Tuesday , November 30 2021

Forever ni Andi, natagpuan na; Philmar, nag-propose 

SA wakas, natagpuan na talaga ni Andi Eigenmann ang kanyang ‘forever’ dahil nag-propose na pala ang kanyang partner na si Philmar Alipayo base na rin sa ipinakitang engagement ring ng aktres sa kanyang Instagram account nitong Linggo.

Nag-post si Andi ng larawang nasa dagat sila ni Philmar at sabay pakita ng kanyang singsing.

“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”

Dalawang taon na ang relasyon ng dalawa at nabiyayaan sila ng anak na babae na si Lilo at soon ay ipapanganak naman nito ang baby boy nila. Bale tatlo na ang anak ni Andi kasama ang anak na si Ellie kay Jake Ejercito.

Samantala, muling nag-post si Andi ng larawan nila ni Philmar na nasa ilalim ng dagat at nakasakay siya sa likod ng fiancé.

The love we were promised in fairytales was never something for us to find. It has always been something for us to create.

“Thank you for taking the time to take these awesome pics, @pernillasjoo! We will definitely treasure them forever,” caption ni Andi.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply