Sunday , November 28 2021

Talak ng netizen sa engagement nina Morissette at Dave: wrong move

ANG lalaking mapapangasawa ni Morissette Amon na si Dave Lamar ay hindi gusto ng magulang niya, pero wala na silang magagawa dahil tinanggap na ng dalaga ang marriage proposal ng katipan.

‘Di ba’t ito rin ang dahilan kung bakit humiwalay na ng tirahan si Mowie (palayaw ng dalaga) sa magulang niya dahil nga pinagbabawalan siyang makipagkita kay Dave?

Anyway, engaged na rin ang dalawa pero nakapagtataka na sa rami ng na-engage ngayong 2020 ay kay Morissette may nag-react at maling desisyon daw ito para sa kanyang career.

Sa rami ng mga celebrity na engaged bago mag-Pasko ay namumukod tanging si Morissette ang sinabihan ng netizen na mali ang desisyon niyang tanggapin ang marriage proposal ng fiancé.

Ang ilan sa celebrities na engaged na wala namang kumontra ay sina Luis Manzano/Jessy Mendiola, Philmar Alipayo/Andi Eigenmann, Mark Herras/Nicole Donares, Melissa Ricks/Michael Macatangay, Ritz Azul/Allan Guwi, Trina Legaspi/Ryan Jarina, Empress Shuck/Vino Guingona, Rocco Nacino/Melissa Gohing, Kris Bernal/Perry Choi, Mo Twister/Angelika Schemeing, Laura Lehmann/Von Pessumal, at Glaiza de Castro/David Rainey.

Ayon sa netizen, “@itsmorissette Wrong decision girl. This will be the end of your international career. Just like what happened to Jocelyn Enriquez. It’s okay to be in love but think about how much you’re going to lose. You are at the peak of your career right now. I’m just saying.”

Sinagot kaagad ito ni Morissette, “Hello po, sir. I don’t reply to msgs like this, but I will to you because you’re obv (obviously) judging me too quickly. I frankly don’t think I’m going to lose ANYTHING with my decision to get married, ESPECIALLY when the man I’m gonna share my life with is the same man who is currently helping me with my music.

This being said, you outta check out my latest single and music video ‘Love You Still’ also shot by now fiancé. And this is just the beginning, hope your food tastes great. have a happy holidays.”

Ang paliwanag ng netizen kung bakit niya nasabi, “Oh I’m not judging you at all. I’m actually a huge fan of yours. Nanghihinayang lang ako sa mga maaring mangyari.

“I used to be in the industry and in the US when an artist lalo na pag pasikat pa lang then they decide to get married or get pregnant nasisira na ang career.

“Inaayawan na ng mga record label kasi alam nila mababawasan na kita nila dahil maraming fans ang aayaw na. It’s a stupid thing but unfortunately, it happens.

“What I said about Jocelyn Enriquez was true. Mismong manager nya nag kwento sa kin.

“At the peak of her career she decided to get pregnant. Sunod sunod pa naman mga offers sa kanya. She lost all of them. Hirap na sya makabalik.

Same with Charice (Jake Zyrus). When she came out di ba ano nangyari? Same thing. Like I said earlier.

“I’m a huge fan and I’m always up to date sa mga new songs mo. All I want was for you to make it here in mainstream US. Malapit na sana.

“Pero syempre buhay mo yan. It’s still your decision. Nagbibigay lang ako ng advice. I hope your other fans don’t take this the wrong way.”

 “All’s forgiven, sir. this isn’t the first time I was bashed upon with the decisions I had to make. But we are all different people, and as for me I will still go on with pursuing my music because this is what I believe God’s purpose is for me, and that can still happen even when I get married or even when I have my own family in the future.

 “If we’re talking about the international scene, Tori Kelly is an extremely talented artist who’s still soaring with her music, and is extremely happy with her own family all at the same time.

“I acknowledge and appreciate your concern as a supporter, but there’s also a lot going on behind the scenes that even my die-hard fans don’t know about, but they continue to trust and support me and I am so grateful for them.

“And I’m glad you have your daughter’s back, I understand you as a father because my parents were the same and I only wished they trusted me a little more.

“Anyways, all’s well and good. hope you and your family are good and safe. Merry Christmas po!” pahayag ni Morissette.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply