Wednesday , June 19 2024

Lumang style ng comedy nina Janno, Dennis, Jerald, at Andrew, tanggap ng Millennials

HINDI ikinaila ni Janno Gibbs na nagulat siya nang halos wala pang isang linggo nang ma-upload ang movie trailer ng PAKBOYS TAKUSA ay umabot na ito sa 20 million views sa iba’t ibang social media platforms (Facebook, Instagram, YouTube), at marami na ang excited na mapanood ang pelikula.

“Sobra. We we’re pleasantly surprised sa dami ng views agad, sa bilis na nakuha ng views namin. Kasi ang ginagawa namin is just a simple comedy film na nakaka-surprise ang reaction ng tao.

Tuwang-tuwa sila na parang bago ang ginagawa namin,” sagot ni Janno nang matanong ukol sa reaction nila sa dami ng views ng kanilang trailer.

Sinabi naman ni Dennis Padilla na tiyak na marami ang natuwa sa pagsasama-sama nilang apat nina Janno, Jerald Napoles, at Andrew E.

Umaasa naman si Andrew na ang mga nanood ng trailer ay manonood din ng kanilang pelikula sa oras na ito’y ipalabas na sa December 25 bilang isa sa entry sa Metro Manila Film Festival handog ng Viva Films.

Iginiit naman ni Andrew na wala silang binago sa komedyang inihahatid nila before sa ngayon.

Wala kaming binago. Kung paano kami before ‘yun pa rin except ‘yung plataporma para sa mga bagong millennials o bagong kabataan. Kumbaga ‘yung platform ang sinakyan, pero the same,” sambit ni Andrew. 

“I think from ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo’ I think ang mission talaga namin nina Andrew at Dennis was to re-introduce our old style of comedy to the new audience, sa mga younger generation,” paliwanag naman ni Janno.

“Ang nakakatuwa lang, kapag nasa labas ako nagugulat ako dahil ‘yung mga teen-ager ang sumasalubong sa akin, sabi nila natutuwa sila sa comedy namin. At sinasabi ko, mabuti na naiintindihan nila. At sinasabi nila na bago iyon sa pandinig nila kaya nagugustuhan nila,” sabi naman ni Dennis.

Nagbabalik ang trio na kasama ang komedyanteng si Jerald para sa kanilang official Metro Manila Film Festival entry.

Ang PAKBOYS TAKUSA ay tungkol sa apat na magkakaibigan na may iisang interes: Babae. Ang Photographer na si Justine (Janno ); ang Dentista na si John (Andrew E.), ang Stand-up Comedian na si Bruno (Dennis); at ang Tattoo Artist na si Drake (Jerald ) ay mahilig pumorma sa mga babaeng nakikilala nila sa trabaho. Lahat sila expert sa pambababae, at lalong mas expert sila sa pagtatago sa kanilang mga asawa. Hindi titigil sa pambababae ang apat na magkakaibigan, hanggang sa dumating ang karma, at malalagay sa panganib ang kanilang buhay dahil sa… babae. At sino pa ba ang magliligtas sa kanila kundi ang kanilang mga loyal at mapagmahal na asawa.

Kasama nila Janno, Dennis, Jerald at Andrew E. sa pelikula ang kanilang mga magagandang misis na sina: Angelu De Leon, Maui Taylor, Marissa Sanchez at Ana Roces. At kasali rin sa kalokohan at kaguluhan ang beteranong komedyante na si Leo Martinez. Siya ang magbibigay ng payo sa apat na magkakaibigan tungkol sa buhay may asawa at pambababae.

Humanda na sa katatawanang hatid ng PAKBOYS TAKUSA sa 2020 Metro Manila Film Festival. Magsisimula ang worldwide streaming sa December 25, 2020 sa UPSTREAM.ph, at sa halagang P250, ay makakakuha ka na ng isang movie access.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

blind item woman

Madir ni sikat na singer namigay ng expired na chocolates 

I-FLEXni Jun Nardo PARTE na ng showbiz ang stage mothers and fathers. Medyo nababawasan na …

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Paolo Contis

Paolo walang bumati sa 3 mga anak noong Father’s Day

HATAWANni Ed de Leon ANG tanungan noong isang araw, binati kaya ng kanyang mga anak …

Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang …

Kim Chiu Aileen Choi-Go Sisters Napkins

Kim deadma na sa past relationship, blessings dagsa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT na lang sigurong deadmahin ni Kim Chiu ang mga isyung may kinalaman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *