Thursday , June 13 2024

JC Santos at Janine, napakalakas ng chemistry

DOON at Dito ang titulo ng pelikulang ginagawa ngayon nina JC Santos at Janine Gutierrez mula sa TBA Studios.

Base sa mga nakita naming larawan ng dalawa sa social media, bagay sila at ito rin ang sabi sa amin na may chemistry sila kaya naman ang ganda nilang pagmasdan sa camera.

Pati sa ugali ay magkasundo sina JC at Janine na parehong walang arte sa katawan dahil ‘pag sinabing ‘take’, go na agad ang dalawa.

Walang workshop na ginawa ang dalawang artista at sa pamamagitan ng zoom ang ginawa nilang script reading sa buong araw.

Real-time ang kuwento ng Doon at Dito na pandemic kaya sa online nagkakilala at nagka-ibigan. Nabuo ang love story nila sa pag-uusap lang via computer at dahil mahal nila ang isa’t isa ay napagdesisyonan nilang magkita sa lugar na magkakaroon na ng conflicts.

Walang sinabi sa amin kung kailan ito ipalalabas o kung isasali ito sa film festival. Ang Dito at Doon ay mula sa direksiyon ni JP Habac, Jr..

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …

Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gradweyt na sa kolehiyo 

MATABILni John Fontanilla NAGTAPOS na sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton …

Coco Martin Julia Montes

Tibay at pagiging open nina Coco at Julia pinuri ng netizens 

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil mukhang handa na ang mga itong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *