Thursday , December 9 2021

Janine, mas pinili ang ABS-CBN kaya ‘di na nag-renew sa GMA7

HINDI totoong hindi ini-renew si Janine Gutierrez ng GMA 7 kundi siya mismo ang hindi nag-renew dahil mas gusto na niyang maging freelancer as an artist.

Ito mismo ang tsika sa amin ng taga-GMA 7 na huwag na huwag kong banggitin ang pangalan niya.

“Nalulungkot siyempre ang management kasi nagsabi si Janine na mas gusto niyang maging freelancer, gusto niyang makipag-trabaho sa ibang artists na hindi pa niya nakaka-work, kaya iginalang naman ng management ang decision niya.

“Actually may gagawin siyang TV series for 2021 with Rayver Cruz, ganda sana ‘di ba, eh, wala na siya, so iba na lang makakasama ni Rayver,” pagtatapat ng aming source.

Nanghinayang din kami dahil pagkakataon na rin sanang magkatrabaho ang magkasintahan pero hindi natuloy, baka hindi talaga sila destined na magsama pa.

Nabanggit din sa amin ng taga-Siyete na naging honest sa GMA 7 si Janine na may offer nga ang ABS-CBN sa kanya na gustong-gusto ng aktres kaya siguro napa-oo siya. Ang hindi lang alam kung exclusive ang kontrata ng dalaga sa Kapamilya Network o per project lang.

Hmm, ano kayang masasabi ng boyfriend ni Janine na si Rayver tungkol dito?

About Reggee Bonoan

Check Also

Chie Filomeno

Chie sa mga basher — I’m a public figure, but I’m not a public property

HARD TALKni Pilar Mateo INILUNSAD na ng Ginebra San Miguel ang calendar girl nila para sa taong …

Blind Item, Sexy Girl

Pictures ni aktres sa socmed fake news?

FACT SHEETni Reggee Bonoan ALIW kami sa tsikang kinailangang mamili ng mga bagong damit ang stylist …

Kathniel Kathryn Bernrdo Daniel Padilla

Kathryn aminadong clingy at touchy GF

FACT SHEETni Reggee Bonoan SINAGOT ni Kathryn Bernardo ang ilang assumptions ng fans na uploaded sa kanyang YouTube …

Diego Loyzaga AJ Raval

AJ Raval itinanggi panliligaw ni Diego

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ni Anna Pingol ng PikaPika.ph. kay AJ Raval ay mariing itinanggi ng …

Barbie Imperial Diego Loyzaga AJ Raval

Barbie ipagpapalaban si Diego hanggang dulo

REALITY BITESDominic Rea SA   isyung kinasa­-sangkutan ni Barbie Imperial kay AJ Raval ay mismong si Diego Loyzaga na ang nagsabing …

Leave a Reply