Saturday , September 7 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pagdedesisyon

Ang pagkakasibak sa siyam na opisyal ng Manila Police District (MPD) na sangkot sa marahas na dispersal ng mga nagprotesta sa harap ng US embassy noong isang linggo ay inaasahan.

Ang awayan na nagresulta sa pagkasugat ng maraming pulis at demonstrador ay hindi lang kasalanan ng isang kampo. Sa aking opinyon, kapwa silang nagkamali sa kanilang desisyon.

Sa panig ng nagpuprotesta, dapat kumuha sila ng permisong makapag-rally. Malamang ay suportahan ni Manila Mayor President Joseph Estrada ang kanilang balakin (hanggang mapayapa ito) at bigyan sila ng permit para magprotesta malapit sa US embassy. Bawal mag-rally sa embahada.

Alalahaning noong senador si Estrada ay kabilang siya sa bumoto noong 1991 para tanggihan ang bagong tratado sa Subic Bay Naval Station at tapusin ang pamamalagi ng militar ng Amerika sa bansa.

May mga kuha sa video na nagpapakita na inokupahan ng mga raliyista ang Roxas Boulevard sa harap ng US embassy na nagsilbing sagabal sa takbo ng problemadong trapiko; kung paano nila dinungisan ang tatak ng embahada at van ng pulis na pininturahang pula; paano nila binato at inaway ang mga pulis, niyugyog ang sasakyan at kinalampag ang bintana at katawan nito.

Ayon sa mga nagprotesta ay sinusuportahan nila ang “independent foreign policy” ni Duterte. Sa palagay ba ninyo ay papayagan ng Pangulo na masira ang kapayapaan at kaayusan?

Ang naganap noong Miyerkules ay hindi na isyu ng pakikibahagi sa sentimiyento ni Duterte kontra US kundi paglaban sa kapayapaan at kaayusan, na tiyak ako na hindi makikisalo ang Pangulo.

Sa panig ng pulis, naniniwala ako na nagkamali ng desisyon si Senior Superintendent Marcelino Pedrozo, MPD deputy director for operations, at ang ibang mga opisyal.

Nasa panganib man o hindi ang police van at driver nito ay walang dahilan para sagasaan ang isang kumpol ng mga galit na nagpuprotesta.

Sa isang video ay makikita na kahit tapos na ang dispersal, pinaghahampas ng mga pulis ang mga jeepney habang paalis ito. Isa sa mga tsuper ng nagra-rally ay hinatak palabas ng jeepney at binambo hanggang duguang malugmok sa lupa.

Maliwanag na ang “maximum tolerance” ay hindi nagamit nang husto sa araw na iyon. Nagkainitan ng ulo nang magtamo ng pinsala ang magkabilang kampo.

Lagi akong naniniwala na ang trabaho ng pulis ay hindi ang pagiging malakas para gumamit ng puwersa, kundi ang pagiging malakas para hindi mamuwersa.

Ayon sa aktor na si Tom Selleck sa TV drama tungkol sa mga pulis at krimen na “Blue Bloods”: “Ang mga pulis ay gumagawa ng biglaang desisyon sa araw-araw. Ang pagsagot sa tawag ng katungkulan ay bahagi ng kanilang tungkulin. Hangarin umano nila na hindi makapanakit at makaiwas na gawin ito.

“Kung nagkamali ng desisyon ang opisyal, hindi lang ang publiko ang maaapektuhan kundi ang mismong opisyal sa paraan na tanging ang nakaranas ng katulad na sitwasyon lang ang makauunawa.

“Ang mga pulis ay may higit na mataas na antas ng pananagutan kaysa  mga sibilyan pero huwag kalilimutan na tao pa rin sila, tulad natin lahat, na dumaraan sa mga pagdududa at pagsisisi.

“Hindi ko sinasabi na pagbigyan ang mga opisyal na ito. Ang isang maliit na pagkilala sa mga kondisyon kung paano sila magtrabaho, marahil, ay puwedeng makatulong.”

Pero dahil grabe ang insidente, nararapat harapin ng mga nasangkot na opisyal ang ibubunga nito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento

FIRING LINE

ni Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *