Sunday , May 19 2024
Kris Aquino Herbert Bautista
Kris Aquino Herbert Bautista

Herbert, dinalaw si Kris!

TIYAK na magkakagulo na naman ang KrisTek supporters sa balitang nagkita sina ex Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa taping ng programang Lunch Out Loud ng TV5 na mapapanood sa Disyembre 9.

May taping si Kris para sa Shopee segment niya sa LOL at habang naghihintay ito sa dressing room ay dumating si Bistek.

Ayon sa nagpadala sa amin ng larawan ni HB na naka-military uniform pa ay dumaan siya sa studio para makita at kumustahin si Kris at base sa kuwento ay masaya ang Queen of Social Media nang makita ang komedyante.

May meeting si HB sa malapit sa Verjandel Hotel along Kalayaan Avenue, Quezon City na roon naka-billet si Kris.

Malapit ang hotel sa Quezon City Hall kaya madaling napuntahan ni Bistek ang kanyang close friend.

Anyway, nagpadala kami ng mensahe sa kampo ni Kris tungkol dito pero hindi kami sinagot.

Tungkol naman sa Puregold online show ni Kris, sa 2021 na ito matutuloy ayon sa aming source at hindi tungkol sa showbiz ang tema nito.

Inuna ang online show ni Boy Abunda na aabot hanggang Pebrero, 2021.

Sa kasalukuyan ay kaliwa’t kanan ang webisode shoot ni Kris para sa marami niyang product endorsements.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *