Thursday , January 16 2025

Bilang na araw ng pang-aabuso sa magsasaka

SA pagsisimula ng imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture sa nagtaasang presyo ng bigas at mais sa mga lalawigan ay ipinatawag ang mga negosyante, middlemen at pati na ang mga magsasaka.

Maging ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang ang namumuno sa Department of Agriculture at National Food Authority (NFA), ay ipinatawag ni Senator Francis Pangilinan, chairman ng Committee on Agriculture, para dumalo sa imbestigasyon.

Ang pagsisiyasat ng Senado ay bunga ng personal na kahilingan ni Agriculture Secretary Manny Piñol kay Pangilinan na pagtuunan ng pansin ang ibinebentang bigas at mais sa labis na ibinabang mga presyo.

Nang magkausap sila noong isang linggo ay hiniling ni Piñol sa senador na tulungan siyang iwasto ang kawalan ng hustisya na ginagawa sa mga naluluging magsasaka. Ito ay sa pamamagitan ng imbestigasyon upang makalikha ng batas para protektahan ang mga magsasaka.

Mula nga naman sa dating presyong P20 kada kilo ng bigas, nabibili ito ngayon sa halagang P12 o P13 bawat kilo sa maraming bahagi ng bansa. At pati ang dating P17 per kilo ng mais ay bumagsak na sa presyong P10.

Hindi lulusot kay Piñol ang katuwiran ng mga negosyante at middlemen na bumagsak ang presyo ng bigas at mais dahil labis umano ang supply at kulang sa mga bodega na pag-iimbakan nito.

Ayon kay Piñol, hindi ito kapani-paniwala dahil hindi sapat ang bigas at mais na inaani para suportahan ang pangangailangan ng bansa. Bilang patunay ay inihalimbawa niya ang pag-aangkat ng 250,000 metric tons ng bigas mula sa Vietnam na inaprubahan ng NFA kamakailan.

Totoo na naapektohan ang mga butil ng bigas at mais kapag kulang ang bodega. Pero hindi rin umano katanggap-tanggap ang katuwirang bumibili sila sa mababang presyo bunga ng kakulangan sa pag-iimbakan dahil patuloy pa rin sila sa pamimili.

Aprubado naman kay President Duterte ang ginagawang aksiyon ni Piñol para tulungan ang mga magsasaka. Nang magkita sila sa Lamitan City, Basilan ay sinabi ng Agriculture chief sa Pangulo na hihilingin niya sa Senado na siyasatin ang labis na pagtataas ng presyo ng bigas at mais.

Suportado siya rito ni Duterte na nagpahayag na nais niyang makitang magwakas ang matagal nang umiiral na pananamantala sa mga magsasaka.

Bilang na ang araw ng mga walang puso at mapang-abusong negosyante kapag napatunayan sa Senado ang pagsasabwatan nila upang pagsamantalahan ang kawawa nating mga magsasaka.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *