Monday , December 23 2024

Reggee Bonoan

Claudine Barretto, naputulan ng koryente

NAPATULAN ng koryente ang bahay ni Claudine Barretto ngayong Pasko base sa kuwento ng legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio nang mag-guest sa Take it Per Minute FB Live nina Nanay Cristy Fermin, Mr. Fu, at Manay Lolit Solis kahapon ng tanghali sa Obra ni Nanay. “Nakalulungkot kasi holidays pa naman dapat ay masaya not just for Claudine, ‘yung mga bata sana kaya lang naging madilim ang kanilang holidays …

Read More »

Cong. Alfred Vargas, inaalat

PARANG inaalat ngayon si Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas dahil hindi na nga siya nominado bilang Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2020 sa pelikula niyang Tagpuan, may mga nagpapa-boykot pa sa pelikula at heto sinasabing sangkot siya sa korupsiyon. Nitong Lunes ng gabi ay kasama ang pangalan ni Cong. Alfred sa pinangalanan ni President Rodrigo Duterte na nasa listahan ng Presidential …

Read More »

Justin Dizon, na-evict dahil sa pagiging nega

KUNG dati naililigtas pa ng text votes ang mga ‘bully’ sa loob ng Bahay ni Kuya, iba na ngayon sa Pinoy Big Brother Connect dahil tsinu-tsugi na kaagad. Ang housemate na si Justin Dizon na nilait ang kapwa housemate na si Jie-Ann Armero mula sa Saranggani dahil bihira itong maligo sa loob ng Bahay ni Kuya dahil hindi siya sanay ay umani ng maraming batikos sa netizens …

Read More »

Janine, mas pinili ang ABS-CBN kaya ‘di na nag-renew sa GMA7

HINDI totoong hindi ini-renew si Janine Gutierrez ng GMA 7 kundi siya mismo ang hindi nag-renew dahil mas gusto na niyang maging freelancer as an artist. Ito mismo ang tsika sa amin ng taga-GMA 7 na huwag na huwag kong banggitin ang pangalan niya. “Nalulungkot siyempre ang management kasi nagsabi si Janine na mas gusto niyang maging freelancer, gusto niyang makipag-trabaho sa ibang artists …

Read More »

Charlie Dizon, ‘laban kung laban kina Nora, Ritz, Iza, at Sylvia

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay mainit na pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz na malakas ang laban sa kategoryang Best Actress sa virtual Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2020 (ginanap kagabi) ang baguhang si Charlie Dizon sa pelikulang Fan Girl kasama si Paulo Avelino mula sa Star Cinema at Black Sheep na idinirehe ni Antoinette Jadaone. Ang mga narinig naming komento, “Kung may sinehan, malamang nasa R-16 ang ‘Fan …

Read More »

Talak ng netizen sa engagement nina Morissette at Dave: wrong move

ANG lalaking mapapangasawa ni Morissette Amon na si Dave Lamar ay hindi gusto ng magulang niya, pero wala na silang magagawa dahil tinanggap na ng dalaga ang marriage proposal ng katipan. ‘Di ba’t ito rin ang dahilan kung bakit humiwalay na ng tirahan si Mowie (palayaw ng dalaga) sa magulang niya dahil nga pinagbabawalan siyang makipagkita kay Dave? Anyway, engaged na rin ang dalawa …

Read More »

Aizyl, Justin, at Mika, posibleng mapalabas ng Bahay ni Kuya

NANGANGANIB na mapaikli ang paninirahan nina Aizyl Tandungon, Justin Dizon, at Mika Pajares sa Bahay ni Kuya dahil isa sa kanila ang maaaring mamaalam na bilang housemate sa nalalapit na first eviction night ng PBB Connect sa Linggo, Disyembre 27. Base sa naging botohan ng housemates, si Aizyl ang nakaani ng maraming boto para sa eviction na may 17 puntos. Sumunod naman si Mika na may pitong …

Read More »

Parade of the Stars, nairaos kahit virtual lang; The Boy Foretold by the Stars, hataw sa tickets selling

KAHAPON ginanap ang virtual Parade of the Stars para sa 10 entries  ng Metro Manila Film Festival 2020 sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang kanyang lungsod ang host para sa nasabing event. Kasama ni Mayor Joy si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa paghampas ng Gong bilang hudyat na magsisimula na sa Biyernes, Disyembre 25 ang MMFF 20 at maaaring magpa-reserve na ng tickets sa UPSTREAM.ph na …

Read More »

John Prats, ‘pinag-usapan’ ng mga kapwa artista ang ginawang pagdidirehe sa ABS-CBN Christmas Special

BAGO nagsimula ang special screening ng The Boy Foretold by the Stars ay napag-usapan ang ginanap na Ikaw ang Liwanag at Ligaya: The ABS-CBN Christmas Special nitong Linggo, Disyembre 20 at narinig ito ni MJ Felipe, ang host ng event ng Kapamilya Network. At dito nabanggit ni MJ, “ang galing ni John (Prats) as director, huh.” Base rin sa mga nabasa namin ay ang daming bumati sa …

Read More »

Forever ni Andi, natagpuan na; Philmar, nag-propose 

SA wakas, natagpuan na talaga ni Andi Eigenmann ang kanyang ‘forever’ dahil nag-propose na pala ang kanyang partner na si Philmar Alipayo base na rin sa ipinakitang engagement ring ng aktres sa kanyang Instagram account nitong Linggo. Nag-post si Andi ng larawang nasa dagat sila ni Philmar at sabay pakita ng kanyang singsing. “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t …

Read More »

Lloydie-Bea movie, ‘di natuloy dahil sa Covid at pagsasara ng ABS-CBN

INAMIN ng Star Cinema managing direktor na si Ms Olivia Lamasan na hindi natuloy ang dream project nilang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil sa pandemya at pagsasara ng ABS-CBN. Sa panayam ni MJ Felipe kay Inang (tawag kay Direk Olive), “it was supposed to shot in Florence, Italy. It’s a romance drama. It was to be directed by Cathy Garcia Molina, so reunion movie nila.” Pero dahil …

Read More »

Keann Johnson, sa pakikipagrelasyon sa beki — Yes! Basta mahanap ko ‘yung tamang tao masaya na ako

KUWENTO ng dalawang high school student na nagkagustuhan ang pinaka-gist ng The Boy Foretold by the Stars dahil ayon sa manghuhula ay magkakasama sila sa isang retreat kaya natanong si Keann Johnson kung naranasan niya ang magkagusto sa bading noong nasa hay-iskul siya. “To answer the question kung may na-in-love sa akin noong high school, yes there are few guys and girl have fell …

Read More »

JC Santos at Janine, napakalakas ng chemistry

DOON at Dito ang titulo ng pelikulang ginagawa ngayon nina JC Santos at Janine Gutierrez mula sa TBA Studios. Base sa mga nakita naming larawan ng dalawa sa social media, bagay sila at ito rin ang sabi sa amin na may chemistry sila kaya naman ang ganda nilang pagmasdan sa camera. Pati sa ugali ay magkasundo sina JC at Janine na parehong walang arte sa katawan …

Read More »

Tinapayan ni Ka Tunying, ninakawan, posibleng magsara

GALIT ang naramdaman namin sa taong nagnakaw ng malaking halaga sa negosyong tinapay na pag-aari nina Ka Anthony Taberna at asawang Ka Rossel Taberna. Bakit kami galit? Dahil alam naman ng taong ito na may kinakaharap na malaking problema ang mag-asawa dahil ang anak nilang si Zoey ay maysakit na leukemia at malaking halaga ang kakailanganin nito. Base sa kuwento ni Ka Tunying sa Magandang Buhay nitong …

Read More »

Coney, proud kay Vico na nasama sa listahan ng People Asia’s People of the Year

NASA cloud 9 ngayon ang nanay ni Pasig City Mayor Vico Sotto na si Ms Coney Reyes dahil napabilang ang anak sa listahan ng People Asia’s People of the Year. Sa napakaagang pagkaka-upo ni Vico bilang Mayor ng Pasig ay napansin na kaagad ang malaking pagbabago ng nasasakupan nito dahil lahat ng mga may mali ay kanyang itinuwid at marami pang iba. Kaya hindi kataka-takang …

Read More »

Julia, natutulog, naglalakad ng hubo’t hubad sa bahay

INAMIN ni Julia Barretto na natutulog siya ng nakahubad at naglalakad sa bahay niya ng hubo’t hubad dahil wala namang tao at siya lang mag-isa. Ito ang inamin niya sa mukbang challenge na ipinost niya sa kanyang YouTube channel nitong Disyembre 12 na may titulong titulong #JustJulia SPICY MUKBANG CHALLENGE + Q&A. May nagtanong kasi ng ‘things you tried doing naked?’ Ang ganda ng mga ngiti …

Read More »

Pangarap na engagement ring ni Jessy, natupad (P5-M, halaga ng diamond ring)

DALAWANG buwang itinago nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang engagement dahil ginanap ito sa unang linggo ng Oktubre nang mag-propose ang una pagka­lipas ng apat na taong mag­kasinta­han. Naunang mag-post ang dalawa sa kani-kanilang IG account nitong Biyernes, Disyembre 11 ng ‘12-12-2020’ na iginuhit sa puting buhangin sa dalampasigan ng Amanpulo na kinunan ang kanilang pre-nuptial shooting kaya sila naka-formal wear. Inisip ng lahat …

Read More »

Mang Kepweng ni Vhong, suportado ni Vice Ganda

VHONG Navarro is back para sa ikalawang libro ng Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na mapanonood simula ngayong Disyembre 25 hanggang Enero 8, 2021. Sa virtual mediacon ng MK2 nitong Martes ng gabi ay inamin ni Vhong na hindi siya masyadong kabado ngayon dahil hindi niya makakatunggali sina  Vice Ganda, Coco Martin, at Vic Sotto na taunang may entry sa MMFF. “Siyempre ‘yung totoo, nabawasan ‘yung kaba …

Read More »

Kim, naiyak sa sobrang kasiyahan nang mapasama sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars

KABILANG si Kim Chiu sa pitong local celebrities na napasama sa  Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars na inilabas kamakailan. Ang ibang local celebrities ay sina Angel Locsin, Marian Rivera-Dantes,  Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Sarah Geronimo-Guidicelli. Ang mga nabanggit na pangalan ay walang kasing saya ang nararamdaman lalo’t malapit na ang Kapaskuhan na magandang regalo ito para sa kanila. Bukod dito, ka-level na nila …

Read More »

Kim, may phobia sa pusa: Hinabol nang late umuwi

MAY phobia pala sa pusa si Kim Chiu kaya kapag nakakakita siya ng pusa ay talagang takot na takot na nagsimula noong bata siya. Ang kuwento ni Kim sa ginanap na virtual mediacon ng iWant series na Bawal Lumabas, inabot siya ng gabi sa pag-uwi kaya hinabol siya ng mga pusa. “’Yung lola ko ang nagsasabi ng bawal umuwi ng late. Tapos umuwi ako ng …

Read More »

Kim Chiu, pinakamalaking artista ngayon ng ABS-CBN

SI Kim Chiu ang huling pumirma ng kontrata sa Star Magic (wala siyang co-manager) nitong Disyembre 4 at kung ibabase natin sa chronological order ay ang aktres ang pinakamalaking artista ngayon ng talent management ng ABS-CBN na pinamamahalaan na ngayon ni Direk Laurenti Dyogi na siya ring Entertainment Production Director at Head Director ng Pinoy Big Brother. Oo nga, nawala na sa listahan sina Piolo Pascual, Maja Salvador at iba pa …

Read More »

Herbert, dinalaw si Kris!

Kris Aquino Herbert Bautista

TIYAK na magkakagulo na naman ang KrisTek supporters sa balitang nagkita sina ex Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa taping ng programang Lunch Out Loud ng TV5 na mapapanood sa Disyembre 9. May taping si Kris para sa Shopee segment niya sa LOL at habang naghihintay ito sa dressing room ay dumating si Bistek. Ayon sa nagpadala sa amin ng larawan ni HB na naka-military uniform pa ay dumaan siya sa studio para makita …

Read More »

Ria at Gela, nag-iiyak nang manalo si Arjo

ANG biggest fan, supporter, at big sister ni Arjo Atayde na si Ria Atayde ay pinalipas muna ang isang araw bago niya nasabi ang pagbati sa kuya dahil wala silang ginawa ni Gela kundi mag-iiyak. Tulad ng nanay nilang si Sylvia Sanchez, umaga palang ng Biyernes ay abot-abot na ang nerbiyos nila para kay Arjo na noo’y kabado rin kung …

Read More »