang sa miyembro ng media na si Elvis Ordaniza, isang journalist sa Zamboanga del Sur na binaril nang dalawang ulit sa dibdib sa labas ng kanyang tahanan sa Purok Bagong Silang, Barangay Poblacion, Pitogo. Si …

Read More »

Col. Marcelino naninindigan nang walang katibayan

NANINDIGAN si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino na isang lehitimong misyon laban sa droga ang kanyang ginagampanan nang hulihin ng mga operatiba ng PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang laboratoryo ng shabu sa Santa Cruz, Maynila noong Enero 2. Ang presensiya niya sa lugar ay bahagi raw ng case operation plan (COPLAN), bagaman …

Read More »

Sayang ang dating drug buster

SAYANG ang dating drug buster na si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino, na nahuli sa loob ng pinaghihinalaang laboratoryo ng shabu na sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Illegal Drugs group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).  Sa kabila ng katwiran ni Marcelino na nasa misyon siya para sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) …

Read More »

Korupsiyon sa LTO

KUNG may mga isyu ng iregularidad at korupsiyon na ipinupukol sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ay gayon din sa Land Transportation Office (LTO), bagaman hindi ito garapalan sa unang tingin. Wala naman masama sa pangongolekta ng LTO ng P50 sa bawat sasakyan bilang bayad sa sticker para sa kanilang plate o plaka noong isang taon, kung …

Read More »

Mga opisyal ng Comelec hindi nagkakaunawaan

Laman ng mga balita ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang opisyal ng Commission on Elections (Comelec). Sa komento na isinampa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Suprme Court (SC) noong Huwebes ay hiniling niya na ibasura ang petisyon ni Senator Grace Poe, na baligtarin ang desisyon ng First at Second Divisions ng Comelec na maitsapuwera siya sa 2016 elections. Nanindigan si …

Read More »

Manatiling positibo ngayong 2016

KARAMIHAN ng mga Filipino ay puno ng pag-asa na gaganda ang kanilang buhay ngayong 2016. Lumabas sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Disyembre 4 hanggang 11 na ang 89 porsiyento sa ating mga kababayan ay haharap nang “may pag-asa” na magiging matagumpay sa pagpasok ng 2016. Mas mataas pa ang naging resulta sa Social Weather Stations (SWS) survey …

Read More »

Banta sa kapwa taga-media

NAMEMELIGRONG mapabilang sa mahabang listahan ng media killings ang isang kapwa taga-media kapag napatay siya ng killer na inupahan umano ng sindikato na kanyang binira sa programa sa radyo at column sa tabloid. Isang kaibigang reporter daw ang nag-tip sa broadcaster/tabloid columnist na si Rex Cayanong na isa siya sa limang taga-media na ipaliligpit ng gambling lords at drug lords. …

Read More »

Pagpapaamo ng dila ni ‘Digong’

MAY mga nagsabi sa akin na dapat maitiwalag sa relihiyon si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte dahil ang pagmumura niya kay Pope Francis ay katumbas ng pagtanggi na magpailalim sa Papa. Mabuti at humingi siya agad ng paumanhin. Marahil ay naisip niya na maraming boto lalo na mula sa mga Katoliko at Protestante ang puwedeng mawala nang dahil sa …

Read More »

Paano natiyak  ni Duterte na mananalo siya?

Noong una ay nagdeklara si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo sa mga kadahilanang wala siyang ambisyon na maging pangulo, matanda na at nais magretiro sa pulitika, at may sakit. Pero biglang nagbago ang ihip ng hangin at nagdesisyon siyang mag-file ng certificate of candidacy (COC), sa pamamagitan ng kanyang mga abogado. Ang rason? Ayaw raw niyang …

Read More »

May budol-budol na rin sa NAIA

Bakit nagkakaganito ang takbo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)? Sunud-sunod ang kaso ng “tanim-bala” sa mga dumarating o aalis pa lang ng bansa kaya binatikos ng international media, at hanggang ngayon ay iniimbestigahan ng NBI. Hindi biru-biro ang kumalat na isyu sa buong mundo na ang mga biyahero ay tina-target ng mismong security officials ng NAIA para taniman ng …

Read More »

Mga taong kalye itinago dahil sa APEC?

Sa tuwing magkakaroon ng malaking kaganapan sa bansa ay nagkakataon lang ba na pinaaalis ang mga taong walang sariling tahanan, at naninirahan sa lansangan na daraanan ng kilalang dayuhang bisita? Nang bumisita si Pope Francis sa bansa noong Enero ay nabatikos ang gobyerno nang amining inalis ang higit-kumulang 490 naninirahan sa mga lansangan ng Maynila, at inilipat sa maayos na …

Read More »

May dalang bala huli may droga lusot

MARAMING pasahero ng eroplano ang nagreklamo na nabiktima umano sila ng raket na tinaguriang ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nagulat daw sila nang sabihin ng mga awtoridad na may nakitang bala ang X-ray screener sa loob ng kanilang bagahe. Paano umano mangyayari ito samantala wala silang dalang bala at hindi nila gagawin ito dahil alam nilang bawal? May …

Read More »

Balikbayan boxes noon, ‘tanim-bala’ naman ngayon

MARAMI tayong kababayan at pati na mga turista ang nangangamba sa posibilidad na mangyari rin sa kanila ang sinapit ng ibang minalas sa pagpasok sa ating bansa. Sa mga nakalipas na buwan ay naging mainit na paksa ang patakaran ng Bureau of Customs na buksan at inspeksyonin ang balikbayan boxes na ipinapasok o ipinadadala ng mga Filipino mula ibang bansa, …

Read More »

Hagupit ng Ombudsman

Marami ang natutuwa sa ipinakikitang sipag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa ginagawang serye ng pagsibak sa puwesto ng ilang nagli-lingkod sa gobyerno na kanyang inaprubahan.      Kabilang sa nakatikim ng hagupit ng Ombudsman si Chief Superintendent Asher Dolina, hepe ng Eastern Visayas Police, at ang 17 miyembro ng PNP na pawang sinibak sa puwesto. Inalisan sila ng karapatang makapagtrabaho muli …

Read More »

Bakit may panggulo sa halalan?

PAYAPA at maayos na nagwakas noong Bi-yernes ang isang linggong paghahain ng “certificates of candidacy” (COCs) sa Commission on Elections (Comelec). Tulad nang dati ay muling nasilayan ang pagsali ng mga nagnanais kumandidato na kakaiba ang ayos, kasuotan at pati na mga sina-sabi na sa simula pa lang ay mahirap nang paniwalaan. Halimbawa na rito ang nagpakilalang si “Archangel Lucifer” …

Read More »

Pagharap ng MPD sa hostage-taking

Nagpasiklab ang Manila Police District (MPD) sa pagharap sa hostage-taking sa loob ng isang bus sa Taft Avenue, malapit sa Pedro Gil, noong Huwebes. Sa loob ng 30 minuto ay natapos at napaslang ang naburyong na lalaking nang-hostage sa loob ng HM transport bus, at nailigtas ang babaing estudyante na tinutukan niya ng icepick. Kinailangan daw paputukan ang suspek dahil …

Read More »

Birthday ng solon o big night sa beer house?

ANG inaasahang pangkaraniwang panunumpa ng mga bagong opisyal ng Liberal Party (LP) sa Laguna, na sinundan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Laguna 4th District Representative Benjie Agarao, ay nagdulot ng pagkabigla sa marami. Ito ay nang lumabas sa entablado ang tatlong babaing miyembro ng “Playgirls” na pawang bulgar ang kasuotan at gumigiling sa pagsayaw. Lalong nagulat ang lahat nang sabihin …

Read More »

Mga alkalde, pulis walang magawa sa ilegal na sugal?

WALA bang magawa ang mga pulis at alkalde laban sa ilegal na sugal?  Sa hilagang bahagi ng Metro Manila, namamayagpag ang gambling operators na sina Buboy Go, Mario Bokbok, Nancy, at Jun Moriones. Tuloy ang paghahari-harian sa Malabon ni Buboy Go, na kapatid ng isang retiradong pulis-Maynilla, at ipinangangalandakang malakas ang kapit niya kay Mayor Antolin “Lenlen” Oreta. Mapatutunayan kaya …

Read More »

May throat cancer ba si Duterte?

Totoo nga kaya na may kanser sa lalamunan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ito ang dahilan kaya siya umatras sa pampanguluhang halalan sa 2016? Ito ang ibinunyag ng isang mamamahayag sa social media kamakailan. Si Duterte ay ayaw raw payagan ng kanyang pamilya na tumakbo para pangulo dahil lalala ang kanyang “throat cancer” na posibleng maging terminal bunga …

Read More »

INC apektado ba sa kaso?

NAGSIMULA sa Maynila ang protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) laban sa gobyerno noong Agosto 27, bilang isang malakas na puwersa na suportado ng 1,000 kasapi. Pagsapit ng Agosto 30 kung kailan inakala ng marami na daragsain ang EDSA ng daan libong miyembro, ay 20,000 lamang umano ang dumalo. Ang mababang bilang kayang ito ang dahilan kaya itinigil nila ang …

Read More »

Hindi ba saklaw ng batas ang INC?

ITO ang tanong ng marami kaugnay ng protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa ‘pakikialam’ umano ni Justice Secretary Leila de Lima sa “internal problem” ng kanilang sekta. May criminal complaint laban sa pamunuan ng INC. Dahil ba sa relihiyon at pagkakahiwalay ng simbahan at estado, hindi na puwedeng kasuhan ang mga ministro ng simbahan na inirereklamo? Kahit sa Simbahang …

Read More »

CIDG ‘kolektong isyu’ matutukan kaya?

ANG Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay isa sa mga pangunahing ahensiya ng pulisya na pinagkakatiwalaan sa paglaban sa mga kri-minal at sindikato. Kaya malaking kasiraan sa grupo ang nakalap nating report na namamayagpag din sila sa pagkolekta ng tong, na tulad ng ilang miyembro ng Philippine National Police na nabalitaang nalugmok sa putik ng katiwalian. Dalawang yunit ng …

Read More »

Mga bulag sa Ilegal na sugal sa MM

PATULOY sa pamamayagpag  ang  mga ilegal na sugal sa Metro Manila na parang may tagabulag, at hindi umano nakikita ng mga awtoridad na dapat humuli sa kanila. Sino kaya ang “Ver Bicol” at alyas “Pinong” na parehong umaarangkada sa larangan ng ilegal na sugal na lotteng sa Quezon City? Ayon sa mga espiya ng Firing Line, itong si Ver ay …

Read More »

Pati CIDG may kolektong?

ANG mandato ng WACCO o Women and Children Complaints Office ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay asikasuhin ang mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan, pati mga menor de edad nahaharap sa panganib, pinsala o pagsasamantala. Ang Anti-Transnational Crime Division (ATCD) ng CIDG naman ay isang espesyal na unit na nakabase sa Metro Manila at hawak …

Read More »

Mga mambabatas pero bastos

WALA sa lugar ang pagpoprotesta na ginawa ng mga mambabatas mula sa militanteng koalisyon ng Makabayan sa pagwawakas ng State of the Nation Address (SONA) ni President Noynoy Aquino sa Batasang Pambansa. Nagtaas pa sila ng mga placard na nagsasabing “palpak” at “manhid” ang  administrasyon. Ganu’n pa man, ang pag-iingay nila ay natabunan lang ng mga palakpak mula sa mga …

Read More »